Chapter 05

70 45 2
                                    



After he left I went inside my room. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at nakipagtitigan sa kisame.

An unfamiliar blurry figure of a woman appeared before my eyes, little by little the look on her face became clearer. She's smiling at me, halos puno ng dugo ang katawan niya. It's my mom.

Nagising ako nang mabigat ang dibdib pati ang mga luha ko ay patuloy na umaagos sa pisngi ko nang hindi ko alam, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Madaling araw na pala. Naalala ko bigla kung paano nawala si mommy sa amin, it's a day that I won't forget. Tumayo ako para tignan ang sarili ko sa salamin. My eyes were filled with tears but there's a hint of smile hiding in my lips.

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili para bumaba sa kusina. Kumuha ako ng tubig mula sa ref para pakalmahin ang sarili ko.

"Mom, I'm sorry," bulong sa sarili.

Napansin kong bukas ang ilaw sa kwarto ni daddy kaya naisipan kong silipin siya. Habang dala-dala ko ang baso ng tubig ko dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni daddy. Nakita kong busy siya sa pag tatype sa laptop niya.

"I dreamt about her, Mom," I leaned on the door. Tumingin ako sa kaniya para malaman kung anong reaksyon ang ibibigay nito.

Napatigil siya sa pag tatype, "What about it?" maikli at malamig na tugon niya.

I know na ayaw nang maalala pa ni daddy ang trahedya na 'yon, he always acted like he doesn't care pero deep inside alam kong gusto niyang umiyak at mag makaawa na bumalik si mommy.

"I don't know. Naaalala ko lang lahat, how it happened," I played with my glass of water. "How I—"

Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang biglang nagsalita si dad, "Zianne stop, bumalik ka na sa kwarto mo and please pray before you sleep. Forget about that goddamn dream," bahagyang tumaas ang boses nito.

Ngumiti ako sa kaniya, "Okay, g'night," malamig na sabi ko. He's looking at me like I've done a horrible thing, sinara ko na ang pinto at lumabas.

Bumalik ulit ako sa kwarto ko, nagtititigan nanaman kami ng kisame. Tinignan ko saglit ang oras sa phone ko, 7 na ng umaga. Tatlong oras na akong nakikipag titigan sa kisame.

Tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko para ayain umalis. Wala naman akong pasok ngayon and I need to do something to distract my mind.

"Bakit ako pa 'yung inaya mo?" A girl wearing a sweatshirts and sweatpants asked, Kristina. We went to a children's park, nakaupo kami ngayon sa isang swing na nakapatong sa mabuhangin na sahig.

"I don't know," maikling tugon ko. I pushed the ground with my feet to swing myself, bumuntong hininga ako. "Ikaw unang pumasok sa isip ko, ayaw mo ba?" I forced a smiled.

"Hindi naman, it's just that you've always been so cold kahit dati pa. Palagi mo ngang sinusungitan lahat ng classmates natin kaya nga witch ang tawag namin sa'yo noon eh," Kristina smiled. "I'm sorry," she slapped her mouth for being too honest.

"Look, hindi ko naman sinasadya na sungitan kayo besides, you're still my friend right?" I asked her, pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Yeah, of course." Kristina smiled.

Kristina's been always nice to me. She's right, palagi ko silang sinusungitan dati palang pero that didn't stop her to befriend me. I feel like she's my long lost sister but not blood-related.

We decided to have a long walk while watching the kids play by themselves when a familiar face caught my attention again.

Roizen Yvan Celestial, again.

"Bakit lagi ka nalang nag papakita sa akin," I whispered.

"Ano 'yun, may sinabi ka ba?" Kristina asked.

"H- ha? wala, kung ano-ano lang naririnig mo."

I was planning to approach him habang bumibili ng cotton candy si Kristina but a pretty girl approached him first. They're just talking pero 'yung ngiti ni Roy halos makita ko na ang gilagid niya.

Bigla kong naramdaman na parang may umiipit sa dibdib ko. I looked at them, they both look happy. Masaya ako for him kasi he's with the girl that he likes. Umiwas na ako n tingin dahil mas lalong sumasakit ang dibdib ko, nauumay na ata ang katawan ko sa presence ng lalaking 'yon.

"Ice cream tayo? Libre ko," I tried to make myself sound like I'm excited. I suddenly don't feel well.

Buti nalang at pumayag si Kristina, walang talagang makakatangi sa libre. Hinila ko siya papasok sa local ice cream shop na malapit sa swing kung nasaan kami kanina.

"Mukha ka paring ice cream hanggang ngayon," Kristina laughed.

"What can I do? Ice creams are sweet and I like it," I smiled.

I know that I look tough on the outside but I have this soft spot kapag naka-close ko na ang isang tao. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na rin si Kristina dahil may sudden plans daw sila ng family niya, umuwi nalang din ako.

It was nice going out today.

The night's still long but I feel tired, I wore my pajamas at nag ayos ako ng sarili para matulog na nang biglang nag ring ang phone ko.

Kapre calling...

Tinitigan ko lang ang pangalan na nakadisplay sa screen ng phone, "Sasagutin ko ba?" I asked myself.

Napahilamos ako, "Ano naman kung may kasama siya kanina, hindi naman bigdeal 'yon Zianne." I laughed at myself, after minutes of debating with my mind I decided to answer Roy's call.

"Finally sumagot ka rin," even through phone I can sense him smiling.

"What do you want?" I coldy replied.

"Sungit nanaman," he laughed. "I just called to check if okay ka na."

"You don't have to worry I'm fine," napapakit ako kasabay nito ang pagbagsak ko ng katawan sa kama.

"Papalitan mo na ba talaga si Grouchy?" he chuckled, "Bansot na masungit ka pa naman, bagay na bagay," pang aasar nito. Kapag ganito siya alam kong pinapatawa niya ako.

He failed. I did not smile or laugh, naramdaman ko nalang ang mainit na luhang tumulo sa pisngi ko. I was dumbfounded by my own action. Why the fuck am I crying?

"I'm tired, okay? Don't call me," pinatay ko na ang tawag.

"What's my problem?" I asked myself as my tears continued to flow down through my cheeks.

Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero patuloy parin ang pag tulo ng mga luha sa mga mata ko. Para itong may sariling buhay, my own tears betrayed me.

"What's wrong with me?" I whispered.

Hating-gabi na. Tumayo ako para magpalit mg damit lalabas ako. Dahan-dahan akong naglakad palabas at pababa ng kwarto para wala akong magising na tao sa bahay. Madali akong nakalabas ng bahay. Buti nalang at nagjacket ako dahil ang lamig ng hangin.

A creepy and dark place appeared as I slowly walk closer to the place. Inabot ng kamay ko ang malamig at maruming bakal na gate, dahan-dahan ko itong binuksan upang hindi ito makagawa ng masakit sa tenga na ingay.

"Hi Mom, namiss mo ba ako?"

The Pains of YesterdayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora