23

3.4K 95 7
                                    

"We're here" sabi ko matapos naming marating yung bakasyunan na pag mamay ari ng ex boyfriend ni Tita Belle dito sa Baguio.

Yes, I managed to drive my car for this long. Ni hindi man lang nag offer tong si Lisa na makipagpalit sakin at siya ang mag drive. Pasalamat talaga siya mahal ko siya, kung hindi, baka hinulog ko na to sa bangin ng Kennon Road. Buong biyahe niya lang naman kasi akong tinulugan. Hinayaan ko na lang kasi kasalanan ko rin naman. Alam ko nagalit siya sakin nung nalaman niyang pinatanggalan ko ng gulong yung kotse niya. Eh kasi naman eh, pinilit niya kong gawin yun. Hindi ko naman yun gagawin kung hindi niya ko sinagad. Tama lang naman na sumunod siya sa napag usapan diba? Natalo ko siya kaya dapat gawin niya yung consequences ko.

Iminulat niya ang mga mata niya at agad na lumabas ng kotse ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Hmp! Nagtatampo talaga ang baby ko, pero grabe ang cute niya pa rin kahit palaging nakakunot ang noo niya.

Sinundan ko siya paglabas ng kotse. Nakita kong nakatayo siya sa harap ng pinto habang inililibot ang mga mata at pinagmamasdan ang paligid.

"Ang ganda dito no?" sabi ko ng nakangiti.

Hindi niya ko sinagot pero tumingin siya sakin ng may blangkong ekspresyon. Pinagkibit balikat ko na lang at inaya na siya para pumasok sa loob. Sa lahat ng naging ex ni tita Belle yung may ari ng bakasyunan na to yung naging pinaka close ko, kaya naman kahit wala  na sila ni Tita eh pwede ko pa ring hiramin tong bahay at magbakasyon dito. Hindi to kalayuan sa Burnham Park kaya napaka accessible nung lugar. Isa pa, malaki, maayos at presentable rin ito kaya hindi nakakahiyang isama si Lisa dito na isang anak mayaman.

"Tara sunod ka sakin" pag aya ko sa kanya.

Lumakad kami papalpit sa pinto at agad naman akong kumatok. Hindi naman nagtagal at may nagbukas na rin ng pinto.

"Jennie, hija!" bati sakin ng caretaker.

"Nanay Nora!" sagot ko naman sabay yakap sa matanda.

"Buti naman at napadalaw ka ulit dito. Ang tagal mong di nagpunta dito ah. Naaalala ko nung huling punta mo dito nun kasama mo pa yung nobyo mong si Hanbin. Kamusta na pala kayo nun?" usisa ng matanda sakin.

Bago pa ko makasagot at may narinig akong umubo sa likuran ko.

"Ehem"

Pareho naman kaming napatingin ni Aling Nora. Medyo nanlaki ang mata ng matanda ng mapatingin siya sa nakasimangot na namang si Lisa. Ewan ko ba dito, parang laging pasan ang mundo eh.

"Ay naku sorry Jennie. May kasama ka pala, hindi ko napansin" paumanhin ni Nanay.

"Okay lang nay" sagot ko naman at pagtapos ay agad akong lumapit kay Lisa para ipakilala siya kay Nanay Nora.

"Nay this is Lisa... jowa ko" sabi ko ng may napakalapad na ngiti.

Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano  nagulat si Lisa at napatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata. Tumingin naman ako sa kanya at nginitian lang siya ng napakatamis.

"Ay ganun ba? Naku pasensya na anak, hindi ko alam. Nabanggit ko pa tuloy si Han---"

"Okay lang nay. Di naman selosa tong si Lisa eh. Diba love?"

Tumingin ako sa kanya habang nagpapacute at nagbubeautiful eyes pa pero syempre as usual dineadma niya na naman ako.

"Where's the bedroom? I'm tired, I want to sleep" sabi niya na hindi man lang ako sinagot.

"Ah, diretso ka lang dyan anak tapos yung dulong pinto sa kanan" turo ni nanay Nora.

"Thanks" sabi niya at pagtapos ay lumakad na siya papunta roon.

Bad Chick [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon