Chapter 17

22 5 0
                                    



"But then he found out na hindi siya naaalala ng bestfriend niya," seryosong saad niya.

I hugged my legs, parang ako lang pala. Hindi ko rin maalala ang childhood bestfriend ko, ang kaibahan lang namin mukhang hindi na ako pupuntahan ng bestfriend ko. I wiped my tears, tuwing iniisip ko na hindi na ako babalikan pa ng bestfriend ko na 'yon nalulungkot ako. Buti nalang hindi ako nakatingin kay Roy, hindi niya makikitang umiiyak ako.

"Bakit daw? Anong nangyare?"

"Hindi ko alam," he bitterly smiled again. "Mukhang hindi pa rin siya naalala ng bestfriend niya, ikaw ba?" he looked at me.

"Kung babalik ba 'yung childhood bestfriend mo maaalala mo ba siya?" seryosong tanong niya. Anong klaseng tanong ba 'to nasasaktan lang ako lalo.

"I don't know, maybe, hindi natin alam," I answered, "Pero mukhang hindi naman na siya babalik, I mean sino ba ako para balikan niya 'di ba?" tinignan ko ang bracelet na suot ko.

Sabi nila 'yung childhood bestfriend ko raw ang nag bigay nito. This was the last birthday gift that I recieved from him. Nanlalabo ang mata ko dahil sa mga luha, hindi ko mapigilan ang sarili ko umiyak.

"Bakit naman ganon ang iniisip mo? Kung ako babalik ako, babalikan kita..." he said, "I mean kung ako 'yung childhood bestfriend mo babalikan kita, kasi bestfriend kita eh. Bestfriend means family Zianne," he smiled.

"Sana nga," traffic pa rin ngayon at tuloy-tuloy lang ang pag patak ng mga ulan.

"'Wag ka ng umiyak~" pabirong kanta niya.

"Hindi kaya ako umiiyak," patagong pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

"Zianne you're my bestfriend, nakikita kong umiiyak ka," he gently held my chin, iniharap niya ako sa kaniya.

Pinunasan niya ang mga luha ko, nakatigil lang ang kotse niya kaya malaya siyang nakabitaw sa manibela.

"Sorry, naalala ko lang kasi 'yung childhood bestfriend ko," I smiled, "I really don't think that he'll come back, lahat ng tao iniiwan ako Kapre."

"Ako hindi kita iiwan," he pushed his forehead against mine.

"Sana maaalala na si R ng bestfriend niya," nakapikit na saad ko.

He gently stroked my cheeks. He looked at me in the eye, sincerely.

"Sana nga," he kissed my forehead. "'Wag ka ng umiyak okay?" I nodded.

Roy turned on the radio to lighten up the atmosphere. Sobrang swerte ko to have Roy, kahit na sobrang mapangasar niya ang swerte ko padin. He may not be perfect sa mata ng iba pero sa akin he is the perfect bestfriend.

After the long ride we finally arrived at my house.

"Andito na tayo Bansot," he said.

"Thank you."

Ang drama ko pero too late para bawiin ang sinabi ko.

"Ang panget mo kapag seryoso," he laughed.

Just the typical Roy Celestial. Hindi talaga pwedeng matapos ang isang araw na hindi niya ako tinatawanan.

"Siraulo!" I hit his head. Bumaba na si Roy para pag buksan ako ng pinto.

"Oh sige pambawi, baba ka na po prinsesa ko," he smiled pero sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan.

"Dami mong alam," I chuckled.

"Syempre ganun talaga kapag nag aaral bansot," he jokingly said.

"Puro ka talaga kalokohan," nanggigigil na pinitik ko ang noo niya.

The Pains of YesterdayWhere stories live. Discover now