1

538 9 0
                                    

1

Pasado.


"Vienne, are you sure you're not going to ride with me? Kaya ko naman agahan ang punta sa school, you know." Kulit ni Ali sa akin habang kinagatan ang toast.

Narito kami ngayon sa 10-seater dinning table. Katapat ko siya ngayon habang kumakain din ng umagahan. May klase kasi ako ngayong alas otso at pinipilit niya 'kong ihatid kahit na alas
nuwebe pa ang kanyang first class.

Nagpatuloy ako sa pagkain, shrugging off his statement. Hindi ko naman binilisan ang pagkain, alas sais pa lang at wala naman na 'kong pending na school work kaya pinagbigyan ko ang sariling magbagal.

"Nagsasayang ka ng gas. Imagine all the oil you're wasting." He continued chewing. "Besides, ginamit ni Mama ang kotse kagabi galing Tarlac, hindi ba? Wala na atang gas."

"What really? Ginamit ni Tita?" I said shocked. "Kahapon pala 'yun? Akala ko noong Sabado pa." I sighed.

Akala ko kasi noong isang araw pa ang lakad ni Tita Lucy patungo sa bayan ng Tarlac para sa business namin. Yung sasakyan ko lang ang pwedeng gamitin kasi nasa conference si Tito Miguel sa Maynila dala ang sasakyan nilang mag-asawa. May lakad si Ali kahapon kaya ang aking sasakyan lang ang pwede hiramin. Ayaw din kasi gamitin ni Tita iyong isa naming SUV dahil sira ang aircon.

"Oo. Kahapon 'yung lakad ni Mama, Vienne." He chuckled. "Pupusta ko allowance ko, walang gas 'yung kotse. Kung mayroon man, hindi aabot sa gas station."

Nakaligtaan ko ata sa sobrang busy sa eskwela. Paano ba naman ay patapos na ang first sem ng third year ko bilang estudyante ng AB Political Science. Hectic ang schedule at puno ang workload kaya hindi ko na madalas napapansin ang araw kung walang kailangan ipasa o gawin. Hindi ko napansin na Sabado pala noong isang araw dahil wala rin akong ibang ginawa kundi mag-accomplish ng requirements.

I sighed.

"Unless you want to push the car today, Vienne." Ali shrugged and laugh.

"I have no choice, do I?" I groaned at umiling naman siya natatawa pa.

"Buti nga at nagmagandang loob pa 'kong ihatid ka. I care for my sibling." He smiled and continued eating. His words were final.

Honestly, I really am thankful for him. He can be a pain in the ass most of the times, but he still cares. Kahit hindi ko siya tunay na kapatid, tinuring niya 'kong kapatid.

Hindi ako kapatid ni Ali.

Hindi ko magulang ang magulang niyang sina Tita Lucy at Tito Miguel.

Hindi ako ampon, hindi rin anak sa labas, at hindi rin napulot sa dumi ng kalabaw.

Nag-iisang kapatid ni Tito Miguel si Daddy. Kaya ako nakila Tito ay dahil patay na si Daddy. Wrong term, pinatay si Daddy. Hindi ko man nakilala ng lubos ang aking tunay na ama at ina. Parehong namatay ilang buwan pagkatapos akong ipanganak.

Sina Tito at Tita ang nagkwento ng talambuhay ng magulang ko. Halos wala na rin akong maalala kasi nawala sila sa mundo noong wala pa 'kong muwang.

My Dad was an honorable Judge of the court and was murdered.

Pinapatay pagkatapos ipakulong ang politikong korap. Kwento sa akin ni Tito Miguel, nakakatanggap na raw si Dad ng death threats before the hearings. Kaso nga lang, hindi nagpaatinag si Dad at ginawa ang tama, kahit na buhay ang nakataya.

He loved the country he was willing to risk his life just for justice to prevail.

My Mom was a businesswoman in the same field as my Tita, farming and poultry supply. She also died after a few months of Dad's death. Napunta ang business kay Tita kaya lalong lumago nang gawing joint property.

Learn to Love | Aiago Series #1 | ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon