Chapter 21: District 3

308 37 15
                                    

“We met again, Rini.”

Tumigil ang kanang kamay ng isang lalaking kasing edad ni Wart sa pagta-type sa laptop bago napalingon at napangisi sa tumawag sa kaniya. Napabuga ito ng usok at inilagay ang sigarilyong hawak ng kaliwang kamay sa ashtray.

“Hello there, Wart Chavez,” bati ni Rini na may kakaibang awra. Ang napakaamong mukha, ang magandang hubog ng katawan, at ang kakaibang pagtingin nitong may dalang kakaibang alindog, lalong-lalo na nang ngumiti ito.

***

Pagkagising ni Wart kaninang umaga ay agad niyang hinanap si Felis ngunit wala ito, kahit anino ay hindi maaninag. Nakita niya ang cellphone nitong nasa sahig at biglang may mensaheng dumating. Hindi makapaniwala si Wart sa natanggap niya. Isang litrato ni Elliot na nasa loob ng isang human capsule at nakalutang sa gitna.

Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa padalos-dalos na desisyon ni Felis. Walang nagawa si Wart kundi ang pumunta sa kulungan para humingi ng tulong sa isang kaibigan kahit na hindi niya alam kung buhay pa ba ito o hindi.

***

Malusog na malusog itong nagla-laptop sa isang selda pagdating niya. Napaismid na lang siya sa ginagawa ng kaibigan niya.

“Wart Chavez, isang kilalang Physics teacher dahil sa kakaibang talino at kilala sa pagiging neat freak pero anong klaseng ayos ’yan?”

Nakangisi si Rini habang sinusuring mabuti si Wart. May dala itong bag na puno ng baril. Ang isang kamay ay hawak ang isang machete na puno ng dugo, habang ang damit na kulay asul nito ay halos naging lila na at napakarumi pa.

“Your fingers . . .”

Nainis si Wart sa sinabi ni Rini kaya sinipa niya ang selda. “Rini Avila, one of the famous journalists in the country. Ipinakulong ng sariling mga magulang dahil sa paglabas ng isinulat na libro tungkol sa kasamaan ng mga magulang niya.”

 “Let’s forget that issue.” Natawa si Rini. “What brought you here, Mr. Rival?”

“Labas!” utos ni Wart sa kaibigan na nagpatawa kay Rini. Matagal na silang magkaibigan at matagal na rin silang magkalaban sa mga bagay.

“What’s with that attitude, Wart? Kailangan mo nang baguhin ’yan. Kung ’di, matutulad ka sa akin na itinakwil ng mga magulang at nauwi sa kulungan,” natatawang sabi ni Rini. “At saka, bakit ka napadalaw?”

Napakunot ang noo ni Rini habang nakatingin sa mga dala niya. “And what’s with those weapons? Ano’ng nangyari sa mga daliri mo? Bakit hindi mo kasama si Felis?” sunod-sunod na tanong ni Rini.

Wart clicked his tongue. “Labas na! We need to find the truth.”

Umiling si Rini at saka uminom ng tubig. “I don’t care about the truth.”

“What?”

“I’m sorry but I’m rejecting your offer. Kuntento na ako rito, hanggang tingin na lang ang mga zombie sa akin,” balewalang sabi ni Rini sabay bukas sa isang balot ng chips na hawak. “May natabi rin naman akong pagkain kaya okay lang ako. Tulog at kain lang ang ginagawa ko.”

“Bastard!” inis na sabi ni Wart as he gritted his teeth.

“H’wag mong bubuksan!” saway ni Rini kay Wart nang sinimulan nitong buksan ang selda niya gamit ang machete.

“Too late, you need to come,” mariing sabi ni Wart pagkabukas niya sa selda kaya napailing lang si Rini at saka bumalik ang atensiyon nito sa laptop. “Ngayon lang ako nakakita ng presong may laptop sa kulungan.”

Neutral Zone: AIOE 25✓Where stories live. Discover now