Chapter 30

1.3K 69 6
                                    

Mitchel Ramos
MALUWANG na napangiti si Mitchel nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Katatapos niya lang makipag-usap sa head ng university kung saan part-time siyang nagtuturo noon para iabot ang resignation letter.
“Theia, sweetie,” bati niya sa girlfriend. “Namiss mo kaagad ako?”
“Anong oras ka ba uuwi?” tanong nito. He must be pouting as well. Oh, Mitchel wanted to see that.
“Pauwi na rin ako mamaya. Hihintayin ko lang sina Jemimah para sabay-sabay na kami.”
“Sige,” maikling sagot ni Theia.
“I love you,” pahabol pa ni Mitchel nang magpaalam ito. Wala naman siyang narinig na tugon at pinatayan na siya ng tawag. Naiiling siyang napatawa.
Palabas na siya ng isang building nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nalingunan niya ang isang babaeng tumatakbo palapit sa kanya.
“Mr. Ramos,” nakangiting bati ng babae, tumigil sa harapan niya.
Kumunot ang noo ni Mitchel.
“I’m Gabrielle Legaspi,” pagpapakilala nito. “Isa akong journalist na estudyante mo rin sa criminal psychology class mo sa university na ito. Nakausap ko ang isa sa mga professors at sinabi niya na hindi ka na raw magtuturo dito. Totoo ba 'yon?”
Ngumiti si Mitchel, tumango. “Nice to meet you, Gabrielle. At, oo, totoo 'yon.”
Napabuntong-hininga si Gabrielle. “Sayang naman. You’re a great professor. Minsan na rin kitang nakita sa DP News noon dahil kay Lauren.”
Pinakatitigan ni Mitchel ang babae. Gabrielle Legaspi. Ito marahil ang tinutukoy nina Jemimah na kaibigan ni Lauren Jacinto. “Hindi ko alam na nag-aaral ka pala dito,” aniya.
Tumango si Gabrielle. “Nakita ko rin dito noon sina Senior Inspector Jemimah. Mayroon silang iniimbestigahang kaso. Kasama mo siya sa team, 'di ba? Minsan kayong nai-kuwento ni Lauren sa akin noon.”
This woman had a cheerful personality but there some depth in her eyes. Like she was also reading the people around her. Like she was trying to get a story from them. Isa rin itong tao na palaging nakangiti pero madaling masaktan. But she seemed to be a very good friend. Iyon siguro ang dahilan kaya pinagkatiwalaan ito ni Lauren.
Tiningnan ni Gabrielle ang wristwatch na suot. “It’s lunchtime. Okay lang ba na i-treat kita ng pagkain? Hindi na kita magiging professor uli, marami pa naman akong natututunan sa class mo. May malapit na restaurant akong alam.”
Napatawa na si Mitchel pero pumayag din. Itetext niya na lang sina Jemimah kung nasaan sila.
Katapat lang ng university ang restaurant na tinutukoy ni Gabrielle. “Ano nga pala ang mga sinusulat mo?” naisipang itanong ni Mitchel sa babae. He was curious about this woman. He just couldn’t trust anyone who appears to be happy all the time.
“All sorts of things,” sagot ni Gabrielle habang kumakain. “I do articles, stories. Tungkol sa mga buhay ng tao. Sa nature ng mga tao. At kung anu-ano pa. Pero alam kong wala naman gaanong interesado sa ganoong mga bagay.” Lumabi pa ito.
“Hindi mo naman alam kung sino ang mga nakakabasa sa articles mo,” ani Mitchel. “Just do your best. Iyon lang naman ang magagawa natin.”
Ngumiti si Gabrielle pero ilang saglit lang ay may bumahid ng kalungkutan sa mga mata nito. “Iniimbestigahan niyo ang... ang Destroyer Case, 'di ba? Iyon ang dahilan kaya nawawala si Lauren. At... at nandoon ako noong nakita nina Senior Inspector ang mga itinatagong investigation ni Lauren sa bahay niya.” Tumingin ito sa kanya. “Si... si Jayden ba ang... ang dumukot sa kanya? Sasaktan ba siya ni Jayden?”
“Hindi ko alam, Gabrielle,” seryosong sagot ni Mitchel. “Wala akong masasabi tungkol diyan.”
Yumuko si Gabrielle. “Hindi ko pa rin maisip na masamang tao si Jayden. He’s so kind. Minsan nakakausap ko rin siya tungkol sa trabaho. He seems to be so dedicated in his job, in what he wants to accomplish.”
“Maraming maskara ang mga tao, Gabrielle. Hindi lahat ng inosente ay inosente nga. Hindi lahat ng mukhang hindi gagawa ng masama ay hindi nga gagawa ng masama. This world is filled with monsters masked as angels.”
