Chapter 12

1.3K 56 2
                                    

Jemimah Remington-Maxwell
NILAPITAN ni Jemimah ang asawang si Ethan na kasalukuyang kinakausap si Kevin Pascua tungkol sa mga dineliver na armas dito kani-kanina lang. Iyon pala ang ipinakiusap ni Ethan kay Kevin noon – mga armas na kinuha ni Kevin mula sa weaponry ng Philippine Army.
“Salamat,” wika ni Ethan kay Kevin. Tumango lang naman si Kevin, sumulyap sa kanya bago lumakad palayo.
Hinaplos ni Jemimah ang mga baril na nasa pahabang mesa. Kilala niya ang ilan sa mga iyon – Alpha Combat gun, Alpha Defender. May ilang .45 caliber pistols rin. Ang hawak-hawak ngayon ni Ethan ay isang Commando Assault Rifle.
“It’s like we’re going in a battle,” mahinang wika niya, may lungkot sa tinig.
Bumuntong-hininga si Ethan. “This is a battle, Jemimah. Kaya dapat lagi tayong nakahanda.” Ibinaba nito ang hawak na rifle para hawakan ang kamay niya. “Nakausap ko na si Marco tungkol kay Joshua.”
“Ano'ng sabi niya?”
“Ayos lang naman kay Marco. Sinabi niyang nakilala niya rin si Joshua noong nasa NBI pa siya, na isa nga si Joshua sa mga tinuruan ni Papa at itinuring na ring parang anak.” Umiling si Ethan. “Hindi ko lang maalala kung naipakilala ba siya sa amin noon ni Papa.”
Tumango-tango si Jemimah. “Malalaman na ni Joshua ang lugar na 'to kung gano'n?”
“No. We can exchange information elsewhere. At may kondisyon na si Joshua lang ang maaaring makaalam ng tungkol sa imbestigasyon natin. Their investigation in exchange to ours.”
Jemimah knew this was dangerous. Kahit na agent ng NBI si Joshua Sann, hindi pa rin madali na magpapasok pa ng ibang tao sa imbestigasyon nila. But they had no other choice. May kapalit naman ang lahat. At hindi nila alam kung hanggang saan na ang naabot ng imbestigasyon ng team ni Joshua. Posibleng may mga lead ang mga ito na makakatulong sa kanila.
Muling sinulyapan ni Jemimah ang mga baril na nasa mesa. “Ano'ng gagawin mo kapag nakaharap na natin si Jayden? At siya nga si Destroyer?” tanong niya.
Nakatitig lamang si Ethan sa kanya sa loob ng ilang sandali bago nito iniiwas ang tingin. “Hindi ko alam. The Destroyer killed my parents. Hindi ko alam kung ano'ng magagawa ko kapag nakaharap ko siya.”
Hinigpitan ni Jemimah ang pagkakahawak sa kamay ng asawa. “How do we destroy him, Ethan? This monster? This... devil? Kailangan ba nating maging katulad niya?”
Ibinalik ni Ethan ang tingin sa kanya pero hindi ito sumagot. Jemimah knew he was torn. Gusto nitong patayin si Destroyer pero ayaw maging isang halimaw.
Niyakap niya ang asawa. “I don’t want you to become one of them, Ethan. May iba pang paraan para maparusahan siya nang hindi nababahiran ng dugo ang mga kamay mo.”
Ginantihan ni Ethan ang yakap niya. “Hindi ko gustong masaktan ka, Jemimah. I will look for this monster. But if you got hurt because of him, I can’t promise not to kill him.”
Isinubsob ni Jemimah ang mukha sa dibdib ng asawa. “Patuloy akong makikipaglaban sa tabi mo, Ethan. I will be your support. I will do everything to control you.” Tumingala siya. “Let’s keep on fighting together. And together, we will win.”
Dinampian ng halik ni Ethan ang kanyang noo. “Thank you, Jemimah. For being with me. For being my strength.”
Ikinawit ni Jemimah ang mga braso sa leeg ng asawa at hinalikan ang mga labi nito. He kissed her back, passionately. Every time they were together like this, she forgot the rest.
Kaya hindi nila napansin na may nakalapit na pala sa kinatatayuan nila. Bahagya lang lumayo si Jemimah sa asawa nang makarinig ng pagtikhim. Nakita nila sina Mitchel at Douglas.
“Pasensiya na kung naabala namin kayo,” nakangising sabi ni Mitchel. “Galing kaming dalawa ni Douglas sa SCIU ipinatawag kami ng bagong Chief.”
“Bakit?” taong niya.
“May bagong kasong na-assign sa amin,” sagot ni Douglas. “Simula nang mawala kayo sa SCIU, naging normal na team na lang din kaming tatlo nina Paul at Mitchel doon. Ang bagong Chief na pumalit kay Ricardo de Chavez na ang nagbibigay ng mga kasong hahawakan namin. Hindi na si Director Morales. Iyon na rin ang inutos ni Chairman Gonzalvo.”
“Ayos lang ba 'yon kay Director Morales?” tanong ni Jemimah.
“Siguro,” sagot ni Mitchel. “The Chairman is still more powerful than the Director. Nagbago na rin naman lahat simula nang umalis kayo sa SCIU.”
“What case?” tanong ni Ethan. “Serial killing again?”
Umiling si Douglas. Inabot nito kay Ethan ang isang folder. “Just a murder case.”
Lumapit si Jemimah sa asawa para makibasa sa report na hawak nito. Tungkol iyon sa isang lalaking natagpuang patay sa isang river sa Manila.
“The victim was Efren Mortel,” ani Mitchel. “Isa siyang university professor sa Manila. He was poisoned and thrown in the river.”
