Kabanata 4

211 20 35
                                    

Kabanata 4

Pagkatapos ng ilang araw, hindi parin ako makapaniwala. Namumugto ang mga mata ko habang tinitignan kung paano kabilis ang kamay ni Jodie habang naglalaro ng ML sa cellphone niya. Panay ang iyak ko ngunit mas grabe ang hagulhol ni Maza.

Kahit noong sa labas pa lang ng coffee shop ay halos magunaw na ang mundo ko. Niyakap ko ang braso ni Maza, nanginginig ang balikat niya.

"Hindi mo naman ako kailangang sabayan sa pagdra-drama. Naaawa na ako sa'yo, ang pangit mopa lang umiyak." Tumatawa habang umiiyak, ganito kami ni Maza ngayon.

"It's not because of you nor that hoodie girl, fuck!" She sobbed, "Hindi ako ni-swipe right no'ng fafi sa tinder, argh! Am I not enough? Kapalit-palit ba ako?" Ginaya niya pa ang linya sa palabas ng LizQuen. Dahil do'n ay awtomatikong lumayo ang katawan ko sakanya.

"Oo, Maza. Pangit kana, pangit at kapalit-palit. Hindi ka rin enough kaya walang pumipili sa'yo."

Napahawak siya sa dibdib niya, nagsimulang mas humagulhol sa sakit nang sinabi ko. Imbis na matuloy ang iyak ko ay bigla itong umurong dahil sa inasal niya.

Tumayo ako at tangkang lalabas sa kwarto ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Satanas. May dalang tray na puno ng mga paborito kong sweet snacks.

"Margarita, kumain kana nga. Ilang araw monang tinatanggihan ang umagahan mo, hindi maganda 'yan sa kalusugan." Pinunasan ko ang mata ko bago siya inirapan.

"Wala kang pake! Hindi kita kaano-ano para pangaralan ako, umalis ka nga d'yan sa daanan ko! Ang pangit mong harang!" Sita ko rito bago lagpasan, hinawi kopa ang buhok ko para tamaan ang malapad niyang mukha.

"At saan ka pupunta, aber?" Hinila ako ni Satanas at pilit na iniharap sakanya, "Hindi ka maaaring lumabas sa bahay na'to hanggat hindi ka kumakain at saka may pasok na kayo bukas, saan kapa pupunta n'yan?" Sabi ni Satanas; Ang atribidang mayordome na kung umasta kala mo siya ang amo.

"Saan pa nga ba? Edi sa pinanggalingan mo." Sarkastiko kong tugon bago nag crossed arms.

"Saan naman 'yan?" Kunot-noong tanong niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakakatawa ang mukha niya, pilit na pinapaputi ang mukha at hinahayang maitim ang buong katawan. Ang laki ng eye balls niya at ang itim ng ilalim nito, hindi mapula ang kanyang labi dahil ito ay maitim sing itim ng budhi at gilagid niya.

"Sa hell, do'n ka nanggaling tapos hindi mo alam?" I flip my hair before turning my back.

Hindi kona kayang sikmurain ang pagmumukha niya, baka mahimatay ako sa sobrang kapangitan. Hindi ko kaya. Narinig kopa siyang nagsalita bago ako tuluyang makababa, "Susumbong talaga kita sa mommy mo kapag umuwi siya." Ah! As if naman gagana sa'kin 'yung pananakot niya. Sana naman mas galingan niya sa susunod para hindi ako makapalag.

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Himala ni isa ay walang bumati at humarang sa daanan ko. Siguro ay naka-off ang lima pa naming maid. Hays! Sana si Satanas na lang ang nag off edi sana ang payapa ng mundo ko.

Hindi na ako uminom ng tubig bagkus kinuha ko 'yung black tumbler ko at saka ito binitbit hanggang sa garahe.

"Ms. Frances, saan po ang punta ninyo?" Salubong na tanong ni Manong Sic.

"None of your business." Nilagpasan ko siya pati ang kotse na nasa harapan. Wala naman akong balak na magpahatid pa sakanya, gusto kong maglakad mag-isa.

Simula kasi noong namatay si daddy, walking serves as my tranquil. Kapag sobrang bigat na ng nararamdaman ko at pakiramdam ko ay hindi kona kaya, naglalakad ako dito sa subdivision namin. Tahimik, sobrang tahimik sa tuwing dadaan ako rito. Itong bagay na'to ang nagpapakalma sa nagwawala kong puso. Hindi ko kailangan ng sinuman, ang katahimikan at kapayapaan ay sapat na para sa akin.

the loving [ MH series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon