Chapter 60

1.3K 68 4
                                    

Julius Magpantay
NAHIHIRAPANG naglakad papasok sa loob ng apartment niya sa Las Piñas si Julius. Napahawak siya sa tapat ng puso, paulit-ulit na minura sa isipan si Jayden Sullivan. He was born with a heart disease. Madalas na umaatake ang sakit kapag nasasaktan siya o nahihirapan.
Bumagsak na si Julius sa sahig, nakakaramdam ng pagkahilo. Kahit masakit ang katawan sa pambubugbog ni Jayden ay nagpumilit pa rin siyang makalayo sa lugar na iyon. Makapag-commute pabalik dito.
Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Julius bago sinubukang tumayo uli. Lumakad siya patungo sa loob ng isang kuwarto doon, palapit sa kamang naroroon kung saan nakahiga si Mae Latido.
Lumuhod si Julius sa gilid ng kama, tinitigan ang babaeng hindi makagalaw, tanging mga mata lamang. He gave her paralyzing medicine and kept her here. Girlfriend niya ito. Nagtiwala ito sa kanya kaya naririto ngayon.
“B-bakit ganoon, Mae?” tanong ni Julius. Madalas niyang kausapin ang babae kahit hindi naman ito makasagot. “Ginawa ko naman ang lahat para maibunton sa'yo ang lahat ng ebidensya. Pero... nahuli pa rin nila ako. Kung hindi ako nagkamali sa lalaking 'yon noon, magiging perpekto ang lahat.”
Ikinuyom ni Julius ang mga kamay. Kanina ay sinusubukan niyang tawagan si Destroyer para ipaalam ang pagtatraydor ni Jayden Sullivan pero hindi ito makontak. Siguro ay alam na nitong pinaghahanap din siya ng mga pulis.
Tumawa si Julius. “Wala nang halaga na itago pa kita. Wala nang halaga ang buhay mo, Mae. Wala na ring halaga ang buhay ko.” Kinuha niya sa bulsa ng jacket ang dalang injection na dapat ay ginamit sa babaeng hostage ni Jayden. “A-alam ba ang laman nito? Isa ito sa deadliest poison sa buong mundo. I cannot kill with my physical strength kaya dito lang ako kumakapit. Kalahati ang ituturok ko sa'yo. Kalahati ang sa akin.”
Sandaling pinakatitigan ni Julius si Mae, nakita ang pagtulo ng luha mula sa mata nito. Wala siyang nararamdamang kahit katiting na awa para sa babae. Simpleng paghihirap lamang ang nararanasan nito. Dapat pa nga itong magpasalamat dahil papatayin niya sa pinakamabilis na paraan.
Hinawakan ni Julius ang paralisadong kamay ni Mae. “Magkakasama rin naman tayo, Mae. Mahal mo ako, 'di ba? Kahit hindi kita mahal.” Binuksan niya ang takip ng injection.
Pero bago pa iyon mailapit kay Mae ay narinig ang malakas na kalabog sa labas. Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nang may sumipa doon. And then police came inside, pointing their guns at him.
Ang isa sa mga pulis ay mabilis na hinawakan ang kamay niyang may hawak na injection, ipinulupot iyon sa likuran. Then he pushed him to the floor.
Nakita ni Julius ang pagpasok ni Ethan Maxwell sa loob, kasama ang asawa nitong si Jemimah Maxwell na nagmamadaling lumapit sa kinahihigaan ni Mae.
“Mae,” sambit ng babae, niyugyog si Mae. “What did you do to her?!” galit na tanong nito sa kanya.
Malakas na napatawa si Julius, hindi sinagot ang babae. Lumuhod sa harapan niya si Ethan.
“You are under arrest, Julius Magpantay. Or should we call you Crow Overtaker?” sabi ng lalaki bago siya pinosasan.
Patuloy lang sa pagtawa si Julius hanggang sa sapilitan siyang patayuin ng mga ito at hilahin palabas ng kuwarto. He failed again. Dapat ay nagpakamatay na siya para ma-protektahan ang misyon nila. Pero sa loob ng puso ni Julius, ayaw niya pang mamatay. Hindi niya pa gustong sumuko. Hindi pa siya naririnig ng mundo.
NAKAUPO lamang si Julius sa loob ng interrogation room ng SCIU at nakatitig sa mga kamay na nakaposas. Nakaupo sa harapan niya si Mitchel Ramos – ang profiler ng team ng mga ito – nasa tabi nito si Jemimah Maxwell. Nakatayo lang naman sa isang sulok si Ethan Maxwell.
Iginalaw ni Julius ang prosthetic fingers. Tatlo doon ay sira na dahil sa paninipa ni Jayden Sullivan. Nag-igtingan ang kanyang mga panga. Hindi niya mapaniwalaan na natalo siya ng lalaking iyon. Kung siya ay mahina sa pisikal. Mahina naman ang isipan at emosyon ng lalaking iyon. Jayden Sullivan still had a heart. Isang bagay na wala dapat sa isang halimaw.
“Ikaw ang nagpadala sa amin ng package sa lugar na pinagtataguan ni Jayden Sullivan, tama ba?” narinig niyang tanong ni Jemimah.
