TGWCC XXIX- Mother's Love

40 3 0
                                    


"What are you saying?" Ani Ate Jeanne. "Baliw ka na ate, kung may problema ka sa asawa mo, huwag ka dito mag-eskandalo." Kalmadong tugon sa kaniya ni Ate Jeanne. Binalingan niya akong muli ng tingin at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Kausapin mo ako, Jeanne."

"Get out of here Ate if you don't have to say something important." Iritang sambit ni Ate Jeanne sa kaniya. "May sakit ang kapatid nati'ng bunso, huwag ka naman ganyan. Pwede niya'ng ikapahamak ang ginagawa mo! Alam mo'ng hindi pwede ang ganitong sigawan na ginagawa mo, pwedeng makaapekto sa puso niya!"

"I don't care! You're not my family!"

"What are you saying, Ate?" Ani Kuya.

Ano ba ang pinagsasabi ni Ate Raine? Masyadong magulo, masyadong maraming tanong ang nasa isip ko dahil sa pinag-sasabi niya.

Pilit ko muling pinapakalma ang puso ko pero bigo ako, masyado na akong nanghihina.

"At s--ino ang buntis?"

"Si Jeanne! Siya ang buntis, 'di ba?" Diretsong sambit nito, nakapikit na ako nang marahan at dumaing ng sobra sa sakit ng puso ko. Napapaiyak na naman akong muli dahil sa sakit, hindi ko na kaya.

"Mau!" Rinig kong tawag ni Daddy. "Ano ba ang nangyayari dito! Bakit sigaw kayo nang sigaw! Tingnan niyo ang itsura ng bunso!" Sigaw ni Daddy.

Naririnig ko na ang mga sinasabi nila pero masyado na akong mahina para maintindihan pa 'yon. Tanging puso ko na lang ang nasa isip ko.

"Mau, please calm down. Inhale... exhale... inhale... exhale..." pauli-ulit na tugon sa akin ni Daddy at ginawa ko naman 'yon.

Kahit may oxygen pang nakasalpak sa bibig ko ay tila hindi iyon gumagana dahil sa sobrang sakit at bilis na ng tibok ng puso ko. Parang tinutusok, hinahati at dinadaganan ang buo kong dibdib sa sobrang sakit, at ang tanging nagagawa ko na lang ay ang mapaluha at dumaing sa sobrang sakit.

Sa muli ay medyo kumalma na naman ang pakiramdam ko sa pinag-gawa sa akin ni Daddy na breath in and breath out. Masyadong masakit sa puso at para akong mamamatay sa pakiramdam. Bakit ba kasi sakit sa puso pa ako nagkaroon.

"Sino ang buntis!?" Narinig kong sigaw ni Mommy.

"Mom... I'm sorry, I didn't meant to do this. Sorry..." sambit ni Ate Jeanne.

So it was true? All my instinct are true that she's pregnant for the very first place?!

"I'm preganant My... Dy..." usal ni Ate Jeanne.

"See? Your daughter is pregnant!" Sambit ni Ate Raine at napakunot na lang  ang mga noo ko.

Bakit kung mag-salita siya sa amin ay tila hindi niya kami kapatid?

"Sino ang ama?" Tanong ni Daddy.

"Si Philip Poruño Raita, Daddy." Lumuluhang usal ni Ate Jeanne. Nakatayo na siya ngayon at nakatungo habang pumipigil ng hikbi.

"'Yung lalaking kasama mo dito noong isang araw?" Tanong naman ni Mommy at tumango naman si Ate Jeanne. "At ikaw naman, Raine. Anong problema mo? Rinig na rinig sa labas ang boses niyong nagsisigawan." Sambit ni Mommy habang bumaling kay Ate Raine.

Tila wala lang sa kaniya na buntis si Ate Jeanne kahit hindi pa kasal si Ate Jeanne doon sa lalaking 'yon.

"Alam mong may sakit sa puso si Mauricé at sa ginagawa mong pagsisigaw dito ay makakaapekto 'yun sa puso niya!" Dagdag pa nito at ang makikita ko sa kaniya ang galit sa mukha.

"Hon..." usal ni Daddy, pinapakalma si Mommy. "Let her explain."

"Ako na naman ba ang may kasalanan nang lahat? Huh!"

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt