Whelving Warmth
Chapter 29"You're absent for the first day of bar! Do you fucking know what it means?!"
Tangina, ang ingay.
I felt my head still trobbing in pain. Sinapo ko ang noo ko. Damn it. Sumasabay pa 'tong si Trivion.
"Dude, the hell?! Stop that!" Kinuha niya mula sa kamay ko ang can ng beer na kakakuha ko lang. "You look wasted already!"
Pasalpak kong sinara yung pinto ng ref. Lumikha yun ng malakas na tunog. "Ano bang kailangan niyo?"
Nahagip ng mata ko kung paano nagitla si Kelsey sa ginawa ko. Dalawa sila na dumaan sa unit ko pagkatapos ng first day ng bar.
"Theo, ano bang nangyari? Bakit hindi ka nag-exam?" malumanay na tanong ni Kelsey.
"Hindi ako nagising"
"Fucker! That's your reason?!"
I shrugged. Edi next year i-take, pwede naman. Para namang mawawala yung boards.
Trivion looks so frustrated from the reaction he earned from me. "Damn, dude. We've been preparing for the bar for months! Tapos pinalagpas mo lang?!"
"Triv," rinig kong pagpapakalma ni Kelsey sa kanya.
"Umalis na kayo," pagtataboy ko sa kanila. Pinagbuksan ko pa sila ng pinto.
I want to be alone. Hindi nakakatulog yung pagpunta nila dito. Dumadagdag lang sila sa isipin ko.
"Theo, ano bang problema mo? Alam ba 'to ni Sadie?"
I pursed my lips upon hearing her name.
"Kakausapin ko nalang si Sadie na puntahan ka dito. Gusto mo?" Maagap kong inagaw ko kay Kelsey ang phone niya para pigilan siya. "Hey!"
"Wala na Kelsey. 'Wag mo na istorbohin yung tao."
"Wala na?"
Napaiwas ako ng tingin. "Wala na kami," hirap kong pinakawalan ang bawat salita.
I heard her gasp. Nakita kong kumunot ang noo ni Trivion dahil sinabi ko. He laughed mockingly after a while, "So, it's Sadie's fault then."
Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. "Tangina, walang kasalanan si Sariah!"
"Iniwan ka na nga, ipagtatanggol mo pa? Wow! News flash, dude. That girl doesn't even care about you anymore!"
I clenched my fist, "'Wag ka nang magsalita."
Mas naasar pa ko ng ngumisi siya, "Truth hurts doesn't it? I already told you that this could happen. Iiwan ka niya! Hindi ka niya pipiliin! And look what happened now?!"
"Gago, hindi ka ba titigil?!"
"Why should I stop? You can't accept the truth? Kaya ba pati yung pangarap mo tinalikuran mo?!"
Pumagitna samin si Kelsey ng kwelyuhan ko siya. "Trivion, ano ba?! Stop being a dick!"
Umawang ang bibig niya dahil sa pagtatanggol sakin si Kelsey, "You'll tolerate that guy's stupidity?! Unbelievable!"
Kelsey didn't answer.
Hindi siya makapaniwalang nailing. Padabog siyang lumabas.
Buti naman. Tangina niya.
Hindi ko siya kailangan dito.
Hirap akong huminga dahil sa galit nang magsalita si Kelsey. "Theo, calm down." Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, sinusubukan akong pakalmahin.
BINABASA MO ANG
Whelving Warmth (LAS #1)
General FictionLex Amoris Series #1 Sariah Deidra Esquivel has always have her life planned- or rather, her father planned it out for her. But who is she to complain when she gets all the good things by just obeying? She is being trained to be the future CEO of t...