TWO

31 4 0
                                    

ASTERFREL
Isang taon din kami sa section namin na hindi nakaranas ng kahit isang transferee man lang. Swerte nga ang kabila dahil may transferee sila!

Wala naman akong problema kung mapa-babae man o lalake ang magiging transferee pero nababaguhan lang siguro ako, kasi syempre isang taon ding hindi nabiyayaan itong mga mata ko!

Hindi na pinasok pa ni Dad ang sasakyan sa gate dahil sabi niya'y may pupuntahan pa siya, I understand naman kasi busy rin itong tatay ko.

Hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam bago tuluyang lumabas ng aming kotse.

Marami akong nakikitang mga pamilyar na mukha lalo na sa mga bata, may mga nakikilala rin ako pero hindi ko na nagawang pansinin pa sila dahil kasama nila ang kani-kanilang mga magulang.

Mary Immaculate Integrated School, isa sa pinakasikat at mamahaling paaralan dito sa aming bayan.

May mga anak ng vice mayor, anak ng may-ari at ng mga businessmen dito. Halo-halo.

Kaonti lang ang populasyon namin sa paaralang ito, 600 estimated students lamang kaming narito from Nursery to Grade 12.

Dala-dala ang jansport bag sa aking likuran ay sinimulan ko ng tahakin ang daanan papasok ng paaralan.

"Uy, Aster!" isang tawag galing sa aking likuran ang nakapagpalingon sa akin. Napangiti ako ng malawak nang makilala ang nagtawag sa akin.

"Rina! Good morning!" masayang bati ko rito at binagalan ang paglalakad para siya'y makahabol.

"Same adviser daw ulit, ayos!" napakunot-noo ako nang sabihin niya iyon. Saan niya naman nalaman iyon?

Inakbayan niya lamang ako at bumulong na para bang alam niya ang sagot sa aking tanong, "Resorts World Manila."

"Sira! Hahaha!"

Napalayo ako sa kanya at natatawang tumakbo papunta sa bulletin board kung saan nakapaskil ang aming mga pangalan at section.

"Hoy, hintay!" rinig kong sigaw nito. Patuloy pa rin akong tumatakbo at napahinto nang makarating na sa harapan ng bulletin board.

Habol hininga kong hinahanap ang grade at pangalan ng section ko para sa school year na ito.

"Ba't ka pa titingin dyan kung alam naman na natin ang ating section at room number? Anong hinahanap mo, ha?" napatingin ako sa nagsalita at nakita itong nakangisi sa akin.

Tinaasan ko ito ng isa kong kilay at nginitian, "As usual, hinahanap ang pangalan ng bago nating kaklase. It's rude not to know the name of a handsome man, you know?"

Napalapit ito sa akin na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi, "Arturo Paul Balondo, friends na kami sa facebook 2 years ago."

Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang ibinunyag at nagsimula nang umalis sa lugar na iyon at ngayo'y naglalakad na patungo sa aming room.

"Alam mo, ang duga mo rin! Ang damot mo! Ano na iyong 'share your blessings' natin, ha?" inis kong tanong dito sa kasabayan kong maglakad habang siya'y napangisi lang.

"Minsan kasi beh, 'keep your blessings' ang dapat gagawin. Mahirap na baka masasayang pa," natawa na lamang ako sa sinabi ng kaibigan ko at inilingkis ang mga braso ko sa kaliwang braso niya.

Hindi ko alam pero komportable akong ginagawa ito sa mga kaibigan ko 'pag kasabay ko sila sa paglalakad pero isa nga lang ang naiinis sa akin 'pag ginagawa ko ito, ang ever silent sa grupo namin na sobrang arte kahit pa sa'min.

Ano kami, germs? Kulang na lang buhusan niya kami ng alcohol eh! But, i respect her naman and syempre nilulugar ko ang sarili ko.

Gano'n talaga siya and I understand her, iba-iba naman kasi tayo. Diba? Oh, nice talking!

Since sa first floor lang ang room namin dahil under maintenance pa raw 'yong third floor ay napadali kami sa pagdating sa aming room.

Shet, kinakabahan ako na naeexcite! Before entering the room ay kinuha ko muna ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking blouse at tinignan ang oras.

Ayos! Alas syete imedya pa at may oras pa kami para mag-chika este kuwentuhan!

