TGWCC XXXIX- Meet and Greet

47 6 0
                                    

♡ Mauricé's POV ♡

"Okay lang ba kayo diyan?" Tanong ko sa kanila Cath na nakaupo sa round table.

Kasal na kasi nila Ate Jeanne at Kuya Philip. I can't accomodate them for awhile because I'm the Maid of Honor. Hindi rin ako masyadong pwedeng gumalaw dahil sa gown ko.

"Okay lang kami dito, itong jowa mo selos na selos." Ani Ruby habang napapangiti pa sa akin. Tiningnan ko si Jack at napangiti naman ito sa akin.

I invited my closed friends and classmates including Jack. Magiging boring kasi ako kapag wala man lang ako'ng maka-usap sa event nito. Mommy and Daddy told me also to invite my friends and so I did. I'm not that too close to my younger cousins, tapos ang mga bata naman na nandito ay mga pamangkin ko na.

Nasa hotel na rin kami ngayon, sa reception na pinili nila Ate after the wedding in church. They rented a hotel para hindi na rin mahirapan sa pag-asikaso ng mga bisita  at ang sa mga gagamitin sa reception, like the chairs, tables and also some waiters and servers of the food.

"Picture kayo ni Jack!" Ani Cath kaya napa-irap naman ako.

For sure, they will not stop on pursuing me and Jack to take a picture. Naka-gown pa naman ako na puti at siya ay naka-pants and blue polo siya na naka-tuck in. Nakatupi rin ang mga manggas no'n hanggang siko. He looks so handsome with his polo.

"Baka sa sunod, kayo naman ang ikasal." Ani Callix habang nakangiti ng nakakaloko.

Inirapan ko na lang ito. Baka makita ako nila Mommy and Daddy, ano pa ang isipin nila. I'm not yet introducing Jack to them as my suitor. Nakakatakot kaya! Baka mamaya ay ayaw naman nila kay Jack, knowing that Jack's father is a friend of Daddy.

"Kasal mong mukha mo," pag-aarte ko dito at saka tinarayan. Napangiti naman sila Erin.

"Sus! Deny pa nga Mauricé! Hindi pa kasi sagutin ng oo," ani Erin sa akin.

"Dali na! Picture na kayong dalawa!" Tugon ni Cath at saka pinatayo si Jack.

Nahihiya man si Jack pero tumayo naman kaagad ito.

"The groom and the bride!" Panunukso ni Sharlaine.

Ramdam ko na ang mainit na pisngi ko at ang mabilis na tibok nang puso ko dahil katabi ko na si Jack. Jack immediately lean his arms on my waist. Nahihiya man ako ay nagpa-picture na lang din ako.

Mommy and Daddy will definitely know the truth naman, especially Kuya knows about Jack's courting me.

Nang matapos naming mag-picture ni Jack ay  kami naman nila Cath sa table nila.

"Mauricé, kumain ka na doon, you need to take your medicine." Tawag sa akin ni Kuya kaya tumango ako sa kaniya.

Napabuntong hininga ako, nahospital na naman kasi ako last week dahil sa mabilis na tibok ng puso ko at hindi makahinga ng maayos.

Tumalikod na si Kuya sa akin at pumunta na siya sa table niya. 'Yung Best Man na partner ko ay kamag-anak ng lalaki, a cousin I guest. We're not close and I don't know him more.

"You're sick?"

Kaagad na tanong sa akin ni Jack ng malakaran ko ang gawi niya at hinigit ang braso ko.

Shucks! Bakit ba kasi sinabi ni Kuya na kailangan ko pang uminom nang gamot?

"Uh no. I have to go, guys. Picture na lang tayo mamaya sa booth," tugon ko sa kanila.

Tinanguan naman nila ako, buti na lang at hindi nila pinansin ang sinabi ni Kuya hindi katulad ni Jack.

Pumunta na ako sa table naming family. Nasa iisang table lang kami nila Mommy, Daddy, Kuya, Ate Raine and Kristine. Good thing that Ate Raine and Mommy is okay now. No hurt feelings.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Where stories live. Discover now