Chapter 12

67 40 0
                                    


Binalot ng amoy ng bagong durog na coffee beans at libro ang loob ng café kung saan isa akong barista. Busy ako sa pag aayos ng mga baso at pag linis ng espresso machine nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ay pangit," gulat na saad ko. Tumawa lang ito at kinuha ang phone ko mula sa likod kong bulsa, sabay takbo. Tinignan ko siya ng masama pero tinawanan lang niya ako. Tumigil na ito sa pagtakbo at naupo sa table malapit sa bintana.

Nagpaalam ako ng bathroom break sa kasama ko, at agad na tumakbo papunta sa kaniya. Napalingon ito sa akin at kaagad na lumabas ng café. "Ang daya mo!" tumigil ako sa pag takbo at umupo muna sa bench sa labas ng café. Mabagal na lumapit si Roy sa akin at tinabihan ako.

"Ano bang trip mo, kapag ako natanggal sa trabaho ko mag babayad ka!" kunot noo kong saad at binatukan ko siya.

He softly chuckled, "Hindi 'yan, ako bahala."

"Akin na nga 'yan!" kinuha ko ang phone ko mula sa mga kamay niya, "Ano bang ginagawa mo dito?"

"Wala, may namimiss lang ako," aniya habang pinapakiramdaman ang lamig ng hangin.

"Si Cady?" malamig na tanong ko.

"Hindi ah, why would I miss that girl?" he asked.

"Aba malay ko sa 'yo, baka lang."

I have no idea kung sino tinutukoy niya pero bakit nalulungkot ako. Tumingin ako sa relo ko, kailangan ko nang bumalik.

"Sino ba kasi namimiss mo?" tanong ko.

"A friend of mine," he looked at me, and smiled bitterly, "A childhood friend."

"Ah, oh ano naman connect non sa akin para pag tripan mo ako?" pinaglaruan ko lang ang mga daliri ko.

"Ewan," may bakas ng lungkot ang boses nito.

"Sira! Kung miss mo 'yung 'childhood friend' mo, puntahan mo!" tumayo ako, naglakad ako pabalik sa café pero pinigilan ako ni Roy.

"Ito naman galit agad," Roy laughed, standing in front of me.

"Ginulo mo ako sa trabaho, tapos sasabihin mo sa akin na miss mo childhood friend mo, what do you want me to do about that?"

"Teka nag seselos ka ba?" he smirked, halatang pinag ti-tripan nanaman ako.

"Bakit naman ako mag seselos?" Lumapit ito sa akin.

"Bakit ka nga naman mag seselos?" he smirked again.

"Alam mo, baka kasi gusto mo lang na mag selos ako," lumapit pa ako sa kaniya, para naman hindi ako mag mukhang guilty.

"Baka naman kasi nagseselos ka lang talaga." sobrang lapit na ng mukha niya. Sobrang lapit na konting galaw lang ng isa sa amin ay mahahalikan na namin ang isa't isa.

"Bakit? Gusto mo bang mag selos ako?" kalahating inch nalang ang lapit namin sa isa't isa. Ano ba 'tong nangyayare sa akin, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Konting lapit nalang ay mahahalikan ko na si Roy, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso.

"Zelestaire!" a guy shouted, "Nakikipaglandian ka sa oras ng trabaho!" Agad naman akong lumayo kay Roy at nang-hingi ng sorry sa boss ko.

"Kapag ako talaga natanggal patay ka sa'kin," bulong ko sa kaniya. Nag mamadali akong bumalik sa loob.

"Sige na, baka matae pa sa galit 'yung boss mo susunduin nalang kita," pang aasar nito sa boss ko at natawa naman ako.

"Haha sira! Sige na!" tumakbo na ako papasok ng café, ayoko pang matanggal mahal ko pa ang pagiging barista ko. Tinignan ko kung umalis na si Roy, pero pumasok pa siya sa loob.

The Pains of YesterdayWhere stories live. Discover now