“Pero napakabagal niyo,” sagot ni Julius, umismid. “Nahuli niyo sana siya.”
“May nakuha naman kami sa pagpunta doon,” sabi ni Jemimah. “Jayden left a phone. Nakasulat doon ang address mo sa Las Piñas kung saan ka namin nahuli.”
Kumuyom ang mga kamao ni Julius. Higit na nadaragdagan ang galit na nararamdaman niya para kay Sullivan. Kung naging mas malakas lamang siya, sana ay napatay niya na ito.
“Nandito ka ngayon dahil sa mga krimeng ginawa mo bilang Crow Overtaker,” sabi naman ni Mitchel. “Maging ang pagtatago mo kay Mae Latido, ang pagbibigay sa kanya ng gamot na nakapagparalisa sa katawan niya. Alam mong mabubulok ka na sa kulungan, Magpantay. At ang taong dahilan ng pagkahuli mo ay mismong kakampi mo.”
Tiningnan ni Julius ng masama si Mitchel pero hindi sumagot. Kailangan niya pa ring protektahan ang misyon nila. Para kay Destroyer.
“Isang licensed psychiatrist na serial killer,” umiiling na dagdag ni Mitchel. “Pinapatay mo ang mga biktima mo sa pamamagitan ng paglalagay ng kasinungalingan sa utak nila. You got them to kill someone and then kill themselves. Ikaw ang nagpatakbo sa website ni Crow Overtaker at pinilit mong ibunton ang sisi kay Mae Latido. It’s easy since she’s your girlfriend. At malamang na siya ang gumawa ng website para sa'yo.”
Nanatiling walang imik si Julius. Oo, tama ito. Si Mae nga ang pinakiusapan niyang gumawa ng website para sa kanya. At ito lang ang taong malapit sa kanya na puwede niyang gamitin para mapagbuntunan ng mga ebidensya. Pinalitan niya rin ang mga gamot nito para sa panic disorder ng mga gamot na makakapagparalisa sa katawan nito ng unti-unti. Iyon ang dahilan kaya madali niya itong nadukot, naitago. Mae trusted him too much.
Inalapag ni Jemimah sa mesa ang sampling bag na may lamang pocket knife. Sa kanya iyon. Ganoon din ang jar na puno ng mga hinliliit ng mga biktima niya. Gustong hawakan ni Julius ang garapon na iyon. That was his treasured possession. Bakit pinakialaman ng mga ito ang mga gamit niya?!
Isa-isang ipinatong din ni Jemimah sa mesa ang mga larawan ng naging biktima niya. Nakangiting pinagmasdan ni Julius ang mga iyon. He had killed a lot. Pero kulang pa rin iyon. Dapat ay mas binilisan niya ang pagpatay noong may panahon pa.
“Am I great?” tanong niya pa sa mga ito. “Mas marami akong napatay kaysa sa Jayden na 'yon.” Tumawa si Julius. “Ang mga taong ito, napakahina ng mga utak nila, napakahina ng mga puso nila. Napakadali ko lang silang napasunod. Lahat tayo ay may natutulog na halimaw sa loob natin. Kailangan lang 'yong gisingin. Ako ang gumagawa noon.”
“You’re insane,” narinig niyang sabi ni Jemimah, may galit sa mga mata.
“Insane?” Malakas na napatawa si Julius. “Are we talking about sanity now?” Pinanlakihan niya ng mga mata ang babae, ngumisi. “Hindi ko na maalala kung gaano katagal nang nawala sa akin iyon.”
“You... killed these people,” mariing sabi ni Jemimah. “At hindi ka man lang kakitaan ng kahit katiting na guilt?”
“I saved those people,” wika ni Julius, seryoso. “Sila pa rin ang nagdesisyon na sundin ako, na pumatay. Sila ang nagdesisyon na magpakamatay. Alam niyo ba kung bakit sila nagpakamatay? Walang nagsu-suicide dahil gusto nilang mamatay. Ginagawa nila iyon para matigil ang sakit.”
“Sakit?” tanong ni Mitchel. “Iyon din ba ang rason kaya gusto mong magpakamatay bago ka mahuli? Dahil hanggang ngayon ay nakakaramdam ka pa rin ng sakit at ibinubunton mo lang sa mundo?”
“Hindi nakikinig ang mundo sa mga katulad namin,” puno ng pait na sabi niya. “Kaya hindi niyo kami masisisi kung maghiganti kami sa lahat ng sakit na pinagdaanan namin.”
“But you failed, Magpantay,” sabi pa ni Mitchel. “And now this world you hated so much will judge you. Pero puwede mo pa ring iparinig sa iba kung ano'ng nangyari. Puwede pa ring mapagbayad ang mga taong gumawa sa'yo ng kasamaan.”
Ngumisi si Julius. “Wala na sila. Pinagbayad ko na sila noon pa. At hinding-hindi ko pagsisisihan iyon.” Ibinaba niya ang tingin sa mga artificial na daliri. Ito ang natitirang palatandaan ng kanyang nakaraan... ang dahilan kung bakit niya piniling maging halimaw...

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetDonde viven las historias. Descúbrelo ahora