Chapter 4

3.6K 92 2
                                    

EUNICE POV

"Please don't!, tama na, tama na paki-usap!" umiiyak na paki-usap sa lalaking nakadagan sa akin habang hinahalikan ako sa leeg.

"Eunice, Eunice!"

Hingal na hingal akong napa-upo galing sa pagkakahiga at hinilamos ang palad sa mukha sabay iling "Hush" gulat kong naitulak ang taong biglang yumakap sa akin.

"It's me Venace" mahigpit ko siyang niyakap at umiyak, mahigit isang buwan na simula akong magising sa hospital, isang buwan na akong binabangungut, pa ulit-ulit na pumapasok sa utak ko lahat nangyari sa akin.

"Andito lang kami" naramdaman ko din ang yakap ng ibang mga kaibigan ko, nagpapasalamat ako dahil sinamahan nila ako at hindi iniwan. Bumitaw ako sa yakap nila at hinanap ang sleeping pills na nakatago sa drawer ko. The only thing that could help me para makatulog ako ng maayos, inabutan ako ng tubig ni Ethyl at ininom ang gamut at humiga sa kama.

"Good night" tumango ako bilang tugon and close my eyes. Kinabukasan tanghali na ako nagising naabutan ko na ang mga kaibigan na nag-iimpake ng mga gamit, babalik na kami sa mga bahay namin and I agree dahil ang dami nang nangyayari smula ng tumira ako sa condo.

"Tapos nanamin iligpit ang gamit mo, nag-iwan lang kami ng damit mo para ngayon" Ani ni venace sabay duro sa maleta malapit sa pinto.

"Thank you" inaantok ko pang ani, pumasok na ako sa banyo at humarap sa salamin, napabuntong hininga ako ng makita ang mukha sa salamin halatang wala akong maayos na tulog bumagsak din ang timbang ko.

Hinimas ko ang sugat sa palapulsuhan at napapikit ng muling maalala ang nangyari sa akin, naligo na ako at nagbihis papalabas na sana ako ng kwarto nang mapansin ang pag vibrate ng phone ko. Nahugot ko ang hininga ng mabasa ang pangalan ng taong nag padala sa akin ng mensahe.

FROM: DARK

Hi, meet me at this hotel ******** 7pm

To: Dark

K

Ibinulsa ko ang cellphone ko at lumabas, naghahain na nang pagkain ang mga kaibigan ko kaya umopo na ako at na una dahil gutom na gutom na ako. Pagkatapos kumain naglinis lang kami sa buong condo and make sure na wala kaming maiiwan at dala naming lahat ng gamit. Napasilip ako sa suot na relo, malapit na mag seven at hindi ko alam kung paano ako makakalusot sa mga kaibigan dahil simula nang mangyari hindi na nila ako pinapalabas ng walang kasama even dad hired a body guard but I refuse at pinatigil ko dahil hindi ako sanay na may nakasunod sa akin.

"Tara na" aya ni Grace, tumayo na kami at bumaba dala ang mga gamit, Isinakay ko ang gamit sa likod ng sasakyan pagkatapos lumapit sa tatlo.

"I need to go somewhere pero saglit lang ako" paalam ko sa kanila, kinunutan ako ng noo ni Venace

"Eunice hindi ka nga pwede muna umalis ng mag-isa, sasabayan ka na lang namin" kaagad akong umiling "Hindi na mauna na kayo, saglit lang ako at susunod kaagad I need to talk to someone" pangungumbinsi ko sa kanila.

"Hindi nga pwede Eunice, alam mo ang nangya-" "Alam ko, pangako mag-iingat ako at mag uupdate" puno ng ka desperaduhan ang boses ko. Umiling silang tatlo sa akin "Hindi" sagot nila, inis kung sinuklay ang buhok

"Kahit ngayon lang hayaan niyo muna ako I assure you na okay ako at susunod ako kaagad, Kailangan ko lang kausapin ang taong to, pasensya na sunod ako" hinagkan ko sila isa-isa

"Eunice" tawag nila sa akin, ngumiti ako bago pumasok sa sasakyan at umalis. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa elevator, I texted him na andito na ako, kaagad ko naman natanggap ang reply niya kalakip non ang numero ng kwarto. Ilang buwan kung hinintay ang message niya pero wala akong natanggap, madami akong tanong na siya lang ang makakasagot. Hindi ako nagkakamali na siya ang lalaking bumuhat sa akin, iniligtas niya ako kasama ng mga pinsan niya, ang huling boses nadinig ko and halik na ramdam ko pa hanggang ngayon. Alam kung hindi ako nanaginip, alam kung siya ang lalaking iyon. Parang may mga kabayong nagsisitakbuhan sa aking dibdib sa sobrang kaba, naglakad ako hanggang dulo at huminto sa isang pinto ilang minuto ko pang tinitigan ang door knob bago nakapag desisyon na pihitin ito at buksan.

Bloody Love/ Dark Montero series #2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon