Kabanata 5

204 22 31
                                    

Kabanata 5

Buong gabi akong tulala at hindi maka-usap. Hindi naman na nagtaka si Satanas at hinayaan na lang akong magkulong sa kwarto ko. Sila Maza at Jodie naman ay panay chat sa'kin kagabi, pinatulog ko kasi sila sa kwarto ni Mama.

Ayoko muna ng kasama. Pakiramdam ko ay sasabog na'ko ng tuluyan kapag nakakita pa ako ng mukha. Ayoko nga sanang pumasok ngayon kahit first day of school kaso hindi naman p'wede, t'yak na isusumbong lang ako ni Satanas kay mommy. Hindi naman sa natatakot ako, ayoko lang namais-stress si mommy. Andami niya na ngang iniintindi dadagdag paba ako, 'wag na lang.

"What the fuck is that?" Nagsalubong ang kilay ni Maza saktong pagbukas ko ng pinto.
Tinignan ko ang damit ko na tinitignan nila. I'm wearing a chanel dress, Jennie inspired pa 'to.

"Oh?" Masungit kong sabi bago tuluyang lumabas at isinara ang pinto.

"First day of class and you're wearing a chanel dress?" Nakangusong tanong ni Maza.

Awtomatiko akong napairap sa inasal nito. Ano namang pake niya, e, ito ang gusto kong suotin. If she's worried about the school law then I don't give a shit. Gumawa gawa pa kasi na law na sa first day ng pasukan ay dapat puting t-shirt lang ang isusuot. Ano kami, makikipag lamay?

"Laws in school are important, my dear." Dagdag ni Jodie habang nakatuon sa cellphone niya, syempre naglalaro nanaman 'yan wala naman ng bago sakanya.

"Alam mo para kang 'yung babaeng naka-hoodie, masyado n'yong mahal 'yung law." Iritado kong saad, naalala ko nanaman tuloy 'yung babae na'yun.

"Huh? Wait...nagkita ulit kayo?" Pag puna ni Maza sa sinabi ko kaya agad akong umiling. Ayoko ngang malaman nila na nakikipagusap ako sa kung sino, saka hindi pa naman ako sigurado kung iisang tao lang ba 'yun.

"Laws important, feat. two." Pag papapansin ni Jodie.

"Yes, but I am more important than that law." Minata ko sila mula ulo hanggang paa. Nakaputi ang mga gaga, pinaresan pa nila ng japanesse skirt nagmukha tuloy silang mga haponesang hilaw.

"At baka nakakalimutan niyo na naka pangalan sa'kin ang school na tinutukoy niyo." Hinawi ko ang buhok ko sakto para tamaan ang isa sakanila. Nilagpasan ko sila at saka deretsong bumaba sa hagdan. Ramdam ko naman ang pagsunod nila sa inggay ba naman nang paghakbang ni Maza.

"Ano 'yan, Margarita?" Salubong ni Satanas saktong pagbaba namin ng hagdan.

Aba! Ang lakas ng loob niyang tawagin ako sa ngalan na pang-asar niya. Ito ang pinaka-ayoko sa umaga, ang makita siya. Ang lakas talaga ng masamang hangin na dulot niya sa'kin. Makikita kopa lang siya e nababanas na ako, ngayon pa kayang kinakausap niya nanaman ako.

"Margarita? Is that kind of palaman?" Seryoso pang tanong ni Jodie nang sulyapan si Satanas.

"Margarine 'yun, Joe." Sarkastikong sagot sakanya ni Maz at nagsimula na silang magpalitan ng irap. Napairap na din ako kay Satanas bago bumamewang sa harapan niya.

"Ano nanaman 'yun, Amore?" Hindi kayo nagkakamali, dahil ang satanas na'yun ay may pangalan. Hindi nga bagay sa pagkatao niya ang pangalang naibigay sakanya. Amore? Hindi siya mukhang pag-ibig, kung magiging pag-ibig man s'ya siguradong durog na pag-ibig 'yun.

"Bakit hindi ka nakasuot ng puting damit? First day of school niyo ngayon, mahigpit ang batas na ipinatupad ng lolo mo. Sa'yo pa naman ipinangalan ang paaralan, tapos ikaw din ang unang susuway sa batas?" Taas kilay nitong saway sa'kin. Bumawemang din siya at inaral ang buong katawan ko.

"Tama ka, sa'kin nga ipinangalan at hindi sa'yo. Kaya wala kang karapatan na pangaralan ako, sino ka nga ba ulit? Ikaw lang naman ang nagiisang satanas sa buhay ko. Malapad at pangit na satanas, p'wede ba! Tumabi ka sa dadaanan ko!" Sahol ko sakanya bago sinadyang banggain ang braso niya ngunit sa taba niya ay hindi man lang ito nagalaw.

the loving [ MH series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon