Chapter 04: Human Experimentation

627 102 112
                                    

Pagdilat ni Schedel ay bumungad sa kaniya ang classroom na magugulo ang upuan. Ito ang pinagpahingaan nila. Tumingin siya sa cellphone para tingnan ang oras at 8:50 AM na pala. Tumayo siya at nakita si Iah na mahimbing na natutulog sa hita ni Yuan. Si Yuan naman ay nakasandal sa pader at kumportableng nakahawak sa buhok ni Iah, habang si Wart ay nasa teacher’s table.

Napakunot ang noo ni Schedel nang mapansin niyang wala si Felis, pero hindi siya nag-abalang hanapin ito dahil alam niyang kaya ni Felis na protektahan ang sarili. Lumakad siya papunta sa bintana ng classroom, hinawi ang kurtina, at saka napatingin sa field. Nanlaki na lang ang mga mata niya at napahawak nang mahigpit sa kurtina.

“How did it end up like this?” tanong ni Schedel habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad nang wala sa sarili.

“Everything happens for a reason. This is the problem that we need to face.”

Napatingin si Schedel sa nagsalita at nakita niya si Felis na naka-laboratory gown na may napakaraming dugo na palapit sa kaniya at nakatanaw rin sa labas. Napangiwi siya sa amoy ng dugo na dumidikit sa ilong niya.

“We need to fight it in order to live and we need to finish it in order to survive.”

“Saan ka ba nanggaling?” malakas na tanong ni Schedel na nagpataas sa kilay ni Felis.

“Lower down your voice,” saway ni Felis at saka sinulyapan ang mga natutulog.

“Bakit ganiyan ang suot mo?” Pinilit ni Schedel na hinaan ang boses pero malakas pa rin ito kaya napatikhim si Felis.

“I checked something.” Tinanggal ni Felis ang suot na laboratory gown. “And I found out that—”

“What’s the cause of this outbreak?” kinakabahang tanong ni Schedel dahil taas-baba ang tono ng pananalita nito.

“That all of the equipment in the science laboratory are useless,” seryosong wika ni Felis at saka inis na itinapon ang laboratory gown sa sahig. “I hate experiments. NR Team confiscated all the necessary equipment, including the rodents.”

Napangiwi si Schedel sa narinig. Hindi niya talaga alam kung matalino ba ito, tanga, o hindi kaya nasobrahan sa talino at nababaliw na.

“Felis, isa sa mga quote na nabasa ko ay nagsasabing kapag ang isang taong tanga ay gumawa ng isang bagay na hindi mo inaasahan, suportahan mo na lang, lalo na’t kaibigan mo ito. Alam mo na, push lang nang push. Sa bagay, nakamamangha ka rin minsan kaya kahit na napakatanga mo ay—”

“Enough with those quotes!” inis na saway ni Felis kaya napanguso na lang si Schedel. “Hindi ka ba nauubusan?”

Umiling si Schedel at magsasalita na naman sana pero napatikom agad ang bibig nang masamang tumingin si Felis.

“Call the police.”

 Walang nagawa si Schedel kundi ang sundin ang utos ng kaibigan. “Hindi ma-contact.”

“Kuya Felis?”

Sabay silang tumingin kay Iah na kagigising lang at nag-unat-unat. Napatayo na rin si Yuan at si Wart ay napabangon na rin.

“Ang dumi,” mariing sambit ni Wart at saka nagpagpag. Lumalalim ang pagkakunot sa noo niya kapag hindi natatanggal ang dumi. “Bakit ba ang dumi? Kahapon pa ako nadudumihan.”

“Neat freak,” bulalas ni Felis.

“Mr. Wart Chavez, h’wag ka nang magreklamo d’yan,” saway ni Schedel kay Wart at saka tumitig ito sa kaniya. “Ang guwapo mo pa rin naman kahit na madumi ka na.”

Napakunot ang noo ni Wart. “I don’t know if you’re complimenting or provoking me.”

“H’wag na kayong mag-away,” sabat ni Felis sa kanila. “Kailangan na nating lumabas.”

Neutral Zone: AIOE 25✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon