Chapter 74

1.1K 71 3
                                    

Lauren Jacinto
HINDI tumitigil sa pagpatak ang mga luha ni Lauren habang nakatingin kay Jayden. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa mga tama ng bala nito para pigilan ang paglabas ng dugo. “N-no...” garalgal na bulong niya. “J-Jayden... p-please... n-no...”
Tumingin sa kanya si Jayden, namumungay na ang mga mata. Sinubukan nitong itaas ang isang kamay pero dahil sa panghihina ay ipinatong na lang sa kamay niyang nasa katawan nito.
“I...” nahihirapang wika ni Jayden. “B-bakit ka nandito?”
Marahas na ini-iling ni Lauren ang ulo, ang mga luha niya ay pumapatak na sa pisngi nito. “Huwag ka nang magsalita, Jayden.” Tumingin siya sa mga taong nasa paligid at humingi ng tulong. Kailangan madala kaagad sa ospital si Jayden. Hindi ito puwedeng mamatay.
“L-Lauren...” tawag pa sa kanya ni Jayden. Ibinalik niya ang tingin sa binatang nakatitig lamang sa kanya. “I... I w-want to... protect you. K-kahit... k-kahit alam kong... w-wala akong karapatan.”
Napahagulhol na ng iyak si Lauren. “S-stop talking. Puwede mong sabihin sa akin 'yan kapag... kapag magaling ka na.” Hinaplos niya ang pisngi ni Jayden. “Hindi mo ako iiwan, Jayden. Poprotektahan din kita.”
“H-hindi ako... karapat-dapat protektahan.” Napaubo na ang binata, may lumabas na dugo sa bibig. “I-it hurts. A-ayoko... a-ayoko pang mamamatay... G-gusto pa kitang makita... k-kaya... kaya binaril ko siya. I’m... j-just a pawn, you said. B-but a pawn can take down a king, Lauren.” Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang kamay. “I... I...”
Hindi na narinig ni Lauren ang gustong sabihin nang pumikit si Jayden. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang mga taong humihila sa kanya palayo sa lalaki. Hindi na siya nagpumiglas at hinayaan ang mga medics na makalapit dito.
D-don’t die, Jayden... d-don’t leave me... Nakaluhod na si Lauren habang walang tigil sa pag-iyak. God, please... d-don’t take him away from me... S-save him, please... s-save him...
Marami pa siyang gustong gawin kasama si Jayden. Marami pa siyang gustong ituro dito, ipaintindi. Gusto niya pang ipakita sa binata ang tunay na halaga ng buhay, ang tunay na kasiyahan.

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetWhere stories live. Discover now