Kabanata 3

200 22 18
                                    

Kabanata 3

Mabuti na lang at nagpasya sina Maza at Jodie na samahan akong pumunta rito sa coffee shop. Pakiramdam ko ay lalo lang sasama ang pakiramdam ko kapag umuwi ako sa bahay dahil t'yak na ang pagmumukha lang ni Satanas ang sasalubong sa'kin.

Naiisip kopa lang siya ay nang ngangalaiti na ako sa inis.

"What about let's try dating app? 'Di ba lahat ng successful marriage ay do'n nagsimula? Katulad ni Juls, malay mo mag work sa'tin." Suhestiyon ni Maza bago ininuman ang kape niya.

"Hindi naman lahat nagiging successful do'n. Try meeting people nalang kaya? Like sa mga bars and stuff, ayaw niyo 'yun, verbal connection?" Pag taliwas ni Jodie sa sinabi ni Maza.

Bahagyang kumunot ang noo, kakaisip. Simula kasi nang umupo kami rito ay hindi na natigil ang pag-uusap namin tungkol sa pagkakaroon ng bagong jowa. Actually, hindi naman ako atat magka-jowa gusto ko lang ng bagong taong paglalaruan.

After what happened between I and Marlon, ni hindi na sumagi sa isipan ko ang pagkakaroon ng seryosong relasyon. I mean, what's the point? Papasiyahin ka para iwan lang din sa huli? Gagawin kang special para durugin sa huli? My gosh! I'm so tired of that cycle!

"What do you think, Franki?" Tanong sa'kin ni Maza. Nawala tuloy ako sa pag-iiisip at saka siya tinignan.

"I don't know.." Walang gana kong sabi bago huminga ng malalim. Napagod ako sa pagupo, nilibot ko ang tingin sa kapaligiran.

Napa-ismid ako nang masilayan ang mag jowang naglalampungan sa katabing table namin. Yuck! Anong katangahan nanaman ito, sa coffee shop talaga maghaharutan. Mga hampas lumpang mukhang langgam.

"Anong I don't know?" Pagbalik ni Jodie sa sinabi ko.

Ipinatong ko ang parehong siko ko sa lamesa at saka inilagay ang mukha sa palad ko. Binaleng ko ang mukha ko sa mag jowa na nagkikilitian at halos mamula na sa kakatawa.

"Ewan koba sa mga tao dito, mag lalampungan na nga lang kailangan pang gawin sa public place." Napalakas ata ang boses ko dahil nagtama ang tingin namin nung chakang babae, mabuti na rin at nasa akin ang atensyon niya gusto ko talagang marinig niya ang mga sasabihin ko.

"Hindi niyo ba alam 'yung private love and being lowkey?" Sarkastiko kong tanong do'n sa chaka. Tinignan lang nila akong dalawa bago muling naghalikan.

"Ugh! Kadiri!" I said in frustration.

Inayos ko ang kamay at mukha ko bago inalis sakanila ang tingin. Nakakainis lang, e. Mukha silang isda na 'di mapakali sa timba, dikitan nang dikitan mga haliparot sa daan. Pathetic!

"Fuck! You are hilarious!" Maza burst a laugh. Inirapan ko siya bago pinaikot ang mata ko dahil sa inis.

Ayoko ngang umuwi dahil gusto kong iwasan ang inis pero pati ba naman dito sa coffee shop ay may kaiinisan ako, jusko take me Lord na lang. Humigop ako sa masarap at mainit kong kape bago pinagmasdan si Jodie. May kausap siya sa cellphone, nakangiti siya kaya paniguradong si Paulo ang kausap niya. Hays! Magjojowa all over my sight! Lubayan niyo ako!

Napaawang ang labi ko nang saktong pagtingin ko sa entrance door ay s'yang pumasok ang pamilyar na babae.

Nakaitim na jeans at naka-mustard hoodie. Hindi maalis ang tingin ko rito hanggang sa makarating siya sa counter. Deretso ang lakad at ni hindi man lang lumilingon kung saan. Nakapasok ang isang kamay sa pocket ng hoodie jacket habang ang isa ay nagtuturo ng kape mula sa menu display.

"Franki?"

"Wiwowiwo." Lumalabo't lumilinaw ang paningin ko kada taas baba ng kamay ni Maza sa harap ng mukha ko.

the loving [ MH series #2 ]Where stories live. Discover now