25. War of Hormones

99 6 4
                                    

Third-person POV

Dahil ngayon ang War of Hormones, mas marami ang dumalo dahil pinayagan nila ang mga outsiders.

Nasa gitna ng Arena ang Black Swan at Daisies habang amg Falcons ay nasa bar counter at umiinom.

Ang Daisies ay naka-suot na ng Uniform nila na colorful. Halos wala silang tulog dahil simula nang mag-aya sila ng battle sa Flamingos, araw-araw na silang nagte-training lalo na sa paghawak ng baril dahil napahiya siya doon. Kinakabahan sila dahil napag-usapan nilang hindi lamang basta-basta ang apat na babae. Alam nilang may dating iyon.

"Princess, 'wag ka ngang kabahan diyan!" bulong ni Queenie sa kakambal niyang kanina pa hindi mapakali. 

Si Kehlani ay pinipilit na ipakitang kaya niya. Iniisip na lamang niya na marami na silang nakalaban at wala lamang 'yung apat na iyon. nakatungtong nga sila sa TOP 3. 

Wala silang impormasyon na nakuha sa apat at dahil doon ay mas lalo silang kinabahan. Hindi lamang puro pisikal ang kailangan, dapat ay tatamaan mo rin ang pag-iisip at emosyon ng mga kalaban mo.

Wala pa si Vienna, at siya na lamang ang hinihintay ng Daisies. siya kasi ang na-assign sa mga information patungkol sa Flamingos ngunit ang sabi nito ay wala talaga siyang makuha.

Tumakbo si Vienna papunta sa gitna nang Arena.

"I found something!" Hinihingal na saad nito sa tatlo niyang ka-grupo.

"What is it?" tanong ni Kehlani.

Vienna smirked before telling them some information about Flamingos.

Nag-apir silang apat at lumakas ang loob nila dahil doon.

Dahil busy ang Black Swan at Daisies at pakikipag-usap, napukol ang atensyon ng lahat nang magbukas ang pinto at tanging tunog lamang ng sapatos ang maririnig.

Lahat ng mga tao sa loob ng arena ay tumahimik at buong atensyon na pinagmamasdan ang apat na naglalakad. Pati ang Falcons na nasa bar section ay napa-tigil sa kanilang ginagawa.

Mga naka-smirk itong pumasok sa loob. Tumatabi na ng kusa ang mga taong naka-harang sa daan. Kung na lamang ay mag-bow sila dito. Lahat ay namangha sa ayos nila.

Jelly was flipping her hair.

Even the Black Swan got stunned by their sudden appearance. Pinanuod lamang nila ang apat na babae na maglakad patungo sa gita ng arena. 

Walang sino man ang naglakas ng loob na humarang sa dinaraanan ng Flamingos. Nakarating na rin ito sa gitna at ang mga expression nila ay nanatiling matapang, maliban lamang kay Jelly na naka-ngiti kay jave kaya naman pasimpleng kinurot ito ni zuri sa tagiliran na naging dahilan para maging fierce ulit ito.

Si Leela ay diretsong naka-tingin kay Uno na walang emosyon. Nag-smirk lamang si Leela dito at saka bumaling sa Daisies na ngayon ay naka-taas ang mga kilay. Lumapit si Leela dito at sumunod 'yung tatlo.

Diretso lamang ang tingin ni Leela sa Daisies- specifically kay Kehlani. Biglang kinabahan si Kehlani sa iginawad na tingin ni Leela dito pero hindi niya ito pinahalata. Nag-taas siya nang ulo at tumingin din dito ng masama. Napa-tawa naman si Leela sa ginawang pag-gaya sa kaniya ni Kehlani. 

"Trying to mock me?" Leela sarcastically said to kehlani.

Nag-cross arms laamng si Kehlani habang sila Princess, Queenie at Vienna ay nasa gilid at nakikipag-labanan na ng tingin kila Zuri, reese at Jelly. Napansin iyon ni Paxton kaya kaagad niyang kinuha ang atensyon ng lahat.

The Seven Daddies and Me with BabiesWhere stories live. Discover now