Chapter 15 (Empress)

24 1 0
                                    

Xyrill's POV

"How do you pronounce this one?" Napatingin naman ako sa tinuro ni Securus sakin.

"Paputok" malakas kong basa dun sa tablet na hawak niya.

Ewan ko ba. Simula ng marinig niya akong magsalita ng Tagalog naging interesado siya.

Nakakabilib lang na ilang araw o oras lang nila inaaral yung lenggwahe natin pero halos alam na nila lahat. E si Meshuga nga, 6 hours lang nag-aral.

Nasaan na kaya yung babae na yun?

"Are you really that bored here so you decided to learn my language?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig lang siya sa tablet niya.

She looked at me with her dead eyes. "Yes" napangiti na lang ako sa inasal niya.

"You know, you remind me of someone" kwento ko sa kanya. Agad naman na napakunot ang noo niya. "Really? Who?" Tanong niya.

"Clovis" mabilis kong sagot.

"Clovis? You mean Prince Clovis?" Tumango na lang ako sa sinabi niya. Napansin ko naman na medyo namula yung mukha niya.

"When I first met him here, he also complained how bored he is. Then he let me come with him outside of the Palace" kwento ko kay Securus pero tahimik lang siya.

Tumigil naman ako sa paglalakad habang si Securus ay tuloy-tuloy lang habang nakatitig sa tablet niya.

"Securus!" Malakas na tawag ko sa kanya. Kaya pati yung mga servants niya na nakasunod samin ay napatingin din.

Mukhang bumalik naman siya sa reyalidad at napalingon sakin. "Why did you stop?" Tanong niya.

"Why are you so quiet?" Balik na tanong ko.

"A-ah. I'm thinking if we could get outside of the Palace" sagot niya sakin. Lumapit naman ako sa tabi niya. "Really? Can we really go out?" She shrugged her shoulder and looked at Mystic. Si Mystic yung servant niya, parang si Krea sakin. Pero mas matanda siya kay Krea.

"I don't think you can go outside ladies" narinig ko naman ang malalim na paghinga ni Securus.

"Yes, especially the Choosing of Arthya is near" dagdag naman ni Krea.

"That's the ceremony where the Emperor will choose who will he marry right?" Dismayadong tanong ko. Bigla namang natawa si Securus sa tabi ko.

"Hahaha! Lady Xyrill! What's with your face?" Napatingin na lang ako kay Securus habang humahagalpak siya ng tawa. Bakit? Ano meron sa mukha ko?

"Lady Securus!" Bigla naman siyang tinawag ni Mystic kaya napatigil si Securus sa pagtawa. "You're really so strict Mystic" reklamo niya kagad. Ako naman ang natawa sa kanya. Lagi kasi siya sinasaway ni Mystic kapag may ginagawa siyang 'not so lady' things.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sa aming apat na Arthya, si Securus lang ang lagi kong nakakasama. Niyaya namin si Kydilla at Sheikha. Pero syempre si Kydilla hindi sumama habang si Sheikha naman ay busy daw na kausap ang pinsan niya na asawa ni Prince Aurelius.

I can't really believe it na may asawa na siya. Sayang naman.

Pero nalipat naman ang atensyon namin. Ang daming royal guards na naglalakad ngayon papalapit samin.

Agad naman na lumapit samin sila Krea at Mystic. Sila lang dalawa ang kasama naming servants. Pinagpahinga ko muna kasi sila habang yung kay Securus ay nasa kwarto niya.

"What's the matter?" Mahinang tanong ni Mystic sa tabi ni Securus ngunit walang sumagot sa kanya dahil lahat kami ay nakatingin lang sa mga guards.

Makalipas ng ilang minuto, lumabas na ang dahilan kung bakit ang daming guards na nakabantay ngayon.

Space Between UsWhere stories live. Discover now