CHAPTER 54

2.1K 103 12
                                    

EUNICE POV

Pa ikot-ikot si Eunice sa kanyang opisina habang nag-iisip ng kasunod na plano, muli niyang binalingan ng pansin ang ginawa niyang chart. Kung hindi niya mapalabas si Rhea sa pinagtataguan niya isa lang ang nasa isip niyang paraan. Mas lumapit pa si Eunice sa chart at pinagmasdan ang litrato ng isang lalaki.

Walang ibang tutulong sa taong nagigipit kundi ang sarili niyang pamilya "Lemuel Salvador" mahinang basa niya sa pangalan.

Pilit na umiiwas si Eunice na walang ibang madadamay na tao pero kung wala siyang gagawin hindi niya mahahanap si Haush. She grab her phone

"I need your help, bring king and Ice with you" utos niya kang Phiona, binaba niya ang tawag at minarkahan ang litrato ng lalaki.

Pagkaupo niya sa sofa ay ang pag ring naman ng cellphone niya, binasa niya ang caller and it's Reinver. Sinagot niya ang tawag pero hindi siya nagsalita

"What are you doing?" he asked, may nadidinig siyang mga ingay mula sa background ni Reinver.

Napatitig naman siya ulit sa chart "I'm looking for a great way para palabasin sa lungga si Rhea" sagot niya

"May problema ba?" tanong niya "Alam kung mahirap ang sitwasyon niyo ngayon, we already experience—

"Go straight to the point Reinver" usal niya habang nakapikit

"It maybe the right time na bumalik kana? Dark need you now, you need each other Eunice" biglang bumigat ang nararamdaman niya pagkatapos sabihin iyon ni Reinver.

Parang natamimi si Eunice dahil hindi niya alam ang isasagot "Eunice, alam ko gusto mo nang makasama si Dark wag mo pigilan ang sarili mo na makasama siya"

She took a deep sigh "Pag-iisipan ko" tanging nasabi niya, binaba niya ang tawag.

Tama nga naman ang sinabi ni Reinver, pero ayaw niya munang dumagdag sa problema ng asawa lalo ngayon na anak namin ang pinag-uusapan. Napatul ang pag-iisip ni Eunice nang bumukas ang pinto at isa-isang pumasok si Phiona, Ice, King, Ace and Synx.

"Gusto nilang sumama" saad ni Phiona, tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Eunice, masaya ang puso niyang nakita ang mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan.

Napatingin naman siya kang Synx na titig na titig sa kanya "Let's cut the drama, alam ko madami kaming explanation ni Phiona na gagawin pero hindi ito ang tamang panahon. Kailangan ko ng mahanap ang anak ko"'

Pina-upo niya muna ang mga ito "Dalhin niyo sa akin si Lemuel Salvador ngayong gabi, kung kayang pasukin ang bahay niya gawin niyo madala niyo lang siya sa akin ngayong gabi kung may humarang then don't hesitate to use your gun" seryusong sabi niya

"Teka, eh anong connection niya sa lahat nang nangyayari?" tanong ni Ice

Sumandal si Eunice sa pader habang nakatitig sa lima "Well, kapatid ni Rhea si lemuel, alam kung may alam siya kung saan nagtatago ang kapatid niya, walang ibang malalapitan si Rhwa kundi kapamilya niya dito sa Pilipinas" sagot ni Eunice

"Naliwanagan na ba kayo?" tanong niya, tumango naman ang lima sa kanya "Bring lemuel to me alive" may binigay siyang address bago sila umalis.

Binalik niya ang attention sa chart "Dahil ginambala mo buhay namin Rhea, gagambalain ko din ang buhay na meron ko simula sa kuya mo" sabay turo ni Eunice sa litrato

Bloody Love/ Dark Montero series #2 [Completed]Where stories live. Discover now