CHAPTER 6 :

30 5 6
                                    

BELLA P.O.V

~2 DAYS LATER~

Ngayon na ang last day ni Dexter sa ospital. Tumulong ako sa pag-ayos ng gamit nya at inayos ko na rin ang mga gamit ko.

"Bago ako umuwi, ihahatid muna kita sa inyo tapos magpalit ka ng damit. Gumala muna tayo" sabi ni Dexter kaya napalingon ako

"Gumala?"

"Oo. Think of it as my thanks for you"

"Ok. Sige"

Nang matapos kaming mag-ayos ay binuhat ni Dexter yung bag ko. Lumabas na kami tapos binayaran nya yung hospital bills.

~~

Tinawag ni Dexter yung driver nya at dumating na sya agad.

"Ihatid po muna sya sa bahay nila" sabi ni Dexter tapos tumango lang ang driver nya.

~~

Nakarating na kami sa harap ng gate ng bahay namin.

Kinuha ko yung bag ko tapos bumaba ako mag-isa.

Pumasok ako sa bahay at nakita ko si lola na nakaupo sa sofa sa sala habang nagbabasa ng dyaryo.

"Oh! Apo. Ngayon ka pala makakauwi" sabi ni lola at lumapit ako para mag-mano.

"Opo, lola eh"

"Kumain ka na ba? Ipagluluto kita"

"Wag na po lola. Kayo po ba, kumain na po ba kayo?"

"Oo apo, wag mo akong alalahanin"

"Mabuti naman po. La, andyan pa po kasi yung kaibigan ko sa labas. Yung binantayan ko po sa ospital. Eh, niyaya nya po ako kasi gusto daw po nyang magpasalamat. Pwede po ba?"

"Oo naman apo. Sige"

"Sige po. Salamat po" sabi ko habang ngumiti.

Pumasok na ko sa kwarto at inayos muna ang mga damit ko na nasa bag ko.

Ano bang mali sa suot ko? Maganda naman eh! T-shirt at black pants. Hays! Kailangan talaga maganda suot kapag gagala?

Binuksan ko ang drawer ko tapos naghanap na ng magandang susuotin.

"Onti lang ang magandang damit ko eh..." sabi ko tapos naghalungkat na.

Naisip ko naman ang suot ni Dexter. Naka black and white stripes polo shirt sya na may white t-shirt sa loob tapos black pants.

Naghanap ako ng damit ko na may stripes din para matchy-matchy kami.

Maya-maya ay may nahanap ako kaso fitted cropped sando top sya.

"Teka nga! Bat ba matchy-matchy gusto ko? Hindi naman kami magjowa" sabi ko sarili ko kaya binitawan ko yung nahanap ko.

Naghanap ako ng iba pero wala na akong mahanap na magandang susuotin kaya naisipan ko na yun nalang ang suotin ko.

Sinuot ko yun at black pants. Kinuha ko din yung shoulder bag ko tapos nilagay ko dun ung wallet at cellphone ko.

Tinanggal ako tali ko na naka-bun. Kulat ngayon ang buhok ko. Sinuot ko ngayon ang salamin ko kasi hindi ko pa nalilinis ang contact lenses ko. Nag-blush on ako at light liptint.

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako.

Nagpaalam narin ako kay lola.

Lumabas na ako at binuksan ang pinto ng sasakyan ni Dexter.

THE FORGOTTEN LOVEWhere stories live. Discover now