XXIII

1 0 0
                                    

XXIII





Marami ang naintriga dahil sa ginawa ni Adrian, may mga kinilig, may mga babaeng nakatingin pa rin sa akin hanggang ngayon.

The aftermath of that kilig scene and its disadvantages, those judgmental eyes staring at you. I don't care, though. Pero may pakialam ako sa maiisip ng mga taong malapit sa akin. Nakita iyon nina Kuya. Nakita kaya iyon ng iba kong pinsan?

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero tumunog ang buzzer at dineklarang panalo ang Stem 12, malaki ang lamang nila.

"May magic yata sa paganon ni Kuya. Tinambakan eh." Tawa ni Reanne at pinuntahan ang kaniyang Kuya.

Kabado pa rin ako kaya hindi ko sila malapitan.

"Sorry."

Nag-angat ako ng tingin, nananantiya ang tingin ni Adrian. Sorry? Saan? Doon sa nangyari kanina? Bakit? Nagsisisi ba siya?

"Did it make you uncomfortable?" Tanong niya at umiling ako. Hindi naman, sadyang kabado pa rin ako hanggang ngayon. But I won't say it.

"Congrats." Ngumisi ako sa kaniya at naglahad ng high 5, ngumiti na rin siya at nag-apir kami.

"Sorry." Ngayon, nakangiti na siya.

Bakit ba sorry siya nang sorry? Ganun ba talaga siya nagsisisi na ginawa niya iyon? Nahihiya siya? What the hell.

"Para saan?" Tanong ko, medyo kumukunot ang noo ko.

Kapag sinabi mong dahil sa ginawa mo, lagot ka sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit parang na-disappoint ako dahil nag-sorry siya after niyang gawin iyon. Like it's something that will regret him doing that.

"I'm sorry because I was sorry earlier." Nakangisi niyang sinabi, hindi ko maintindihan. "I'm sorry because I'm not sorry for doing that. Hindi ko pagsisisihan iyon."

I pursed my lips to suppress my smile, buti at nagawa ko naman. I get it, parang nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. He said sorry because he thought I was uncomfortable. But he said sorry again for not being sorry with what he did. I don't know why but I felt satisfaction.

Pinapila kami by section dahil sa awarding, malisyoso akong tinignan ng mga kaklase ko kaya kumunot ang noo ko.

"Nakita ko yung nangyari kanina." Natutuwang bulong sa akin ni Nathan at kinukulot-kulot ang buhok ko, nang-aasar.

"Tss." Asik ko at kinuha sa kaniya ang buhok ko. Nagkatinginan kami ni Ethan at mabilis siyang umiwas ng tingin.

I'm not blind, at lalong hindi ako manhid. I know that he has feelings for me, noon pa man. Pero hindi ko binigyan ng pansin, lalo na dahil hindi ko alam kung ano ang gagawing approach sa kaniya.

He's my friend, ayokong masaktan siya intentionally. So, I will wait. Hihintayin ko siyang magsabi at kapag dumating ang oras na iyon tsaka ako magsasalita.

Sobrang natuwa ang section namin dahil ang dami naming awards, sa volleyball lang kami 1st place pero ang iba ay nagre-range naman sa 2nd o 3rd place.

Ngumiti kami habang kinukuhanan ng litrato hawak ang trophy namin. Mabuti na lang pala at nakalugay ang buhok ko at nagmukhang formal.

Nag-cellphone na ako pagkatapos na award-an kami. Pero nagpantig ang tainga ko nang marinig ang pangalan ko galing sa emcee. Niyuyugyog na rin ako ng mga kaklase ko. Anong meron?

"MVP ka, teh!" Tuwang-tuwang sigaw ni Reanne at tinulak ako.

Naguguluhan akong pumunta sa stage, nanlaki ang mga mata ko nang makita rin doon si Adrian, he's smirking at me. Ang tanging nakapagpasaya lang sa akin ay sabitan ako ng medal.

Because of YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang