4. Babies

154 13 8
                                    


Hindi ko alam kung kakayanin ko ba? Sa loob ng 9 months kong pagbu-buntis, sa pilit ng aking makakaya ay iniiwasan kong takutin ang sarili ko kahit na napaka-imposible noon. 


Kaya ko ba? Sobrang bata ko pa, hindi ko alam kung kaya ko. Natatakot ako.


Nandito na ako ngayon sa delivery room. No'ng nakaraang araw ay akala namin manganganak na ako, pero hindi pa pala. Ngunit, kahapon ay may nararamdaman na akong sakit, kaya minabuti namin na pumunta na dito at magpa-admit. Nang mai-check ako ni Doc., ang sabi niya ay nagle-labor na ako. 


Magdamag ang hilab ng tyan ko. Gusto-hin ko man maglakad-lakad ay hindi ko na kaya, lalo na't mapayat ako. Mabigat ang dinadala ko.


Puro sigaw at iyak ako magdamag. Iyong tatlo ay napa-iyak na rin. Nararamdaman daw kasi nila 'yung sakit sa tuwing sumisigaw ako.


Grabe, that was the worst. 


Ngayon ay nasa loob na ako ng birth room. Nanghihina na ako. Sobrang nakaka-pagod.


Tumingin ako sa gilid ko, kung nasaan ang tatlo. Nag-insist silang sumama sa loob at buti naman pinayagan sila.


Si Zuri ay lumipat sa kaliwa ko at 'yung dalawa naman ay nasa kanan ko. Hinawakan ko ang kamay ni Zuri at ang kamay ni Reese para maging gabay ko.


Si Jelly? Picture ng picture.


"Kaya mo 'yan, Leela." Wika ni Zuri at si Jelly naman ay nag-fighting sign pa.


"We're here," si Reese.


"Okay, please be ready." Ani Doc at nag-simula na siyang mag-bilang para sa pag-iri ko. Kasabay nang pag-sigaw ko ay ang pag-sigaw din nila Zuri at Reese. Hawak ko kasi ang kamay nila.


"It's a boy!" ani Doc nang mailabas ko ang isa. 


Hindi namin ang kung ano ang gender ng twins. Gusto ko surprise... 


"and It's a girl!" Iyan na lamang ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay sa sobrang pagod.


Fuck! I won't let myself be drunk again.


Pagdilat ng aking mga mata, puro puti ang aking nakita...


Where am I?


"You're awake," biglang sulpot ni Reese habang may hawak na ubas.


Saglit na kumunot ang noo ko dahil iniisip ko pa ang mga nangyari. Habang inaalala ko ay biglang pumasok ang nurse. 


"Heto na po ang twins," pagkasabi niya noon ay doon lang bumalik sa'kin na nanganak nga pala ako.


The Seven Daddies and Me with BabiesWhere stories live. Discover now