Nag-angat ng tingin sa kanya si Gabrielle. Mahabang sandaling hindi ito nagsalita, nilalaro lang ng tinidor ang pagkain na nasa harap. “Pero alam kong hindi lahat ng halimaw ay ginustong maging halimaw sila, tama ba? Katulad ng sinasabi ng mga psychologists, ang mga halimaw na ito ay mga biktima rin. Hindi lang nila naipakita o nasabi sa mundo ang mga nangyari sa kanila.”
Pinakatitigan muli ni Mitchel ang babae. He was right at the depth in her eyes. Siguradong may mga nakikita ito na hindi nakikita ng iba. May mga pinaniniwalaan ito na hindi pinaniniwalaan ng iba. At base sa katatagan at paraan ng pagsasalita ni Gabrielle, hindi ito ang klase ng taong isusuko kaagad ang sariling paninindigan.
Napatigil sila sa pag-uusap nang maramdamang may lumapit sa kanilang table. Tumingala siya, nakita ang isang lalaki. Pero ganoon na lang ang pagkagulat ni Mitchel nang makilala si Hector Quintallan. Nakasuot ito ng itim na cap.
Ngumisi si Hector. Akmang tatayo si Mitchel pero natigilan nang maglabas ng baril ang lalaki, itinutok sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata, hindi makagalaw. Narinig pa ni Mitchel ang pagsinghap ni Gabrielle.
“Target confirmed,” wika ni Hector. At the same time he clicked the gun, a knife came flying and stabbed Hector’s right hand. Dahil doon ay bahagyang lumihis ang posisyon ng baril pero naramdaman pa rin ni Mitchel ang pagdaplis ng bala sa kaliwang balikat niya.
Sinubukang huwag indahin ni Mitchel ang sakit, mabilis na kumilos para lapitan si Gabrielle at humakbang palayo. Narinig nila ang malakas na pagsigaw ni Hector dahil sa kutsilyong tumarak sa kanang kamay nito. Pinilit nito iyong tanggalin.
Iginala ni Mitchel ang tingin sa buong restaurant. Kahit hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyayari ay pinilit niyang paganahin ng maayos ang isipan. Nagkakagulo na ang mga taong naroroon, nagtatakbuhan, tumatago sa ilalim ng mga mesa. Maging ang yakap niyang si Gabrielle ay umiiyak na rin sa takot.
Natuon ang paningin ni Mitchel isang parte ng restaurant kung saan doon nakatayo sina Ethan, Jemimah at Douglas. Malamang na kay Ethan nanggaling ang kutsilyong tumama sa kamay ni Hector Quintallan.
Naglabas ng mga baril sina Douglas at Jemimah, itinutok kay Hector. Pero mabilis na nakakilos ang lalaki at hinablot ang isang babaeng customer doon.
Itinapat ni Hector sa leeg ng babae ang hawak na pocket knife. “Ibaba niyo ang mga 'yan o mamamatay ang babaeng 'to,” pagbabanta nito.
Nakikita ni Mitchel ang galit na bumahid sa mukha nina Jemimah. Napangiwi siya. He knew he was bleeding. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon.
“Pakawalan mo siya, Hector,” wika ni Jemimah. “Makipag-usap ka sa amin ng maayos. Hindi ka masasaktan kung magiging kalmado ka.”
Ngumisi lang si Hector habang humahakbang paatras, patungo sa isa pang pinto palabas ng restaurant. “Hindi ako nakikipag-usap ng maayos,” wika nito. Ipinulupot ni Hector ang braso sa leeg ng babaeng humahagulhol na ng iyak, ang isa pang kamay na may hawak na kutsilyo ay lumipat sa parteng tiyan ng babae. “Hindi rin ako nagiging kalmado.”
Narinig nila ang pagsisigawan ng mga taong naroroon nang tuluyang isaksak ni Hector ang kutsilyo sa tiyan ng babaeng hostage. Pagkatapos niyon ay mabilis itong nagtatakbo palabas ng restaurant para tumakas.
Akmang hahabulin ito nina Jemimah nang pigilan ni Ethan. “Ako na ang hahabol sa kanya. Jemimah, Douglas, get that woman to the hospital fast. Ganoon din sina Mitchel.” Pagkatapos niyon ay mabilis nang tumakbo si Ethan palabas ng restaurant para habulin si Hector.
Hindi na naintindihan ni Mitchel ang sumunod na mga nangyari, maging ang sinasabi ni Jemimah na nakalapit na sa kanila. He almost died a while ago. Noong mga sandaling iyon ay mukha lang ni Theia ang kanyang nakikita. Hindi niya pa gustong mamatay. Hindi niya gustong iwan ang babae. Iyon ang mga kaisipang bumabalot sa kanya.
Target? Bakit? Bakit siya naging target ni Hector Quintallan? Bakit siya nito gustong patayin?

[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The HatchetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon