FOUR

20 3 0
                                    

ASTERFREL
Bigo at nakabusangot ako habang pabalik kami sa aming classroom, bakit pa kasi magkakilala ang tatay ni Arturo pati si mama?

Nanganganib tuloy ang love life ko ngayon!

Nakita ko naman si Arturo sa may lobby ng aming room na kumakain ng ice cream habang nakasandal sa railings.

Tignan mo 'to, wala man lang pinoproblema! Paano na kung 'di kami magkakatuluyan? Okay lang sa kanya iyon?

"Beh, andyan na si Arturo oh. Kausapin mo na," bulong ng katabi kong si Rina na katulad ko'y nakatingin din kay Arturo.

Binalewala ko ang kanyang sinabi at nakatitig pa rin sa ginagawa ni Arturo, "Ang sarap siguro maging ice cream."

Napadaing ako nang hinampas ako ni Rina ng sobrang lakas, "Gaga, chance mo na ngayon ta's ganyan pa ang naiisip mo! Sige bahala ka ng humarap sa nanay mo!"

Hinihimas-himas ko ang balikat na kanyang hinampas at nginitian siya ng kay laki-laki, "Joke lang iyon, ano ka ba! Wag na kayong mag-alala, haharapin ko ang baby boy ko. Sige na shoo shoo!"

Tinaboy ko na sila kaya pumasok na agad sila sa room namin at ngayo'y kami na lamang ni Arturo ang naiwan sa lobby.

Nasa may likuran niya ako at normal lang naman na hindi niya ako mapansin kasi dinidilaan niya pa ako— este ang ice cream pala.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at napaubo ng mahina para makuha ang atensyon niya.

"H-hi, Arturo..." shet ba't ba nauutal ako? Kalma... tao naman itong kaharap mo... kalma puso.

Nakita kong napataas ang isang kilay nito nang tignan ako kaya agad ko ng tinuloy ang dapat kong sabihin, "Please! Huwag kang magsumbong kay Mama, huwag mo akong isumbong, please!"

Napatawa ito dahil sa sinabi ko kaya kinunotan ko siya ng noo, nagmamakaawa na nga ako't lahat-lahat tumatawa pa rin siya?

O baka itong mukha ko lang talaga ang nakakatawa? Huhu 'wag naman sana!

"Anong tingin mo sa'kin? Bata? You're funny!" natatawa nitong sambit at tuluyang inubos ang kinakaing ice cream saka ako tinalikuran.

"And for your information, I don't know who's your mother," nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.

Ano pala iyong sinabi ni Anne? Sumunod ako kay Arturo papasok sa loob at nilapitan ang mga nakangisi kong kaibigan.

"Pinagtritripan niyo naman ako!" nakabusangot pa ang mga mukha ko no'ng sabihin ko iyon.

Nagmukha akong tanga sa harap ng isang gwapong nilalang! Shet, nakakahiya!

"Huh?" maang-maangang tanong pa ni Anne. "Sabi niya kaya na kilala niya ang nanay mo! I don't lie, Aster, you know that." dagdag pa nito.

Taray! Ume-english! Nakabusangot pa rin akong tinungo ang aking upuan at ginulo na lamang ang buhok ko.

'Di ko na alam kung sino'ng paniniwalaan ko! Argh!

"Hinay-hinay, yung mga kuto mo oh!" sinamaan ko na lamang ng tingin si Jasper dahil sa sinabi nito.

"Excuse me, I'm using a very expensive and a limited shampoo. It can kill thousands of kuto so you don't need to worry, I'm harmless." pagmamayabang ko rito kahit sa katotohana'y head & shoulders lang naman ang ginagamit ko.

Like duh? Hindi naman ako mapili sa mga produktong ginagamit ko saka pareho lang namang shampoo iyong mga nasa tindahan kaso iba't-ibang brands at presyo nga lang.

Sophomore: Her Prestige Life (JHS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon