Chapter 21

5 0 0
                                    


Roy's POV

Bigla nalang akong pinaalis ni Zianne. May mga bagay na gusto kong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung paano at saan ako mag uumpisa. Mapagbiro akong tao pero kahit isang beses gusto ko siyang makausap ng seryoso.

Gaya nalang kung bakit hindi niya ako maalala, at kung bakit niya na– , ewan all I want is for my bestfriend to recognize me. Bumalik ako sa convenience store kung saan ko binili ang ice cream na dinala ko para kay Zianne, puro ice cream palang ang laman ng tiyan ko.

"You're Roy right?" napalingon ako sa babaeng nagsalita. Hanggang dito ba naman umaabot ang kapogian ko. Namimili lang ako ng pagkain na bibilhin tapos may nakapansin nanaman sa kagwapuhan ko.

Binrush ko pataas ang bangs ko para ayusin ito, "Yes, why?" kunwaring malamig na tugon ko. Minsan kahit gwapo ka kailangan mo pa rin mag pa-hard to get, dagdag points ba.

"I'm Kristina, Zianne's friend? I don't know if nabanggit niya ako sa 'yo, but can we talk?" seryosong tanong niya.

Sabi ko na nga ba, miss na agad ako ni Bansot. Pinaalis pa niya ako kunwari pero nag padala ng kaibigan para suyuin ako. Masyado siyang masungit pati pride niya mas mataas pa sa kaniya. Buti nalang talaga may mabait siyang bestfriend na katulad ko, pogi pa.

Tumango ako sa babaeng tumawag sa akin. "Miss wait lang ha, nagugutom na kasi ako eh," sagot ko habang kumukuha ng pagkain.

"Oh okay, I'll wait," she smiled. "Just meet me outside after, okay?" she added bago lumabas.

Tumingin ako sa bilog na salamin sa loob ng convenience store. Binasa ko ang labi ko at tinaas ang isa kong kilay, "Saksakan ka talaga ng gwapo Roizen," I clicked my tongue at nag ayos ulit ng buhok.

Dumiretso muna ako sa counter bago lumabas ng convenience store. Dala-dala ang favorite sandwich namin ni Zianne at nakita kong nakatayos ang babaeng kumausap sa 'kin kanina. "Hi, ano nga pala sasabihin mo?" kalabit ko sa kaniya.

Gulat naman itong napalingon sa akin. "I just want to thank you... thank you for everything na nagawa mo kay Zianne," she smiled.

"Thank you? bakit ano bang nagawa ko?"

"Wala naman, I just think that you helped Zianne to be her betterself again. When you came naging masiyahin ulit si Zianne," ngiti niya, napansin ko ring nag niningning ang mga mata nito.

Hindi ko alam kung anong sasabihin mo. Dapat ba akong malungkot o dapag ba akong matuwa sa naririnig ko.

Tumawa ng mahina ang babae, tila ba may naalala ito. "Our classmates would always call her witch dahil sobrang sungit niyan, you were the first boy— or should I say, man na hindi sumuko at nakatagal sa kasungitan niya," napangiti ako sa narinig.

"Totoo ba?" pag bibiro ko.

"Oo, mukha ba akong nag bibiro?" tumawa ito at huminga ng malalim. "The old Zianne doesn't even know how to laugh kung paano siya tumawa ngayon, and maniwala ka sa akin sobrang thankful ko," she looked at me. May mga tubig sa na namumuo sa mata niya, makikita mo sa ngiti niya na totoo lahat ng sinasabi niya.

Umiwas ito ng tingin. "Can I ask a favor?" malungkot na tanong niya.

"Sure ano 'yon?" abot tengang ngiti ko.

"If ever na malaman mo lahat... even Zianne's worst secrets, promise me that you won't leave her," maluha-luhang saad nito.

Ngumiti at tumango ako sa kaniya bilang tugon. "Pangako." Ngumiti si Kristina at inilahad ang kamay niya sa akin, "It was nice meeting you, Roy," she gave me a handshake at umalis na.

Naiwan na akong mag isa dito sa labas ng convenience store, kitang kita ko kung gaano kaliwanag ang buwan. I dialed Zianne's number pero puro cannot be reached lang ang sumasagot dito. I even tried spamming her pero hindi niya ito tinitignan. Something doesn't feel right.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad akong tumakbo pabalik sa bahay nila Zianne, buti nalang at binigyan na ako ng spare key ni yaya Girly. Nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto niya para bang nawalan ako ng hangin dahil biglang sumalit ang dibdib ko. Walang malay na nakahiga si Zianne sa sahig.

Dali-dali akong lumapit sa kaniya para buhatin at dalhin siya sa ospital. Impossibleng nakatulog lang si Zianne dahil hindi niya ugaling matulog sa sahig. Ayaw kong umiyak o malungkot, pilit na pinipigilan ko ang luha ko habang tinititigan ang babaeng mahal ko na nakahiga sa hospital bed.

Sabi ng doctor na patuloy ang pagtibok ng puso niya at hindi ito nakahinga ng maayos dahilan para mahilo at mahimatay siya. Nakiusap ako sa kaniya na iwan muna kaming dalawa dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang luha ko.

"Zianne..."

I saw ninong outside Zianne's room, "Ninong," bati ko. "Can I please talk to Zianne? Alone," tanong niya, tumango ako.

Iniwan ko muna si Ninong sa loob at hinayaan silang dalawa. Pinagmasdan ko mabuti ang galaw ni Ninong, kita ng mga mata ko kung paano umiyak at kung gaano kahigpit ang hawak ni Ninong sa anak niya. Baago siya umalis ay hinalikan niya ang kamay at noo ng kaniyang anak. Mukhang walang pakielam lang sa mundo si Ninong pero alam kong mahal niya ang anak niya.

"Take care of her," saad ni Ninong. He gave me a soft pat on the back.

Pumasok na ulit ako sa loob nang makaalis si Ninong. "Hi Bansot, dala ko pala 'yung favorite sandwich natin oh, gising ka na please," ngiti ko kahit na alam kong hindi niya ako nakikita.

"Wake up, my grouchy princess. You still have a lot of things na ikekwento sa 'kin. May chika ako, hindi ko alam kung matutuwa ka ba o magagalit sa akin, please wake up," tuloy-tuloy ang pag tulo ng mga luha ko.

"Please Zianne... Bansot, miss na kita, miss ko na 'yung dating tayo," 'yon ang huling mga salita na nabitawan ko bago ko pa maramdaman ang antok at pagod.

"Roy..." a girl whispered.

The Pains of YesterdayNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