Happier

21 3 2
                                    

Title: Happier

Author: Blackpenxx / Daphne

Language: Tagalog

(One shot story)

" Sacrifice for the person you love, no matter how hard it is for you, atleast he/she is happy. "

------------------------------------------

"LOVE you every minute..every second.." kanta ng dalaga habang iniikot siya ng kasintahan niya saka pinalibot ang mga braso nito sa bewang niya. Ngumiti ang dalaga atsaka yumakap sa leeg ng binata saka lang pinatuloy niya ang pagkanta para sa kasintahan. "Love you everywhere and any moment.." tumatawa pa siya habang ang mga kaibigan nilang nakapalibot sa dance floor ay naghihiyawan at nagpalakpakan. "Always and forever i know--" pinindot niya ang tungki ng ilong ng kaniyang kasintahan na nakangiti lang na pinagmasdan siya."---i cant quit you cause, baby, youre the one, i dont know how" puno ng pagmamahal tinitigan niya ang binata.

"IN A WORLD DEVOID OF LIFE, YOU BRING COLOR !" sabay sabay kumanta ang mga baliw nilang kaibigan. Napatawa silang dalawa habang ang mga ito na ang kumakanta habang sila ay panay sayaw hanggang sa matapos ang love song nila.

Napangiti silang humarap sa mga kaibigan atsaka humalik naman ang binata sa kaniyang pisngi at ulo.

Napangiti siya sa ginawa nito.

"Thank you for coming everyone. This really means a lot." sabi niya para magpalakpakan ang nandoon. Pinagduldulan niya ang microphone sa bibig niya atsaka isa isang tinignan ang mga tao sa paligid, maging ang kaniyang ina na umiiyak na merong sayang ngiti sa labi ay tinitigan niya ng may pagmamahal dito. "Thank you so much for celebrating with us of our engagement party."

"Congrats sis!"

"Im so proud!"

"Makakaasawa ka na bes!"

"Godmother ako ah?"

"Meron na akong regalo sa inyong dalawa sa bahay. Congratulations na rin!" sambat ng mga kaibigan nilang lumalapit sa kanila sa dance floor. Halos ang mga nagbati doon sa kanila ay pinasasalamatan nilang magkasintahan hanggang sa tumuon ang atensyon ng dalaga sa babaeng nakatutok sa kaniyang mapapangasawa.

Hindi man niyang kayang ngumiti dito pero kinaya lang niya para hindi nito mahalata ng binata.

"Zen...congratulations.."anito na ikinalingon ng binata sa ex-girlfriend nito. Ramdam niya na natigilan ang kasintahan sa tabi niya. Lumunok pa naman.

"Wesley.."tawag nito sa babae.

"Zen.."tawag din nito sa binata.

Napakurap tuloy ang kasintahan "nakauwi ka na galing spain?"

Tumango ang kaharap "Oo, kaninang madaling araw. And since i heard that you are engaged..i stopped by and wanted to say congratulations.."

Nawalan tuloy siya ng ngiti ng pagmasdan ang dalawa na nakatitig. Hindi maaalis ang mga titig nila sa isa't isa na ikinasakit sa puso ng dalaga.

Sabi ko na nga ba..

Napangiwi siya atsaka lumayo sa dalawa ng walang pasabi sabi. Masakit pero ayos lang, sabi naman ni zen na mahal nito ang dalaga, wala ng iba. Baka meron lang sasabihin si wesley dito at hindi lang nito matuloy kasi meron siya sa tabi ng binata.

Napabuntong-hininga siya.

Trust your man, vesky.

Just...trust...your..man...

Short StoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin