Kabanata 6

176 19 9
                                    

Kaliwa't kanan ang hiyawan ng mga stupidents dito. Ngunit kahit dumagundong ang lakas ng sigaw nila ay tila ba'y wala akong naririnig kun'di ang tibok at kabog ng sariling dibdib.

Hindi ako nag alis tingin sa babaeng pinipilahan ng lahat. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa 'di malamang dahilan. Ang kanyang mga titig ay sadyang nagdudulot ng kaba sa buong katawan ko. Napahigpit ang hawak ko sa chanel bag bago nagtangkang lumakad papalit ngunit napahinto ako nang mapadpad siya sa harapan ko. Kung paano siya nakakilos nang ganoon kabilis ay wala akong ideya.

"Ako ulit." Aniya bago inayos ang buhok sa gilid ng tainga.

Lalo pa akong nalito nang tuluyan siyang lumapit at pinagmasdan ang dibdib ko. "Bakit wala kang suot na I.D?" Pabulong na aniya.

Nahugot ko ang hininga, tila aatake ang aking hika. "Nakalimutan ko..." napapapikit kong sabi.

"What are you doing here?"

Galit ba siya? Nanginig agad ang tuhod ko nang magtama ang paningin namin. "Ano..." hindi ko nakayanang sumagot, masyado akong nanghihina.

"What?" Noon pa lang ay parang nauubos na ang pasensya niya.

"I just s—"

"Hi, Ms. Diana! Oh my gosh, you're so pretty pala sa malapitan. Can we take a picture, please?" Isang atribidang stupident ang humarang sa harapan ko dahilan para matakpan ako.

Diana? 'Yan lang pala ang pangalan niya, ilang araw akong nawala sa sarili kakaisip lang sa kung anong pangalan niya tapos sa isang stupident ko lang pala maririnig, pathetic!

"Sure." Malalim na tugon nito sa chakang babae na kung tumili akala mo'y wala nang bukas.

Todo kapit pa 'yung babae sa balikat no'ng Diana habang nagta-take ng picture sa samsung n'yang cellphone. Really, samsung? Hindi ba uso sakanya 'yung IPhone, how poor and pathetic!

"Thank you, Ms. Diana." Todong ngiti 'yung babae bago yumuko sa harap ni Diana.

"Alisin mona 'yung Miss, Diana na lang." Kalmado at mabait na sagot nito bago binigyan ng isang ngiti 'yung stupident.

Halos magwala na ito sa kilig bago tuluyang umalis sa harapan ko. Sa wakas ay nakalapit na ulit ako sa pwesto ni Diana. Hindi na siya nakatingin sa'kin bagkus nakangiti siya sa mga nakapila.

"So, Diana pala." May pagka sungit ang tono ng boses ko.

Sinulyapan niya lang ako bago muling nagbalik tingin sa mga stupidents na nagpapapansin sakanya.

Gano'n gano'n na lang ay nawala lahat ng kaba sa katawan ko at napalitan ito ng inis at pagka-arte. Pakiramdam ko ay nagbabalik na ang totong Frances Margaret Russell.

"How dare you to neglect me that easy!" Pasigaw kong sabi na may pagkahalong inis. Kinakausap ko kasi siya tapos iiwasan niya lang ako ng tingin? Aba! Hindi p'wede 'yun!

"And who are you to complain?" Kalmado ang boses nitong humarap sa'kin.

Napatigil ako sa isinagot niya. Hindi ko talaga siya maidikta. Lahat ng mga sinasabi niya ay malayo sa inaakala ko. Siya lang ang taong nakakayanan akong barahin dahilan para matigil ako sa pag sagot.

"Naku! Huwag mo siyang sagutin, Ms. Diana. Siya ang apo ng may ari nitong school natin!" Sumabat ang isang stupident, hindi ko kilala kung sino siya pero mukha siyang nerd dahil sa laki ng eye glasses na suot niya.

Umirap ako sa pag aakalang lumalamang na ako kay Diana. Saglit niyang binaling ang tingin sa stupident na nagsalita bago nagbalik tingin sa'kin. Nagtaas kilay ako saktong pagtama ng mga mata namin.

the loving [ MH series #2 ]Where stories live. Discover now