"Hi guys! Miss me?" napatingin ang lahat sa akin nang sabihin ko iyon ng kay lakas-lakas na pati ang guro namin na nasa likuran, bandang teacher's table ay napatingin sa akin.

Mahina kong kinurot ang sarili ko at napatawa dahil sa kahihiyan na dinulot ko.

"Good morning, Miss! Huhu sorry po!" natatawang napailing na lamang sa akin ang aming guro at sinabihang okay lang daw.

Nakita ko naman si Rina na ngayo'y lumapit na sa aming mga kaibigan habang ako'y hinanap ang aking upuan at nakita ito sa pa-horizontal line na tables malapit sa dingding at electric fan.

Pinagitnaan ako ng dalawang kaklase kong lalake at iyong isa pa ay crush ko noong elementary! Blessed! Blessed! Blessed!

Pagkatapos kong ilagay sa aking upuan ang aking bag ay agad akong pumunta sa upuan ng aking mga kaibigan.

Kumuha ako ng upuan galing sa vacant seat na katabi ng table ni Anne at umupo na sa harapan niya.

"Asus pasimple ka pa, Aster!" naguguluhan ko siyang tinignan dahil sa kanyang sinabi.

Tumawa lamang siya at napailing, "Tatlo ang transferees natin, alam niyo na ba?"

"Anong tatlo? Isa lang dae, isa!" sabi ko rito at pinakita pa ang aking hintuturo.

"Kasi 'yong pogi lang naman iyong pinagkakainteresan mo! Hindi ko pa nga lang alam iyong dalawang transferees, iyong si Arturo lang since sikat siya sa paaralan niya dati."

"Oh eh bakit naman nagtransfer iyon dito?" tanong ko pa.

"Kalma 'te, tanungin mo na lang kaya mamaya?" she suggested na nakapagpatango sa akin.

"Asan na ba iyon?" tanong ko pa at hinahanap siya sa buong classroom pero bigo akong napabaling sa aking kaibigan dahil wala pa naman iyong si Arturo dito.

"Maagang dumating 'yon, lumabas pa beh. Napaghahalataan iyang excitement mo eh," napapailing nitong wika at ngayo'y kinalabit ang bakla naming kaibigan na nakikipag-usap din kay Rina.

Napalingon sina Rina sa amin at pinanlakihan ako ng mata kaya kunot-noo akong napatingin sa aking likuran nang makakita ng isang... nilalang!

"Ay jusko!" napatayo ako ng wala sa oras pagkakita sa taong nasa likuran ko.

Gash, 'di ako informed na ganito pala ka-guwapo itong si Arturo at ang tangkad pa. Ohlala!

Magsasalita na sana ako pero naunahan na ako nito at napahinto nang marinig siya, "Ah, kukunin ko lang ang upuan ko?"

Mas mabilis pa sa kidlat na binigay ko sa kanya ang upuang ginamit ko kanina at agad naman itong nagpasalamat.

Bakit... ang tamlay ng boses? Parang 'di pa nakakain eh!

"Uhm, kumain ka na ba?" tanong ko rito na nakapag-angat ng kanyang tingin sa akin.

"Ano ba 'yan, Aster! Pa-fall ka masyado! Hahaha!" natatawang saad ni Rina na nasa tabi ko lang, nakita ko pati ang mga kaklase ko noon ay natawa dahil sa sinabi ko at... pati rin ang aming guro!

Wait, misunderstanding lang iyon!

Magsasalita na sana ako at magpapaliwanag tungkol sa sinabi ko pero hindi ko na nagawa dahil sa pagtunog ng bell.

"Okay, go back to your seats now! Don't be too friendly, Aster dear. Nahihiya lang iyang si Arturo sa iyo," kinindatan ako ng naglalakad na si Miss Donna papunta sa harap at tinapik ang aking balikat.

Bumalik na ako sa aking upuan at nakita ko ang mga nakangising mukha nina Niel at Jasper. I just rolled my eyes at them at umupo na.

Pero teka... paanong 'don't be too friendly' iyong sinabi ni Miss? Mali ba ang ginawa ko?

Nanlaki ang aking mga mata dahil bigla kong na-gets iyong sinabi niya. Ang landi ko na ba nito? Huhu!

Sophomore: Her Prestige Life (JHS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon