FIVE

33 3 2
                                    

ASTERFREL

Sobrang nanggigil ako sa mga nangyari kahapon, bakit? Hindi ko rin alam kung bakit ko pa pinapansin kahit katiting na emosyon na ginagawa ni Jasper pero kasi sobrang napa-paranoid ako sa mukhang ginagawa niya!

Everytime kasi na nahuhuli ko ang tingin niya, sobrang sama na agad ng tingin niya at kita kong sobrang badtrip niya rin. Wala naman kasi akong ginawa kaya lalo lamang akong na-paranoid.

"Oh, pati ba naman dito sobrang asim ng mukha mo?" salita pa ng kaharap ko sa table na si Rina.

Napabitaw ako sa hawak kong mga kubyertos at tinitigan ng mariin si Rina. Napataas ito sa dalawang kamay niya na animo'y pulis ako na pinapasuko siya.

"Huwag namang ganyan, Aster! Nakakatakot ka na ha," sabi pa nito na nasa ere pa rin ang mga kamay.

Napapailing na lamang akong ininom ang tubig mula sa aking water jug at napabuntong hininga pagkatapos.

"Ano kayang problema ni Jasper?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam na napalakas na pala to the point na maririnig ng mga kaibigan ko.

Nagsitinginan ang mga kaibigan ko sa akin na parehong nakangisi at may halong panunukso at panunuya sa kanilang mukha.

Napataas ako sa aking kilay dahil sa kanilang tingin na ipinukol sa akin, "Problema niyo?"

Hindi pa rin mawala-wala ang mga ngisi nito at lalo pang lumapad ang ngisi nang tanungin ko iyon. Napakamot ako sa aking pisngi dahil sa pagkalito.

"Kahapon puro ka Arturo pero ngayon si Jasper na. Sino ba talaga Aster, hm?" nakangising tanong sa akin ni Sheena.

Sinimulan ko ng ligpitin ang lunch box ko at tumahimik ng ilang saglit. Napatingin ako kay Sheena at sinagot siya pagkatapos magligpit, "Bakit nasali pa si Jasper? Alam mo namang si Arturo lang, siya lang at walang iba pa!"

Nagsitawanan ang aking mga kaibigan dahil sa sinabi ko. Nakita ko pang napapailing sila at nagsiligpitan na rin ng kani-kanilang mga lunchbox.

"Sus, 'di natin alam, hindi pala si Arturo," I rolled my eyes upon hearing what Anne said.

Ang gaga ko naman siguro kung hindi si Arturo ang pipiliin ko. Like na kay Arturo na ang lahat ng gusto ko, sobrang ideal, bes!

Akalain mo, anak siya ng isa sa sikat na doktor sa bayan namin, responsableng panganay sa dalawa niyang kapatid, ang talino pa ng dating, gwapo, mestizo at ang tangkad pa. Kasing tangkad ng flagpole ng paaralan niyo!

Sinong hindi gugustuhing magka-lovelife sa kanya? Syempre ang mga pabebe, duh! Like nasa harapan na nga siya, nasa harapan na ang opportunity pero 'di mo pa hinablot.

Pero ako? Ano nga ba ang gagawin ko? I grab the opportunity, sayang naman kasi!

"Sus! Crush mo lang din yata si Arturo ko eh!" pagbibiro ko rito at hindi ko inexpect na tatahimik ito hanggang sa tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang aming lunch time.

Since first day namin ito sa pakikipag-meet sa scheduled teachers sa subject namin ngayon ay hindi na kami nagmadali pa since ang ibang guro ay natatagalan sa pagpasok at ang iba naman ay hindi pa pumapasok since may inaasikaso pa raw.

"Tara na! Baka mapagalitan pa tayo ng guro sa magiging subject natin ngayon!" pagmamadaling aya sa amin ni Venice at uuna na sana sa paglalakad pero napahinto ito sa sinabi ni Dustin.

"So what? Minor subject lang naman ang kasunod," mataray nitong wika at napakibit-balikat pa pagkatapos irapan si Venice.

Kawawa talaga itong si Venice kay Dustin eh! Biruin mo, laging siya ang pinagbubuntungan ng katarayan at init ng ulo ni bakla, sinong hindi masasaktan sa ginagawa ni Dustin diba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sophomore: Her Prestige Life (JHS#2)Where stories live. Discover now