Efren Mortel was forty-one years old. May dalawa itong anak pero wala ng asawa. Nakalagay sa autopsy report na poisoning ang cause of death. “Ricin,” usal ni Jemimah sa pangalan ng lason na nakita sa autopsy.
Sa pagkakaalam ni Jemimah, ang ricin ang deadliest poison sa mundo. Maka-inhale lamang niyon ay ikamamatay na. Though, sometimes it was used in medicinal purposes with proper handling. Nakalagay sa report na may nakita ring caffeine sa loob ng katawan ng biktima. Marahil ay inihalo sa kape ang lason.
“Puwede ba akong sumama sa investigation niyo kapag wala kaming ginagawa?” tanong ni Jemimah.
Ngumiti si Mitchel. “Of course. Kaya nga namin ipinakita 'yan sa inyo dahil gusto naming isang team pa rin tayo sa mag-iimbestiga ng mga murder cases. Kahit wala na kayo sa SCIU, alam kong hindi mababago ang kagustuhan ninyong maresolba ang mga krimen sa bansang ito.”
Napangiti na rin si Jemimah. Mitchel was right. Kahit noong nasa Ilocos siya para magtago sa buhay ng isang police officer, hindi pa rin napigilan ni Jemimah ang makisali sa isang investigation noon. This was their job. Hanggang sa may maitutulong, gagawin niya. Kailangan nilang mailabas ang katotohanan, mabigyan ng hustisya ang mga taong nangangailangan niyon.
“HULING nakita si Efren Mortel sa isang hotel dito sa Manila,” report ni Douglas sa mga nakalap nitong impormasyon. Sinabi nito ang pangalan ng hotel na hindi kalayuan sa restaurant na kinaroroonan nila. Kasama ni Jemimah sina Douglas at Paul sa pag-iimbestiga ngayong araw. Si Ethan at Mitchel kasi ay nakipagkita kay Joshua Sann para makipagpalit ng impormasyon sa Destroyer Case.
“Let’s go to that hotel,” ani Jemimah. Habang nasa loob ng sasakyan, pinag-aralan niya ang report case na hawak. “Nakalagay dito na nawawala ang hinliliit na daliri ng biktima.”
Tumango si Douglas. “It was freshly cut. Ibig sabihin ay ang killer ang gumawa niyan.”
“Hindi rin nakita ang daliri na kasama ng bangkay,” dugtong ni Paul. “Siguradong nasa possession iyon ng killer.”
Bakit naman iyon itatago ng killer? Kung simpleng murder lamang ito, nakakapagtaka. Unless this was the start of another serial killing case. Isinara ni Jemimah ang folder na hawak. Not again.
Pagkarating nila sa loob ng hotel ay agad na dumeretso sa front desk. Ipinakita ni Jemimah sa mga ito ang kanyang police badge. “Nandito kami dahil nalaman naming nag-check-in dito ang lalaking iniimbestigahan namin ang pagkamatay.” Sunod niyang ipinakita ang larawan ni Efren Mortel. “Nakikilala niyo ba siya?”
Sandali lang tiningnan ng babaeng receptionist ang larawan bago tumango. “May mga pulis ng nagtanong tungkol sa kanya.” Binuksan nito ang logbook na nasa harap bago inusod palapit sa kanila. “Madalas ang lalaking 'yan dito kasama ang isang babae.”
Siguro ay ang mga pulis na unang nag-respond ang tinutukoy ng babae. Tiningnan ni Jemimah ang logbook at nakita ang pangalan ni Efren Mortel na nag-check-in Martes ng hapon. Walang ibang pangalan doon pero nakasulat na dalawa ang gagamit sa hotel room na nirentahan.
“Can we check your CCTV footage last Tuesday?” tanong ni Jemimah.
Tumango ang babae at sinabing tatawagan ang isang staff na magdadala sa kanila sa control room. Pagkarating nila sa control room ay agad na pinag-aralan ang CCTV footage ng main lobby noong araw at oras na mag-check-in si Efren Mortel.
Nakita nila doon ang pagpasok ni Efren na may kasama ngang isang babae. Malinaw na nakikita sa footage ang mukha ng babae sa tingin niya ay malaki ang agwat ng edad kay Efren. Ilang oras lang ay nakita rin ang sabay na paglabas ng dalawa sa hotel.
“May CCTV rin ba sa parking lot?” tanong ni Jemimah sa staff na naroroon.
Tumango ang lalaki at hinanap ang CCTV footage na kailangan nila. Nakita nila doon ang pagpasok ni Efren at ng kasama nito sa isang Hyundai Accent. Inilista ni Jemimah ang plate number ng sasakyan.
Humarap siya kina Douglas. “Hindi dito ginawa ang krimen. Kailangan natin ang tulong ni Theia para makita ang CCTV footage ng bawat daan sa lugar na ito para malaman kung saan sila nagpunta pagkatapos.” Inabot ni Jemimah kay Douglas ang isang pilas ng notepad. “Alamin mo kung nasaan na ang sasakyang ito.”
Tumango naman si Douglas.
“Tatawagan ko si Theia,” ani Jemimah. “Magkita-kita na lang tayo sa penthouse namin ni Ethan. Malapit lang naman 'yon dito.” Matagal-tagal na rin mula nang gamitin nila ang penthouse na iyon. Tatawagan niya na lang din mamaya sina Ethan para ipaalam na nandoon sila.
Ibinalik niya ang tingin sa staff. “We want a copy of that footage,” utos ni Jemimah. Hahanapin nila sa database kung sino ang babaeng kasama ni Efren Mortel. Posibleng may alam ito sa nangyari sa lalaki. At posible rin na ito ang pumatay dito.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetWhere stories live. Discover now