Panibagong Yugto

190 2 0
                                    

Ang kuwentong ito ay hango sa pelikulang Troy na ipinalabas noong taong 2004. Isinulat ito ni David Benioff at ito'y sa direksyon ni Wolfgang Petersen.

Ang buod ng kuwento base sa pagkakaalala ko:

Nagsimula ang digmaan ng mga Trojan at ng mga Griyego nang inuwi ni Paris si Helen na asawa ni Menelaus sa kanyang bayan, ang Troy. Nagalit doon ang hari ng Sparta kaya naman humingi ito ng tulong sa kanyang kapatid na si Agammemon. Tinulungan naman si Menaleus ni Agammenon dahil na rin sa nais niyang matalo ang Troy sa labanan. Nilipon nila ang malalakas na mandirigma kabilang sina Odyseeus at Achilles.

Sa kabilang dako naman ay walang nagawa ang haring Priam at si Hector kundi ang lumaban para sa kapatid at sa kanilang bansa.

Sa pagsugod ng mga Griyego sa Troy ay nadakip ng lupon nila ang pinsan nila Hector na si Briseis. Nais ni Agammemon na gawing alipin ang dalaga ngunit iniligtas ito ni Achilles. Doon rin nagsimula ang pagtitinginan ng dalawa.

Nang aksidenteng mapatay ni Hector si Patroclus sa pag-aakala niyang ito si Achilles ay nagalit ang huli. Pinatay ni Achilles si Hector at kinaladkad niya ang bangkay nitong itinali niya sa kanyang kabayo patungo sa bayan.

Sa huling bahagi ng kwento ay natalo ng mga Griyego ang Trojan sa tulong ni Odyseeus na siyang nakaisip na magtago sila sa isang higanteng kabayo gawa sa kahoy. Inakala ng mga Trojan na isa itong alay ng mga Griyego kay Poseidon.

Kinagabihan, habang natutulog ang mga Trojan ay lumabas mula sa pinagkukublian ang mga Griyego at nagsimula nang pumaslang ng mga Trojan. Kabilang sa mga napaslang ang haring Priam. Pinatay rin ni Achilles si Agammemon para mailigtas si Briseis. Samantalang pinana naman ni Paris si Achillies sa kanyang takong na siyang kanyang ikinamatay.

Sinunog ng lupon ni Odysseus ang bangkay ni Achilles sa mismong Troy bago sila umalis pabalik sa kanilang bansa. Ang mga Trojan naman ay naglakbay patungong hilaga.

~~~

Ang susunod na kabanata ay sarili ko nang gawa. Nakasulat ito sa apat na uri ng POV. 

Nagpapasalamat pala ako kay Miss NayinK at sa mga hurado ng kanyang 3-shots writing contest. Hindi ko inaasahang ako ang mananalo. Pagpalain mo kayo ng Maykapal.

Panibagong Yugto (FanFiction)Kde žijí příběhy. Začni objevovat