28

1.9K 50 32
                                    

Whelving Warmth
Chapter 28

From: Aeingot
Hala kuya! Hindi pala pwede si Adi ngayon. Baka pwede next time mo nalang kunin sa kanya hehe.

Ano?! Pambihira! Bakit ngayon lang niya sinabi? I quickly dialed her number.

[Hi sa pinakapogi, pinakamatulungin, pinakamatalino, pinakamasipag at pinakamabait kong kuya!] She exclaimed in her high-pitched voice.

Jusko po, eto nanaman tayo. Dadaanin nanaman ako sa pa-ganyan ganyan nya! "Aei naman! Katips na ko!"

[Sorry na! Ngayon lang kasi nag-reply si Adi]

Napakamot ako sa batok ko. "Anong gagawin ko dito?!"

Sayang oras! Dapat nag-aaral nalang ako samin. May recit pa man din kay Atty. Villamor after vacant. Nako, kapag ako hindi nakasagot, lagot sakin 'tong batang 'to!

She giggled in the other line after hearing the annoyance in my voice. [Hindi ko alam. Pero dahil nasa Katipunan ka naman na. Maybe, you can do some girl hunting! Ayaw mo ba ng Atenean?!]

Napasapo ako sa noo ko. I don't even have enough time for my readings. Sa babae pa kaya?

Binaba ko na ang tawag. Buti nalang may nadaanan akong coffee shop, dun nalang ako mag-aaral. Leche yan, dumayo pa ng Katipunan para mag-aral. Ayos. Ayos talaga!

At kung mamalasin ka nga naman, wala pang pwesto!

Or so I thought.

Lumawak ang ngiti ko ng may makitang bakanteng upuan. May gamit nga lang sa ibabaw ng table pero bakante pa rin!

I walked towards the table. "Ano ba yan pati bag iniwan."

Nakabukas pa! 'Di man lang naisip na baka manakawan siya! I stood there while waiting for the owner. Binantayan ko na rin yung gamit niya. Pa-special amp.

Biglang may dumanggi sa braso ko. Dumaretso lang siya ng upo, hindi manlang ako pinansin. Aba-

Ngiti lang, Theo. Use your charms. Mukha ang puhunan mo, tandaan!

"Excuse me"

Her almond-shaped eyes met mine. Natigilan ako bigla. Natulala sa kanya.

Her face was so small, probably smaller than my hand. And it's freaking flawless. Her long wavy hair is in the same shade of her coffee eyes. Her nose is pointed and narrow in length. Her slightly parted lips are full and reddish. It look so.. kissable.

Gago, ang ganda! Sobrang ganda!

Natauhan ako ng bahagyang tumaas yung kilay niya. Potek, pati pagtaas ng kilay maganda! Tao ba 'to?

"Can I share the table with you? Wala na kasing ibang puwesto."

Kaya lang mukhang suplada!

"Sure, take a seat," halatang napipilitan lang niyang sabihin.

"For a law student, you're nosy. You're taught about confidentiality, right?"

At mataray!

I kept on stealing glances at her. Sinubukan ko rin siyang kausapin pero hindi siya sumasagot. She was too focus on the papers she's reading. Hindi naalis ang mata niya dun.

Parang gusto ko nalang bigla maging papel.

Nakapag-aral din naman ako nung kasama ko siya kahit panay yung salita ko. Kita kong nakukulitan siya sa akin. Seriously speaking, hindi ko rin magets kung bakit ko siya kinulit. I looked so hungry for her attention.

But one thing is for sure. It's not because of her beauty or her attitude towards me. The thing that drawn me to her is.. her eyes.

Her eyes were breathtakingly gorgeous. But there's something wrong with it.

Whelving Warmth (LAS #1)Where stories live. Discover now