TGWCC XIX- Win Or Lose

44 10 4
                                    

Hindi na ako nagsalita pa, nahalata ko naman sa mga titig sa akin ni Cath na labis ang pag-alala. Maaring iniisip niya ang kalagayan ko sa nasaksihan niya kanina. Tangina kasing puso to! Ang hina-hina!

Bumaba na kami at halata sa mga mata ni Coach ang inis dahil late na ako.

"You're late, Miss Trinidad. Proceed to the court. Ready na ang kalaban mo and you're 5 minutes late, " singhal niya sa akin.

"Sorry, coach." pagpaumanhin ko sakanya. Kinuha ko naman ang rocket na pinapahiram niya sa akin at pumunta na ako sa kabilang court. Ngayon ay grade 9 ang kalaban ko.

Kahit na medyo sumasama ang pag-hinga ko ay pinilit kong mag-laro. Alam kong masama na itong nangyayari sa akin dahil grabe na ang tibok nito kanina, buti na lang ay nakahinga pa ako at nakontrol ko pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Tinignan ko pa sila Cath na kasama sina Jack, Callix, Erin, Kael at Andrew. Nagtama pa ang paningin namin ni Jack na agad na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Bakit sa tuwing kay Jack ay bumibilis ang tibok ng puso ko? Iyong mga tuhod ko bigla bigla na lang nanghihina.

Hindi ko na alam kung sa sakit ko ba iyon o nang dahil lang talaga kay Jack.

Natapos ang laban at panalo ako. Hindi ko na rin inalala pa ang pangyayari kanina sa classroom nang hindi ako makahinga. Hindi ko na binanggit pa kila Kuya pati na din doon kila mommy at Daddy dahil late na sila naka uwi.

Kinabukasan ay ang closing remarks na nang Intramurals. In-announce ang mga panalo. Ang mga Coach sa bawat sports ang nag-aanounce kung sino ang panalo.

"First Runner up!!" Pagpapa-bitin naman ni Coach sa pag-announce kung si ang panalo. Alam naman namin na ako ang nanalo, sadyang iyong iba lang talaga na estudyante ang hindi nakakaalam.

"Si Sir, pabitin pa sa pag-announce alam naman natin na ikaw ang panalo," ani Cath na nasa tabi ko. hapon na at nandito na naman si Jack. Siguro ay nawala rin naman sa isip niya ang pangyayari kahapon at nagpapasalamat ako dahil walang nakahalata sa naramdaman kong masama kahapon.

"Wooooh! Graaaaade 11!" Sigaw nang karamihan sa mga estudyante na nasa loob ng court.

Kami kasi ay nasa labas na ng court kung saan ay hindi naman kami naiinitan ng sinag ng araw dahil nasa kabilang parte ng court ang mainit.

Ang dami dami pang pinasikot sikot ni Coach sa pag-announce kung sino ang panalo kaya nag-usap usap na muna kami nila Cath.

"Graabe! First time mong sumali pero 1st runner ka pa din, " bilib na salita ni Sharlaine sa akin.

"Eh 'di ba nga kasi ay naka abot siya ng Regional Level?" Nakangiting sambit ni Ruby. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila tungkol sa akin. Ang saya-saya ng puso ko at nakakataba ng puso ang mga sinasabi nila.

"As in wow Mau, graaabe! Kung natalo mo sana iyong grade 12 ay paniguradong ikaw ang panalo." Ani Sharlaine.

"And the 1st Runner up is ... Grade 11! Miss Cheska Maurice Trinidad!" Anunsyo ni Coach sa mic na agad namang sinabayan pa ng mga drum upang salubungin ang pag-announce niya nun.

Sumasabay pa sa malakas na timbol ng mga drum ang tibok ng puso ko.

"Mau ikaw na!" ani Sharlaine sa akin at walang katumbas ang kasiyahan ang makikita sa mata niya, sa mga mata nila.

"Yeeeey Congraaaats Maurice!" dagdag pa ni Ruby.

"Congrats Cheska Maurice!" ani Cath sa akin na nakangiti rin.

Hinawakan ko ang dibdib ko habang naglalakad ako papuntang stage ng court. Pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung napapraning na ba ako o ano, sumasabay kasi talaga iyon sa malakas na timbol ng mga drum.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Where stories live. Discover now