TGWCC XXV- Family Of Engineer

43 6 5
                                    

Naging tahimik ako sa byahe at ganoon rin siya. Nakonsensya tuloy ako sa kaniya, pero hindi niya talaga pwedeng malaman na may sakit ako at sa puso pa 'yon. Ayaw kong malaman niya dahil baka layuan niya ako, kahit pa tinataboy taboy ko siya. Alam ko sa sarili kong gusto ko talaga siya takot lang akong umamin.

"Dito ka na," tugon niya kaya nawala ang pag-lalayag ng isip ko. Nginitian niya pa ako pero alam kong pilit lang 'yon. Papapasukin ko pa ba siya o hindi na? Pero nakakahiya na 'yon sa kaniya, besides kilala naman siya nila Mommy and Daddy. "Hmm, Mau? Okay ka lang?" Nagulat na lang ako dahil winagayway niya pa ang kamay niya sa tapat ng mukha ko.

Natulala akong nakatingin sa kaniya! Baka kung ano na naman ang isipin nito, napaka-feelingero pa naman nito minsan!

"Ah-eh... Tara pasok ka muna sa bahay?" Uutal utal kong salita sa kaniya, tila lumiwanag naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Sabi na eh! Maling desisyon na naman 'yon Cheska Mauricé!

"Ahh wala bang magagalit?" Tanong niya bigla, nasa loob pa kaming parehas ng kotse. "What I mean, baka magalit ang parents mo na pupunta ako diyan? 'Di naman tayo classmates." Sambit niya, napaisip tuloy ako. Pero kasi naaya ko na siya!

"Hmm? Hindi 'yon, magkakilala naman ang parents natin, understood na 'yon." Sambit ko habang nakangiti ng pilit, hindi mapakali.

Agad agad siyang nag-park sa tapat ng bahay at kaagad ding bumaba ng kotse. Akala ko ay may kukunin lang siya o ano pero akmang bubuksan ko na ang pinto sa tapat ko ay pinagbuksan niya na ako.

"Thanks." Nahihiya pang usal ko. Maygaash Mauricé! Umayos ka!

"You're welcome, Mau." Pormal namang sagot niya, ramdam k ang init ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya. Akala ko pa nga ay tatawagin niya akong Baby Cheska. Nasanay na ata ako! Bawal masanay Mauricé, okay?! Those are just his friendly gestures! "Mabuti naisipan mong papasukin ako sa bahay mo? I just can't believe that a Cheska Mauricé will allow me to enter their house."

Sabi niya pa habang nagdo-doorbell ako sa gate, agad na lumabas si Ate Juana. Wala na ata sila Mommy at Daddy o kaya naman ay nasa kwarto lang si Kuya

. "Tara, pasok ka." Salita ko, halos pabulong na dahil nahihiya talaga ako. Natatakot din ako sa pwedeng sabihin nila Mommy kapag nalaman nilang may pinapasok ako sa bahay na hindi ko naman classmate at lalaki pa. "Ate, sino po ang nasa bahay?" Tanong ko dito nang makapasok kami sa bahay.

"'Yung Kuya mo lang, Mau. Nasa kwarto niya, nagrereview." Tugon nito sa akin, saka sinulyapan si Jack sa likod ko. Nilingon ko rin tuloy si Jack at panay ang gala ng paningin niya sa loob ng bahay, nang magtama ang tingin namin ay nginitian niya ako ng pagkatamis tamis. "Pero uuwi lang naman daw po kaagad ang Mommy niyo, may kaunting inasikaso sa opisina." Dagdag pa nito, tumango na lang ako.

"Upo ka muna." Tugon ko kay Jack, umalis na rin si Ate Juana at bumalik sa ginagawa niyang hindi ko naman alam, baka naglilinis.

Umupo si Jack sa long sofa at ako naman sa single sofa. Naiilang ako at hindi ko naman alam ang sasabihin. "Gusto mo ba ng juce, Jack?" Tanong ko dito, binalingan niya naman ako ng tingin.

"Huwag na, hiya pa ako sa'yo na mukhang prinsesa sa bahay niyo. Pagsisilbihan pa ang tarantadong katulad ko." Salita niya sa seryosong tono, parang may kumirot sa puso ko dahil sa pag-describe niya sa sarili niya. Napaka-harsh niya naman masyado! "Ahh sorry." Biglang salita niya, nginitian ko na lang.

"Teka lang, kuha na lang ako ng tubig. Bawal ka ng tumanggi." Sambit ko at kaagad na tumayo para kumuha ng baso ng tubig. Paglabas ko naman ng sofa ay saktong dating naman ni Mommy na mukhang haggard, pero maganda pa rin. "Oh Mommy... ahh si Jack po pala, My." Pakilala ko kay Jack kahit magkakilala naman sila.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Where stories live. Discover now