Chapter 20: Suffer

326 36 19
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula nang pinagpahinga na ni Felis si Iah. Sa ngayon ay naglalakad na sila papunta sa District 5. Ilang kilometro pa ang lalakarin bago makarating doon. Tahimik lang nilang tinahak ang daan at walang awang pinapatumba ang mga zombie na makikita. Gabi na kaya kailangan na naman nila ng matutuluyan. Noong nakaraang gabi ay sa gilid lang sila natulog habang pinapatuyo ang mga damit ngunit sa kasamaang palad ay umulan kaya kahit na hindi pa tuyo ay isinuot na nila ito pero dahil sa paglalakad nila sa ilalim ng araw kanina, kalauna’y natuyo rin ito.

“Buti na lang at umulan kagabi, nakaipon tayo ng maiinom at kahit paano ay nakaligo na rin.” Binuksan ni Schedel ang bote at uminom habang naglalakad. “Sayang talaga ’yung isang boteng puno ng tubig, ’tapos nilagyan lang ni Felis ng laway ng zombie para pag-eksperimentuhan.”

“Kailangan ’yon para makahanap tayo ng clue man lang.” Sinulyapan ni Wart ang daliri ni Felis na may telang nakabalot. “Kahit nga ’yung daliri ng zombie ay inilublob ni Felis sa isang latang may dugo niya.”

Panay ang pagbabalik tanaw ng dalawa, habang si Felis ay tahimik na nakatingin sa cellphone niyang nakabalot sa isang transparent na plastic. Hinihintay niya ang mensahe ni AIOE 25 dahil gusto niyang makakuha ng ibang hints. At pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay tumunog ito kaya agad niyang binasa.

‘Prepare yourself for the worst. -AIOE 25’

“I am already prepared.” Napahigpit si Felis ng hawak sa baril na dala. “No, nalampasan ko na kung ang tinutukoy niya, ang pagkawala ni Iah.”

Walang gaanong bahay sa lugar na ito dahil isa itong countryside ngunit may streetlights na patay-sindi at kahit paano ay naging madali ang paglalakad nila. Lakad lang sila nang lakad at walang planong tumigil, puwera na lang kay Schedel na hindi tumitigil sa pagrereklamo.

“Kung bumalik na lang kaya tayo? May maliit na bahay tayong nadaanan kanina,” hinihingal na suhestiyon ni Schedel bago huminto at napahawak sa tuhod.

“Naubos na?” Hindi maitatago ang lungkot sa boses ni Schedel habang nakasilip sa loob ng isang lata ng corned beef. Inis niya itong itinapon ay napahawak sa tiyan. “Tig-iisang lata lang tayo pero hindi iyon sapat.”

“H’wag ka na nga lang magreklamo!” inis na bulyaw ni Wart pero natawa na lang siya nang marinig nila ang malakas na dighay ni Schedel.

“Bakit ba ako dumighay, eh, kumakalam pa ang sikmura ko.”

“May maliit na bahay sa unahan kaya bilisan na natin.” Napangiwi si Schedel sa sinabi ni Felis at lumakad na kaya napasunod na lang ang dalawa.

“Felis, you looked—”

Hindi na pinatapos ni Felis si Wart. “Nakakatakot isipin na ang puso ko ay nangungulila na lang bigla.”

Ramdam na ramdam nina Wart at Schedel ang kalungkutan ni Felis. Nakatitig lang si Wart sa likod ni Felis at nakatikom ang bibig. Ayaw niyang magsalita pa. Ayaw niyang madagdagan ang lungkot nito. Alam at kitang-kita ni Wart kung paano umiyak si Felis nang palihim.

Nasa tapat sila ng isang katamtaman sa laki na bahay at nakabukas ang ilaw na patay-sindi kaya kumatok si Felis. Pagkatapos ay bubuksan na sana pero may nagsalita.

“Sino kayo?”

Agad silang naalarma at tinutukan ng baril ang isang lalaking nasa likod nila.

“Ibaba n’yo ang mga baril n’yo. Ako ang may-ari ng bahay na ’to.”

Wala silang nagawa kundi ibaba ang baril at binigyang-daan ang lalaking makapasok.

“Puwede ba kaming tumuloy kahit ngayong gabi lang?” tanong ni Felis kaya tumango ito at saka pinapasok sila.

Neutral Zone: AIOE 25✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon