9. Rooms

74 7 2
                                    

Leela's POV

Hindi ko alam kung pagbabanta ba iyon o ano? Bigla kasi akong kinabahan sa sinabi niya.

"Pax!" Biglang sigaw ni Riel sa second floor sa may rilling. Kaya tumaas ang tingin namin patungo sa kaniya. "Ituro mo sa kanila ang mga bakanteng kwarto. Sa kanila 'yon." Sigaw nito ito at tuluyan nang umalis.

Bumagsak naman ang balikat ni Pax sa narinig niya at bored kaming tinignan.

"Ano ba 'yan? Tataas din naman siya, hindi nalang siya ang nag-turo!" Bulong nito pero narinig pa rin namin.

Naglakad na rin paalis si Jave nang pigilan ito ni Pax. "Saan ka pupunta? tanong nito. Tinuro lamang ni Jave ang taas.

"Ayun naman pala. Ikaw na mag-turo." si Pax.

Umikot ang mata ni Jave, "Ako ba inutusan?" sagot nito at naglakad na ng mabilis.

"Aish!" asik nito.

"Nag-rereklamo ka ba Pax?" nagulat kami sa narinig naming boses na galing yata sa speaker. Hinanap ng mata ko kung saan ito ngunit hindi ko iyon nakita.

"Hindi niyo makikita ang speaker," saad ni Ishan at lumakad papuntang kusina.

"Hay nako, Pax, sundin mo na, gagawa pa ako ng breakfast." Ani Jill at umalis na rin.

"Tara na nga!" Labag sa loob na yaya nito. Nakita kong umikot ang mata ni Reese at Zuri.

"Daming reklamo," bulong ni Jelly at buti na lamang ay hindi iyon narinig ni Pax dahil medyo nauuna siyang naglalakad.

We need to talk to Mamita.

Iniwan muna namin ang mga maleta namin sa baba, ang bibigat noon, sa habang hagdan, hindi namin kakayanin.  Baka magpasuyo na lamang kami sa kanila.

Nang makarating kami sa taas ay may salas at tv ulit doon the rest ay puro pintuan na. Parang dorm, magkakatabi at magkakatapat ang mga kwarto.

Lumakad kami sa hallway kung saan ang mga rooms.

Tinuro ni Paxton ang unang pinto sa may kaliwa niya, "This is my room." He started. Ang mga pinto ay pare-pareho lamang ng kulay. Lahat iyon ay wooden door na brown. "Ang katapat ko ay ang guest room. Hindi kayo diyan, mga babae ko ang pwede lang diyan." He chuckled.

Umikot ang mata ni Reese and she murmured something.

"This room is Jave's" Tumango kami. Para siyang sales boy na tinuturo samin kung kanino iyon. "Ang katabi ni Jave ay 'yung kay Jill, kay Ishan naman iyon" Turo niya. Ngayon ay minamadali na niya ang pagpapaliwanag. "Ang katabi ni Ishan ay 'yung kay Riel." Nandito na kami sa may pinto ni Riel kung saan ang dulo. Tapos may dalawang pinto ang nakaharap sa hallway. "Mula sa tabi ng guestroom hanggang sa tapat na room ni Riel, iyon ang magiging room niyo." Aniya.

"Kanino 'yang dalawang rooms?" tanong ko habang tinuturo ang magkatabing room.

Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay saka bumaling samin. "Don't ever enter nor knock on that doors kung ayaw niyong makakita ng dragon." He chuckled.

"Dragon? I would love that!" Si Jelly habang batang pumapalakpak.

Sumama bigla ang mukha ni Pax. "Don't say that. You'll regret it."

"Kanino ba 'yan?" tanong ni Zuri habang tinuturo ang dalawang kwarto.

"You'll know it soon," then he left us already. Bababa raw muna siya.

Curious tuloy ako sa dalawang room na ito.

"Akin na 'tong room," pauna ko at tinuro ang katapat na room ni Riel. Makakatabi ko ang isa sa dalawang room na nakahiwalay.

The Seven Daddies and Me with BabiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon