Part 52

82K 2.5K 178
                                    

BUMILIS ang tibok ng puso ni Andrea nang ihinto ni Denver ang kotse nito sa tapat ng apartment na maraming taon na niyang inuupahan. Nanlalamig na ang mga kamay niya nang lumabas sila ng sasakyan bitbit ang take-out food na binili nila sa nadaanang restaurant. Lalo na nang makapasok sila sa loob.

Tensed na tiningnan niya si Denver habang nakatayo ito sa nagsisilbing living room niya. Pinasadahan nito ng tingin ang paligid bago humakbang papunta sa corner ng apartment na nagsisilbing kusina. Inilapag nito ang take-out food sa maliit na lamesa at pumihit paharap sa kaniya.

Napalunok si Andrea nang magtama ang kanilang mga paningin. Seryoso at determinado ang kislap ng mga mata nito. Alam na niya ang tanong bago pa ito nagsalita. "Sino si Angelo?"

Huminga siya ng malalim. Lumapit siya sa kama at umupo roon. Iyon kasi ang pinakamalayong parte ng apartment niya mula sa kusina. Magkaharap man sila pero at least may sofa, center table at maliit na flat screen TV na nasa pagitan nila. Thankfully, hindi kumilos si Denver para lapitan siya. Nanatili itong nakatayo sa kitchen area.

Nanuyo ang lalamunan niya at kabadong ipinatong sa mga hita ang nanlalamig na mga kamay. "Sinabi ko na sa 'yo na napunta ako sa maling barkada noong College ako, 'di ba?" Tumango ang binata. "Noong eighteen years old kami, halos lahat sila nagawa na yata lahat ng bisyo na uso noon. They always urge me to try their vices too. Na subok lang daw. They said we were at the perfect age to explore and do mistakes. Sinama nila ako sa isang party and they gave me a task. I need to find someone to have sex with."

Naningkit ang mga mata ni Denver. "You had a one night stand."

Kumuyom ang mga kamao ni Andrea at tumango. "I gave my first time to a stranger."

Tumiim ang bagang ng binata. "Did he hurt you?"

Umiling siya. "He was... good. Hindi ako nasaktan ng husto. In fact I enjoyed it though I was so embarrassed to admit it to anyone before. Feeling ko huhusgahan ako kapag sinabi kong nag enjoy ako makipag one night stand. Anyway hindi ko alam ang pangalan niya at sa totoo lang maraming taon ko nang hindi tanda ang mukha niya. All I can remember was the experience and... the consequences of that night."

Kumunot ang noo ni Denver. "So hindi siya si Angelo?"

Umiling siya. Uminit ang kanyang mga mata at kahit gusto niya magpakatatag ay nanginig ang boses niya nang magpatuloy sa pagsasalita. "I... got pregnant. Angelo was my baby."

Halatang nagulat si Denver. His whole body wavered as if she physically hit him. Ilang segundo bago ito nakapagsalita. "Wait. Was?"

Kumirot ang puso ni Andrea at namasa ang mga mata. "He was stillborn." Huminga muna siya ng malalim bago pinaliwanag ang naging sitwasyon noong pinagbubuntis niya ang baby niya. Tahimik lang na nakinig si Denver, hindi inaalis ang intense na titig sa mukha niya. She felt so exposed and vulnerable in front of him. Maraming beses na nanginig ang boses niya. May sandaling kinailangan niya ibaba ang tingin kasi hindi niya kinakaya salubungin ang mga mata nito. Pero wala siyang itinagong detalye mula rito.

"After mawala ni Angelo, mas napadalas ang pagsama ko sa barkada ko. Dahil pinagbuntis ko siya kinailangan ko huminto sa pag-aaral. Pero pinilit ako ng parents ko na bumalik sa school nang makarecover ang katawan ko sa panganganak. I studied hard but I also went back to my friends. Tinanggap nila ako kahit one year ahead na sila sa akin. Kahit nang maka-graduate na kami, palagi pa rin kami nagkikita. Five years ago, inaya nila ako na mag out of town. Party daw na kami-kami lang. It was a wild night."

. Marahas na huming ang malalim si Denver. "Anong nangyari?"

Kinagat ni Andrea ang ibabang labi bago sumagot, "Sobrang lungkot at depressed ko that time. I still feel the lost of Angelo. Pakiramdam ko noon may nakasaksak na kutsilyo sa dibdib ko. The pain was constant. I just want to stop feeling miserable. Kaya nang alukin nila ako uminom ng alak at mag take ng party drug, pumayag ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko noon. Probably I was not thinking at all. Na-overdose ako. Nagising na lang ako nasa ospital na ako at umiiyak ang parents ko."

Mahinang nagmura ang binata at humakbang palapit sa kaniya. Nanginig ang mga labi ni Andrea at binilisan ang pagsasalita bago pa siya mag breakdown. "I almost died that day. Ang sama kong anak kasi nang makita ko ang parents ko nagalit pa ako sa kanila. I told them they should not have revived me. That I wanted to die and I hated them because I was still alive."

Lumuhod sa harapan niya si Denver at hinawakan ang mga kamay niyang mariing nakakuyom. "Oh baby," bulong nito.

"Umiyak ng umiyak si mama. Iyon ang dahilan kaya nagalit sa akin si papa. Sabi niya kung gusto ko daw sirain ang buhay ko lumayas na lang daw ako. I was consumed by my own pain that time. Nagempake talaga ako at umalis days after ko makalabas ng ospital. It was so hard for me to find a job and a place to stay. Pero nagmatigas ako. Ayoko umuwi kasi masama ang loob ko. But now I know better. They did not intend to throw me away. Sinabi niya iyon dahil nasasaktan siya sa nangyayari sa buhay ko. I failed to notice the people who truly loves me."

"That's a natural reaction, Andrea. People tend to get angry when they are hurting. Defense mechanism iyon. I've been to the same situation before. Noong bago pa lang ang aksidente at pagkabulag ko, galit din ako sa lahat ng tao. Kahit parents ko ayoko makita. It took me a long time to finally calm down. I am sure your pain was bigger than mine. I just lost my vision. You lost a son."

Umiling si Andrea. Namamasa na ang kanyang mga mata. "Kaya bilib na bilib ako sa 'yo nang tumira ako sa penthouse mo, alam mo ba? Nakaranas ka ng trahedya pero araw-araw bumabangon ka at ino-overcome ang nangyari sa 'yo. I was attracted by your strong will and determination. Those were the qualities I did not have."

"You have them now," masuyong sabi ni Denver.

Tipid siyang ngumiti. "Kasi nakilala kita. Sa loob ng halos dalawang linggo na nakilala kita ng husto, na inspire mo ako. I think it was one of the reasons why I didn't guard my heart when it came to you. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog kahit na alam kong masasaktan ako kapag natapos na ang two weeks na napag-usapan namin ni Veronica. Sa isip ko, okay na ako sa memories. Babaunin ko na 'yon habambuhay. Pero may sinabi ang kapatid ko na nagpagising sa akin. Sabi niya, gusto ko ba raw mawala na naman sa akin ang taong importante sa akin? That moment I realized that I don't want to lose you, Denver. Dahil sa iyo nagkaroon ako ng will na mag move on at ayusin ang buhay ko. Dahil sa iyo ginusto ko uli maging masaya."

May kumislap na emosyon sa mga mata ng binata. Binitawan nito ang mga kamay niya para hawakan naman ang magkabilang side ng mukha niya. "I don't want to lose you too, Andrea. I hate the thought that you were alone and in pain for so many years. Hindi ko hahayaan na mapag-isa ka uli. I will not leave you until you get sick of me."

May init na humaplos sa puso niya. Lumawak ang ngiti niya. "I won't get sick of you. Mahal na mahal kaya kita. At sigurado ako na sa mga darating na araw, buwan at taon, mas titindi ang pagmamahal ko para sa 'yo. I will love you too much that you will be the one who will get sick of me."

"I won't. Never," mariing sagot ni Denver. Pinagtama nito ang kanilang mga paningin bago sinabing, "Because I love you, Andrea Lauzon."

SUBSTITUTE LOVER (R-18)Where stories live. Discover now