12

3.6K 128 19
                                    

"Jennie and Lisa, I want you to prepare now coz you guys are next" professor Song informed us.

"Yes ma'am" sabay na sagot naming dalawa.

Nasa labas kami ngayon ng dance studio dahil yung magkakagroup lang ang pinapapasok ni ma'am sa loob. Sabi niya magusap usap na muna daw kami dito sa labas kung anong gusto naming gawin sa magiging performance namin, tapos maghanda na rin daw ng mangilan ngilang steps para pagpasok sa loob ipapakita namin sa kanya. At this point, nasa loob na yung grupo na nakabunot ng hiphop. Since Jisoo and Seulgi are part of that group, si Lisa lang ang naiwan dito sa labas. Yung iba naman naming classmates kasama na yung mga ka- groupmates nila. Naguusap uusap na sila kung ano ang magiging concept nila sa performance nila. Yung iba naman may nabubuo nang dance steps. Samantalang kami, eto, magkaharap nga kami ngayon but she never even looked at me. Medyo naiinis na nga ako eh. Kanina pa ko nagpapapansin sa kanya, kanina ko pa sinusubukang magstart ng conversation pero pinuputol niya naman agad. Halatang halata na she doesn't want to talk to me.

I can't take this silent treatment anymore. I heave a deep sigh and spoke.

"May nagawa na naman ba ko sayo Lisa?" seryosong sabi ko.

Iniangat niya ang ulo niya at nagtama ang mga mata namin.

"Ha? Wa-wala" sagot niya na may pag iling pang kasama.

"Wala? So, why are you like that? Bakit hindi ka na naman namamansin? Okay pa tayo kanina sa parking lot diba? May pakape ka pa nga tapos ganito?" inis na sabi ko ng bigla namang bumukas ang pinto ng dance studio at lumabas ang bestfriend kong si Chaeng kasunod si Irene, Jisoo, at Seulgi.

Chaeng looked at me then to Lisa then back at me.

"Anong nangyayari dito?" kunot noong tanong niya habang salitan pa ring tumitingin samin ni Lisa.

Wala sa amin ang nagsalita hanggang sa narinig na lang namin si Prof. Song na tinatawag na kami sa loob.

"Jisoo, please tell Kim and Manoban na pumasok na dito" dinig kong utos ni ma'am kay Jisoo.

Oh great! Ngayon tawag na kami sa loob. So, ano nang sasabihin namin dun? Na ma'am sorry kasi wala pa po kaming napag uusapan. Ang galing! Ang galing galing Manoban! Okay na sana yung araw ko eh, pero lagi niya na lang sinisira.

"Lis, Jen, pasok na daw kayo" tawag ni Jisoo samin.

I glared at Lisa. Napatingin din naman siya sakin but she instantly looked away. Sa sobrang inis ko, I gritted my teeth at padabog na pumasok sa loob ng dance studio, leaving my friends confused of what is happening.




.



------
Lisa's POV

Great Lisa! Now her mood was ruined! Kababati niyo lang yet here you are making her mad again. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagagalit eh. I know she wants an explanation kung bakit ako nagkakaganito, pero pano ko ipapaliwanag sa kanya kung ako mismo eh hindi ko alam kung bakit? Should I tell her that I hate it when guys are checking her out and commenting how sexy and beautiful she is? I can't! Kasi I don't have the right to do that. I am not her girlfriend nor her friend para pagbawalan siyang magsuot ng seksing damit na nakasanayan niya na.

Sumunod ako sa kanya sa loob ng dance studio, ignoring the questioning looks of her friends and mine.

"Okay, now tell me kung anong napag usapan niyo. How are you going to perform the song Perfect by Ed Sheeran?" nakangiting tanong ni ma'am.

So, eto pala yung kantang napunta samin. Napatingin ako kay Jennie but she's not showing any reaction at all. Nakatingin lang siya kay ma'am habang naka cross arms. Oo nga pala, alam niya na nung isang araw pa kung ano yung kantang napili ni ma'am kaya hindi na siya nagulat. Pero shit naman, sa dami naman ng kanta bakit ito pa?

Bad Chick [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon