Chapter 23

644 48 8
                                    

Sela's POV

8pm. Kumakain kami biglang dumating si Abby. Pinagbuksan siya ni Gabb. Seryoso ba to? Tsk. Masaya siyang sinalubong ni Ian.

"Tita Abbyyyy."

"Look, I brought desserts." Sabi ni Abby.

"Naku, nag-abala ka pa."  Sabi ko. Syempre, nakikipagplastikan ako sa kanya nyan kasi ayoko nga siya dito.

"M-maupo ka. Sabay ka na samin magdinner." Sabi ni Gabb sabay bigay sakanya ng plato. Ano to? Close na sila?.

Tumabi ito kay Ian.

"So, how's your day young man?." Tanong nito kay Ian.

"Nakakapagod po Tita."

"Bakit? Ano bang ginawa mo?."

"Nagplay po. Dinala ako ni Tita Sela sa play ground."

Napatingin sakin si Abby ng saglit at nagtama ang aming paningin pero lumihis din ako agad. Sela, nakamove on ka na diba? Bakit ngayon naoawkward ka around her? Si Abby lang yan.

"..and then my friend Claude has this big monster toy na sobrang nakakatakot po Tita.." I felt Gabb's hand holding mine under the table.

Nag-usap pa sila buong gabi hanggang sa nakatulog na si Ian. Dinala ko na siya sa kwarto after umalis ni Abby. Kakatapos ko lang magtoothbrush nang makita kong wala parin si room namin. San na yun?. At ayun, nakita ko nga siya sa living area na may kausap sa phone. Parang seryoso. Nang makita nya ko,

"S-sige na. See you tomorrow. Goodnight. Bye." Baba niya agad at lumapit na sakin. Hmm.

"Sino yun?." Tanong ko.

"Ah ano, si Direk. May tinanong lang. Tulog na tayo?. Maaga pa tayo bukas." As she kissed the back of my hand at inakbayan ako papasok.

KINABUKASAN

Binabasa ko ngayon ang script. Kahit kasi hindi maririnig ang mga sinasabi namin kailangan parin yun para mas totoo yung result. Halos kagaya ito sa nangyari samin ni Abby. Sinabi niya ba to kay Gabb? Alam na ba niya?. Shorter version lang ito at marami ding iniba.

Pinakinggan namin ang recording ng audio sa song ni Gabb. For me it sounds creamy, soft, cute, funny, clean, seductive and also it's like seranading you. Less lang ang instruments kaya parang hindi OA ang dating, tapos yung chorus part is parang naguguluhan ako kung dapat ba akong matuwa or matakot. The song kasi is about falling for an unexpected person. Example is a girl falling for a girl and the character in the song seemed conflicted whether nahuhulog nga ba sya sa babaeng to or there's just something wrong with her physically and mentally.  Pero mas gusto niyang paniwalaan na may sakit siya kaysa aminin that she's falling for a girl.

The song is called Lupus because the idea is naisip ni Gabb na Love is synonymous with Lupus kasi sobrang hirap nitong e diagnose. Nananatili paring mystery kung bakit phenomenons like these happens.

Pero she explained din sa song that there are two types of love. Good and bad love. At yang bad love ang maihahalintulad sa lupus because it's bad for you, unti unti nitong pinapatay ang mga mahahalagang bahagi mo to sustain your life hanggang sa wala nang matira sayo.

Bad love is giving all of it including yourself, while good love is when the lover is well disciplined which means alam nito how to take things like emotions or feelings and beliefs in moderation to keep the relationship in a perfect balance because true love is supposed to be healthy.

It made me fall for Gabb even more this time. Naeexcite tuloy ako. Pumunta kami ng hospital to shoot the first scene kung saan dadalhin si Abby sa hospital. Iyak ako ng iyak gaya nung mismong nangyari dati. Ilang takes din yun kasi maliban sa sobrang nakakahingal tumakbo habang sumasabay ako kay Abby na nakahiga sa bed na may wheels, na nakalimutan ko na kung anong tawag. Isa yun sa mga dahilan kung bakit di na natuloy ang pangarap kong maging Doctor. Kaya nga pinipilit ko nalang talagang pumasok sa mundo ng pag-aartista. At dun ako nakilala ni Gabb.

After ng scene na yun sunod sunod na hanggang sa inabot na kami ng 9pm. Naunang umuwi si Gabb kasi susunduin niya pa si Ian kina Sheki. Instead of going to a concert outside, nagshoot kami sa isang bar na may banda. Pagkatapos nun ay umuwi na kami. I tried my best to be professional about this at buti naman nagawa ko. I'm still in the right state of mind.

Hihintayin ko pa sana si Gabb para sunduin ako but Abby insisted na ihatid ako. So I'm here with her inside her car.

"I can't believe natapos natin lahat ng scenes in just one day haha. That's insane." Masaya nyang sabi. Tiningnan ko lang siya ng walang emotion. I see, she's trying to have conversations with me. Lumihis agad ako ng tingin.

"Aren't you excited?." Sabi nya pa.

"Not really."

"I still have food at the back--"

"I'm not hungry."

"O-okay. Ano uh--do you want to--"

"Pwede ba ihatid mo nalang ako? I'm not in the mood to talk right now. This day is exhausting." Kaya ayun, di niya nako kinausap. Naglalakad ako palapit sa unit nang makita ko si Gabb na kakapasok lang. Did she just left Ian alone?. San sya galing?.

Pumasok ako and I saw Gabb changing. Napansin nya ako at nakipagbeso sakin.

"Where have you been?." Tanong ko sa kanya.

"What?."

"Nakita kita. Kakapasok mo lang. Wait, where's Ian?."

"At Sheki's place?."

"I thought you said na susunduin mo siya kaya nga pinauna na kitang umuwi kanina?."

"Galing ako kina Sheki. The kid's asleep."

"Again, umalis ka ng 6pm. Tulog na sya sa oras na yun? Imposible. Now tell me, where have you been?."

"What's wrong with you?." Like she's ignoring the topic. Humiga na sya.

"You're not answering my question Gabb."

"I already told you. Galing ako kina Sheki. Are you seriously doubting me right now?."

"Of course I am. San ka ba kasi galing?."

"Paulit ulit ka naman eh."

"Kasi nagsisinungaling ka."

"And why would I do that?."

"Kasi may iba ka. Sabihin mo, may iba ka kasi masisiraan nako ng bait--"

"Wala. You're being paranoid again. Wala akong iba. Goodnight." Ayan tuluyan na talaga siyang nagalit sakin. Pero hindi parin ako naniniwala sa kanya.

SELA'S COLLECTION OF CLICHÉS (Sequel)Where stories live. Discover now