ONE

44 7 12
                                    

ASTERFREL

Unang araw ng pasukan at napaaga ako ng gising dahil sobrang excited akong makita at makasama ulit ang aking mga kaklase!

Bakit ba ganito ang aking reaksyon gayong magkaklase lamang kami? Of course I value them as my classmates, 'di lang kami magkakilala for just a school year kasi ngayon ay kami ulit ang magsasama.

New school year, new memories but still with my old classmates. Dali-dali kong tinungo ang banyo pero bago tuluyang makapasok ay narinig ko ang boses ni mama mula sa pintuan ng aking kwarto.

"Aster, kasya pa ba 'yong uniporme mo last year? O 'yong bagong tahi ang susuotin mo?" tanong ni Mama sa akin na ikinangiti ko.

Hindi man lang ito bumati ng isang good morning sa akin! Hayaan na nga hahaha!

"Iyong bagong tahi na lang po ma, alam niyo naman pong nadagdagan ang taba ko ngayon." tumango lang naman si Mama sa sinabi ko at sinara na ang aking kwarto.

Sa totoo'y hindi ako ka-seksihan, I have curves pero mas nakikita talaga iyong taba ko sa katawan lalo na sa hita ko.

Ano ba ang magagawa ko? Masarap kumain eh!

Ang dami ngang nagsabi na tumataba ako lalo ngayon pero ewan ko ba bakit sobrang confident ko sa sarili ko.

Pumasok na ako sa banyo at tinignan ang sarili ko sa salamin at napangiti, hinawakan ko naman ang aking mukha at saka pinisil ang mataba kong pisngi. Cute naman ako at kontento na ako roon!

I've been bullied, yes and because of the things na pinagsasabi ng iba ay naging insecure ako but then I realized na I don't need to change myself just to satisfy them.

I've completely accepted my flaws and 'di na ako nagpapaapekto sa sinasabi nila kasi what's important for me is that nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw, maayos ang pamilya namin at masasabi kong halos nakukuha ko na ang lahat ng gusto ko in a good way.

My Mom and Dad are into politics while my titos and titas are doctors, engineers, and businessmen/women.

A lot usually call me a brat and a tab-brat. Why? Kasi nakikita nila ako na mataba at laki raw sa layaw, pero 'di ko na pinapansin pa ang sinasabi nila for I know myself more than they know me.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko dala-dala ang aking backpack.

Habang naglalakad sa pasilyo ng aming bahay ay nakita ko si mama na paakyat at nang makita ako nito ay napapailing siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Actually, we were close. Were. After my mom gave birth to my brother ay hindi na kami masyadong nag-uusap pa at nakapagbonding, one of the reasons why I hated my brother noon but now i think na-immune na ako sa trato ni mama sa akin and vice versa.

"Ang taba mo na, buti pa iyong kaklase mong si Shehara ang payat payat na," she said habang patuloy na naglalakad.

Nginitian ko lamang si mama at pabiro siyang sinagot, "Ma, cute naman ako at maganda saka okay na ako sa katawan ko ngayon."

Napapatango-tango na lamang siya sa sagot ko at tinuro ang baba. "Kumain ka muna at saka ka magpahatid sa Dad mo."

Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa sinabi niya, bakit si Dad? Akala ko siya ang maghahatid?

"I'll be with Allen, mamayang alas diyes pa ang pasok niya." napabuntong-hininga akong tumango na lamang at nagpaalam na.

I sometimes don't understand other parents na walang-awang kinokompara ang kanilang mga anak sa ibang tao.

In my case, nasanay na ako but that doesn't mean na hindi ako nasasaktan. I hide my pain in my own way, walang ibang nakakaalam ng mga sakit na dinaranas ko kundi ang sarili ko lamang.

Why? Kasi ayokong maging pabigat pa, feeling ko kasi ako lang ang makakaintindi sa sarili ko, feeling ko rin kasi na kahit man i-share ko sa iba itong mga problema ko ay wala lamang silang pake.

Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan namin ay tinungo ko na ang aming dining room at nakita si Dad sa center chair na umiinom ng kape habang hawak ang cellphone niya.

Napatingin siya sa direksyon ko when he felt me approaching, ngumiti ito sa akin and I did the same.

Lumapit muna ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, "Good morning po."

"Good morning, anak!" bati pabalik ni Dad at uminom mula sa hawak niyang baso ng kape.

Umupo na ako at kumuha na ng mga pagkain na nakahain na sa harapan ko. Ibinaba ni Dad ang cellphone niya at ramdam kong napatitig ito sa akin kaya nilingon ko siya.

"Anak, may jowa ka na ba?" biglaan nitong tanong kaya napaubo ako at agad kinuha ang isang basong tubig katabi ng pinggan ko at uminom dito.

"What? Wala po ah sobrang bata ko pa para dyan." ibinaba ko na ang baso at nagsimula ulit sa pagkain.

Napatawa naman si Dad sa sinabi ko. "Kapag talaga may nanligaw sa'yo anak ay syempre wala akong angal."

"Paano naman mangyayari iyan kung sa katawan pa lang alam mo ng walang magkakagusto riyan?" wika ng kakarating na si Mama kasama ang kapatid ko.

"Hindi naman lahat ng lalake ay katawan ang habol mahal at maganda naman itong anak mo, matalino at mabait pa kaya sinong hindi magkakagusto rito? Hindi ba anak?" nahihiyang napatango na lang ako kay Dad at nakita si Mama na napakabit-balikat na lamang at tinulungan ang bunso ko para makaupo sa katabi niyang upuan.

Mabilis ang ginawa kong pagkain at saka tumayo na pagkatapos. Tinanong naman ako ni Dad kung tapos na ba ako at tinanguan ko lamang siya, sabi niya'y maghihintay lamang siya sa labas at sabi ko nama'y magto-toothbrush muna ako at mag-aayos ulit.

Hindi na ako nagpaalam pa kay mama kasi ewan ko ba pero nahiya ako bigla sa sarili ko nang sabihin niya iyon.

PAGKATAPOS kong magsipilyo ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at ngumiti.

"Everything will be alright," pagpapalakas-loob ko sa aking sarili bago lumabas ng banyo at lumabas na rin ng bahay.

Nakita ko ang nakaparadang sasakyan ni Dad kaya agad akong pumasok sa front seat at nakita ko naman itong nag-aabang lamang sa akin.

"Pagpasensyahan mo na ang mom mo anak ha?" wika ni Dad habang nagmamaneho. Napangiti na lamang ako sa kanya pati sa sinabi niya.

"Mahaba naman po ang pasensya ko Dad, alam mo na 'yan noon pa." hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Dad at binabad na lamang ang sarili sa cellphone.

Sunod-sunod na tumunog ang messenger ko at agad ko iyong tinignan, isang mensahe galing sa isa sa aking pinakamatalik na kaibigan.

"Beh, may poging transferee tayo!" basa ko mula sa mensahe ng aking kaibigan at agad akong napatingin sa harapan at kagat-labing pinipigilan ang excitement at ang aking tili.

Finally!

Sophomore: Her Prestige Life (JHS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon