CHAPTER 73

427 39 2
                                    


Tin POV

Ang sakit ng katawan ko. Umaga na pala at tirik na tirik ang araw bahagya pang natatamaan ang maganda kong mukha dahil sa bintanang nakabukas

"Ayy bwesit!" Bumangon ako habang nakapikit at nag-unat unat narin dahil sumasakit ang leeg ko

Bumukas ang pintuan at sumilip doon si ate kaya tinaasan ko siya ng kilay

"Hindi ka marunong kumatok?" I rolled my eyes. Ki-aga aga nambwebwesit siya

"Tanghali napo kasi at kakain na" hindi ko siya pinansin at lumabas nalang ng kwarto

Oh?

"Nandito kapa? Hindi ka pupunta sa mansion ng Montero?" Nasa lamesa si Fran habang tahimik na kumakain

"Mmm, hindi lang muna" tiped niyang sagot kaya nagtaka ako pero hindi na nagtanong

"Tumawag sakin si Lolo, kumikilos na sila" napahinto ako sa pagsalin ng gatas, napalunok ako at hindi alam ang sasabihin

"Balik training na tayo, Si stell ang trainor natin" napabusangot ako. Bwesit talagang phantom gang nayan kong hindi ba naman tinatarget si Lolo edi wala sanang sakripesiyo kaming mga apo

Kaurat

Umupo ako kaharap si Fran at kumain narin dahil nagugutom ako tuwing may problemang dadating

Wala kayong pake

Ako ang nagligpit ng kinainan pero hindi parin maalis sakin ang pabalik balik na tanong na hindi naalis sa isipan ko

Ano ba talagang kasalanan ng phantom gang nayan kay lolo?

Naalala konon, spring day sa korea nasa labas kami ng bahay nila Lolo para salubongin ang pagpatak ng mga snow nang bigla nalang may nag sulpotang tao at basta nalang pinag babaril si lolo mabuti nalang hindi siya natamaan at mula noon kumilos narin si lolo at pate kami nila Fran at ate nag train for self defense daw

Nagtungo ako sa sala at tinignan si fran. Bakit kaya ganon? Sobrang lamig ng Aura niya yong tipong kahit tignan mosiya mararamdaman mong wala siyang pake sa paligid

"Ano palang nangyari sayo kagabe? Bigla kang umuwi nang walang paalam" si Ate habang umuupo sa tabe niya kaya ganon rin ako pero binuksan ko muna ang Tv tsaka nanood ng Boys over Flower

Asawa ko talaga bida diyan eh

"Wala lang" walang kwentang sagot ni Fran kaya napakibit balikat nalang si Ate samantalang ako ay hindi mapalagay

May something talaga ito eh

Walang buhay ang mga mata at seryuso ang mukha habang salubong ang mga kilay now tell me, ok lang ba siya? Ahh baka namomoblema lang dahil mag tratrain na naman kami at sa kamay pa mismo ni Ate

Problema nga iyon

Ilang oras din akong nanonood ng K-drama tsaka napagpasiyahang maligo na dahil nangangamoy bayabas ako

"May pupuntahan ako, kayo na munang bahala dito" nasa pintuan si Fran habang nagsusuot nang sapatos.

Saan kaya punta nito?

Napakibet balikat nalang ako at nagtungo muna sa kwarto upang maligo

"Ano kaya problema ni Bebang sis" i rolled my eyes. Ito na naman kasi si ate sa bebang bebang nayan sabing francine nga

STILL MY MASTER S2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon