CHAPTER 77

395 45 16
                                    

Francine POV

Nakatayo ako ngayon sa labas ng malaking bahay ni Master. Nakatingala at basang basang

Kingina ih kanina pa ako palibot libot sa diversion hanggang sa umulan kaya nabasa ako at sa pagkakahula ko Isang oras kona itong hinahanap na bahay ni Master

Tsk.

Pano na? Papasok ba ako? Basang basa ang damit ko mismong ako basang basa dahil ang lakas ng ulan tapos nilalamig narin ako dito ilang oras ba namang hanapin ang bahay na ito iwan ko nalang.

"Hayss siguro uuwi muna ako.." tumalikod ako sa bahay ni master pero hindi paman ako nakakailang hakbang may kumapit na sa braso ko at kinabeg ako papunta sa kaniya na ikinagulat ko

"I'm waiting for you. Alam mo ba iyon?" Kumabog bigla ang puso ko. Ang init ng katawan ni master at ramdam ko iyon parang ang sarap lang na nasa bisig niya ako

"Hey ugly maid." Nawala ako sa konsintrasyon nong ugain ni master ang balikat ko

"H-huh?." Tulalang sagot ko

Umayos ka!

"Tsk. Let's go inside, basang basa kana" hinawakan niya ako sa wrist tsaka hinatak kaya napapangiwi ako sa ginawa niya

Sumalobong samin ang dalawang maid na siyang nag-asikaso sa payong na ginamet ni master tsaka nagbigay sakin ng towel medyo nahihiya panga ako sa mga tingen kasi nila parang iba ang iniisip nila

"T-teka.." inagaw ko ang kamay sa kaniya kaya taka niya akong nilingon

"Kaya ko ang sarili ko. Tsaka-" piste. Hindi manlang niya ako pinatapos at basta nalang hinatak

May isang babae- ikaw!? Ang sama ng tingen sakin nong babaeng nasa hagdan nagtataka man ngunit nag iwas nalang ako ng tingen

Bakit siya nandito?

Biglang may kumirot sa puso ko sa naisip na baka nga itutuloy nila ang kasal. Napayoko ako at hinayaan nalang hatakin ni master

Pumasok kami sa kwarto niya, binitawan niya ang wrist ko tsaka kong ano ang hinalungkay sa closet habang ako ay nakatingen lang sa kaniya

Bakit ganon?

Ilang beses kona ata siyang pinagtaboyan, pinapakita kong cold ako ngunit hindi siya sumusuko. Palagi niyang pinapakitang nag-aalala siya sakin, bawat tingen niya may halong pagmamahal.

Bakit ba ang hirap mong kalimutan master

Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko. Ikakasal na siya, iniisip ko palang na hindi ko sakaniya naipakita ang pagmamahal ko parang habang buhay ko itong dadalhin

Siguro... siguro ginagawa mo lahat ng ito para wala kang pagsisihan kong sakaling magmahal ka ng iba

Ngayon lang... ngayon lang sana maipakita ko ang nararamdaman ko sayo master... ngayong araw lang.

Dahan dahan akong lumapit sa nakatalikod na si master tsaka siya niyakap ramdam kong natigilan siya ngunit mas humigpit ang yakap ko mula sa likod niya

"Kahit ngayon lang... hayaan mo akong bumawi" dinama ko ang katawan niya. Gusto kong sa oras na mabitiwan kita wala akong pagsisihan

Tinangal niya ang kamay ko sa pagkakayap at malungkot na humarap sakin

"May problema ba?" Malumanay ngunit nandon ang pag-aalala dahilan para hindi kona mapigilan umiyak sa harapan niya na mukhang ikinataranta naman niya

STILL MY MASTER S2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon