CHAPTER 80 She's Gone2

547 66 25
                                    

Fran POV

Napapalunok kong tinignan ang kabuoan nitong aking tinatapakan. Ang bigat lang sa pakiramdam na ngayon pa talaga, Hindi mawari kong ilang luha ba ang lumabas sa mata ko.

Parang sumasakit ang sintido ko at hindi rin ako makahinga ng maayos dahil sa may bumabara sa aking Ilong bunga ng pag-iyak ko kagabe. Inayos ko ang buhok na sumasabay sa pagihip ng hangen, Mabuti nalang at dala ko ang shade na hiniram kopa kay Tin para hindi makita nino man na namumugto ang mata ko. Its already 5am, Nandito ako at aalis na.

Hanggang sa muli... Dwight Montero

Muli ay nilingon ko ang madilim na kapaligiran umaasang may dadating at pipigilan ang paglisan ko ngunit hanggang sa paglayag ng eroplanong sinakyan ko, Walang nagpakita. Hindi siya dumating sa pangalawang pagkakataon

-FLASHBACK-

Kinakabahan akong tinitignan ang phone ko. Ilang oras narin akong naghihintay at sumabay pa talaga ang buhos ng ulan, kahit kinakabahan ay napapangiti parin ako. Maliit lang ang regalo ko para sakaniya isang simpleng date lang sa Romantic Garden ngunit kelangan kopang pumunta dito sa Racing Field para dito nalang siya salubongin hindi na kasi magiging supresa kong sasabihin kong nasa Romantic Garden ako

Wala ni isang tao dito sa Field hindi naman ako natatakot dahil may mga ilaw naman nagsisilbing liwanag sa kapaligiran. Panaka naka kong tinatanaw ang malawak na tarangkahan nagbabakasaling dadating siya

"Dumating ka, please Master" nasasaktan ako. Hindi ko alam pero ganito talaga kapag umibig may kaakibat na sakit, hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone ko habang tinitignan ang sobrang dilim na kalangitan. Ang lakas ng ulan kaya nag aalala rin ako sa kaligtasan niya kong sakin dumating siya dito

Panay ang tingen ko sa orasan, parang hindi ako mapakali at nanghihinayang na ako. 9pm na kasi at wala pa siya, mahigit 2 hours na mula nong tinawagan ko siya kanina. pinilit ko ang sariling maghintay pa ng ilang oras panay lakad lang ang ginawa ko at hindi inaalis ang mata sa malawak na tarangkahan,maputik na ang daan kaya maraming rason kong bakit hindi siya agad makakarating. Napabuga ako ng hangen habang hawak hawak ang ulo pakiramdam ko ay hindi na siya darating at kong ano ano na ang pumapasok sa isip ko

"Master, hanggang kilan ba ako magtitiis?" Napaupo ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Lahat ng sakit na dinama ko ng palihim, mula sa kaarawan, sa hindi pagkilala niya sakin, at mula ngayon. Sabay na tumulo ang luha ko sa magkabilang mata, napayakap ako sa sarili habang humahagolgol. ni hindi ako nabigyan ng pagkakataon, lahat ng pagkakataon naman ay may panahon ngunit parang hindi ako mabigyan kahit sa kaunting oras lang

Hinayaan ko ang sariling humagolgol at saktan ang sarili. Ako ang nagkulang, hindi ko nakita lahat ng ginawa niyang iyon. Ang sakit, nahuhuli naba ako!?. Tumayo ako at wala sa sariling sumulong sa malakas na ulan

Bahala na... ang gusto kolang ay mawala ang sakit nararamdaman

Tulala akong naglalakad palabas nitong field. May mga putik pang nakamantsa sa damit at sapatos na suot ko ngunit hindi koyon alintana, nakatingen lang ako ng deritso. Walang pumapasok na matino sa isip ko kong hindi ang wala akong kwentang girlfriend.

Merong jasmin na pumasok sa buhay niya, naiisip ko palang na siya ang maghihintay sa altar para kay jasmin ay gusto ko ng mawala sa mundo, buong buhay ko wala akong inisip kong hindi ang iba. Ni hindi ko nagkagusto kanino man kundi sakaniya lang, sa sobrang sakit at bigat ng dinadala ko parang sasabog na ito kahit ano mang oras

Ramdam kong nabasa ang Cellphone ko dahil nasa kamay kolang ito at hawak-hawak ngunit hindi ko iyon pinansin. Parang lasing kong maglakad ako, nakakahilo, nakakasuka. Sawang sawa na ako, sa sobrang sakit na yata ay natawa nalang ako habang umiiyak

STILL MY MASTER S2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon