Chapter 23

2.3K 58 5
                                    


DARK POV

Napatitig siya sa asawa na himbing na natutulog sa kanyang braso, napaka inosente ng mukha nito kapag tulog parang walang problema na dinadala. Ngayon niya lang ito nakita ganito kahimbing matulog dahil simula ng mapunta sila sa Isla gabi-gabi niya na lang nadidinig ang ungol na sigaw niya, gabi-gabi pawis ang noo at para bang may nangyayari sa panaginip nito. He lean closed and kissed her forehead, tumalikod ito sa kanya at niyakap ang unan na nasa tabi nito. Dahan-dahan naman siyang umalis sa kama upang hindi ito magising at lumabas para lumanghap ng hangin, ang gaan sa dibdib kapag alam mo na may malaki siyang pag-asa na babalikan siya ulit ni Eunice na pwede nilang ibalik ang dati.

"No please!!" nagmamadali siyang bumalik sa silid at dinaluhan si Eunice na umiiyak na naka-upo sa kama habang yakap ang sarili. Hinawakan ko siya sa braso pero gulat niya akong sinuntok sa mukha

"Don't touch me!! layuan niyo ako!!! nagmamakaawa ako!!!" sigaw nito, ngayon niya lang nakitang ganito ang asawa na takot na takot.

"Mga walang hiya kayo!, mga hayop!" umiiyak na saad niya habang yakap ang sarili.

Lumuhod siya sa kama at pwersadong niyakap ang asawa, nagpapasag ito pero mas hinigpitan pa niya ang yakap "Shhh, it's me Dark" bulong niya "Everything will be alright" hinalikan niya ito sa ulo.

"Wala silang awa" umiiyak na saad nito. Masakit sa kanya na nadidinig at nakikitang umiiyak ang asawa dahil sa nakaraan nito, namuo ang galit sa puso niya sa mga taong gumawa nito sa asawa niya.

"It's okay" malumanay na bulong niya, ilang minuto pa bago ito kumalma at bumalik sa pagkakatulog. Dahan-dahan niya itong inihiga sa kama at kukumutan na sana ng mapansin niya ang peklat nito sa dibdib, ngayon lang niya ito nakita ng malapitan he trace the mark on the knife of her wife chest, he can say that the wound is deep.

Hindi niya maiwasan na maluha habang tinitigan ang peklat ng nakaraan ng asawa, he can't believe that Eunice could experience the kind of tragedy. Nangingnig ang kamay niyang kinumutan ang asawa at nahiga sa tabi nito, bigla naman itong gumilid paharap sa kanya at biglang yumakap.

Kina-umagahan nagising siyang wala ang asawa sa tabi, maayos na ang side ng kama nito kaya bumangon siya at hinanap sa banyo ngunit wala si Eunice, bumaba siya at baka nasa kusina kaso wala siyang nadatnan. Kinakabahan siyang lumabas and roam his eye on the area, he walk towards the sea shore and then she found her na paahon. Kunot noo naman itong napatingin sa kanya at nagtataka dahil siguro sa reaction na pinapakita niya.

"Chill Dark, hindi ako tatakas and look.... how can I escaped? I cant use any boat here" saad nito habang nagsusuot ng roba.

"So....you have planned?" tanong niya, pinanliitan siya ng mata ni Eunice "Yes, pero it was on the first day that I'm here pero ngayon wala, I might enjoy this little vacay with you. Balik na tayo sa loob gutom na ako" Eunice tap Dark chest with a smile on her face at na unang maglakad.

Pagkapasok nila ng bahay, tunog ng telephono ang bumungad sa kanila napalingun naman kaagad sa kanya si Eunice "Answer the call, bihis lang ako" ani nito bago umakyat.

Sinagot niya ang tawag at lumabas upang hindi madinig ni Eunice kung ano man ang pag-uusapan nila ni Reinver patungkol kang Alexander. After, he checked if okay na ang lahat sa falls. He's been planning to have a romantic date at the falls at andoon ngayon ang ilan sa mga pinsan niya to set the place, he received a message from Enzo na handa na ang lahat for tonight.

"Sino tumawag?" tanong ni Eunice sa kanya ng makababa "Reinver" tipid na sagot niya, hindi naman ito nag react at umopo sa opposite ng mesa para kumain.

Bloody Love/ Dark Montero series #2 [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu