XI

2 0 0
                                    


XI

"Salamat." Sincere kong sinabi pagkababa ko at kita ko ang pagkagulat niya roon. Agad ko siyang tinalikuran ngunit pinigilan niya ako.

"Saan ka pupunta?"

Saan nga ba? Hindi ko rin alam eh. Basta ang alam ko kailangan kong hanapin si Keisha.

"Ano ba ang nakasulat?" Tanong niya.

"Wait." Kinuha ko yung papel.

May nilabas siyang ballpen at may pinihit, UV light 'yon.

"I knew it." Aniya at napatingin sa akin, nginuso niya ang papel. Nanlaki ang mga mata ko nung may nakasulat nga roon.

Napatingin ako sa kaniya at ngumiti siya. Ewan ko pero kumalma ako dahil doon.

"Stay here. Wait for me, don't be reckless." Aniya at pumasok sa loob ng bahay nila.

Binuksan ko ang bag ko at nakita ko ang panyo na pinahiram ni Adrian sa akin. I guess mamaya ko na ito ibabalik. Uunahin ko muna si Keisha. Nilagay ko ito sa bulsa ko.

Napaupo ako sa duyan malapit sa kanilang terrace at taimtim na binasa ang sulat ni Keisha.

Napahawak ako sa bibig ko habang binabasa 'yon. Napalunok ako at pinigilan ang pag-iyak ko. Nakarinig ako ng tikhim at napatingin ako kung saan galing 'yon.

He's with his maroon jacket and khaki shorts. Pinasadahan niya ang kaniyang buhok at tumaas ang isang kilay. Now, mas bumagay sa kaniya ang medyo magulo niyang buhok. Nag-iwas ako ng tingin at napanguso.

"Let's go?" Nananantiyang sinabi niya at tumango ako. Napatingin ako sa relo ko.

Tahimik kaming dalawa habang naglalakad, hindi niya ako tinatanong tungkol sa nangyari. I don't know if it's because alam niya na ang nangyari, o nahihiya siyang magtanong. Or wala siyang pakialam basta ay nandito siya at sinasamahan ako.

Napatigil ako nang may maaninag na babaeng may bitbit na backpack sa likuran niya. Napalingon ako kay Adrian na biglang kinuha ang bag ko sa likuran. Tinanguan niya ako at dumistansya.

"Keisha!" Sigaw ko at napalingon ang babae sa akin. Mabilis kong nilakad ang distansya sa aming dalawa. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya sa mukha niya.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Naguguluhan niyang tanong. Pilit na itinago ang takot sa boses ngunit hindi siya nagtagumpay.

"Bakit?" Ayun na lamang ang naitanong ko.

Nag-angat siya ng tingin at nginisian ako. Tinimbang ko kung ito ba ang tamang panahon upang magpasalamat ngunit hindi pa pwede.

"Aalis ka?" Seryosong tanong ko at tinitigan siya sa mata.

"Oo eh. Sa Cebu na kami titira, for good." Kaswal niyang sagot. Parang wala lang sa kaniya ang mga nangyari.

"Bakit?"

"Ayun naman kasi ang gusto nina Mama." Kibit-balikat na sagot niya.

Ayun ang gusto ng magulang niya? Ano'ng laban ko sa kanila? Pero kahit ganoon ay gusto kong sumubok.

"Aalis ka talaga nang hindi man lang nagpapaalam?" Tanong ko pa at napasinghap siya. Sumibol ang pag-asa sa loob ko. Umaasa na sana maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya.

"Para saan pa?" Natatawang tanong niya. "Bakit ba nandito ka?"

Oo nga, Jaja. Bakit ba nandito ka? Tingin mo mapipigilan mo siya? Tingin mo ba mapipigilan mo ang taong desidido na?

Inangat ko ang kamay kong may hawak na papel. Mabilis nanlaki ang mga mata niya at bumalik din sa dating ekspresyon.

"Nabasa mo na pala." Mapait siyang ngumiti. Ayaw niya bang mabasa ko? Bakit?

Because of YouWhere stories live. Discover now