CHAPTER 19 :

23 5 0
                                    

DEXTER P.O.V

Nang masanay na sila sa pagdadrive ni Bella, kumalma na sila at binitawan na ang grab handles.

"Marunong ka nga talagang mag-drive" sabi ni Rizelle tapos tumango si Bella

Maya-maya, nakarating na kami sa Burnham at naghanap ng pwede naming parkingan.

Nang makahanap kami, nag-park na si Bella tapos bumaba na kami.

"Hello Baguio" sabi ni Alex.

Nang ma-lock na uli ni Bella yung sasakyan, lumapit na sya sakin tapos hinawakan ko uli yung kamay nya.

"Tara" sabi nya kaya nag-lakad na kami papunta sa Burnham Park.

"Magboboat ba tayo?" tanong ni Henry

"Dapat!" sagot ni Rizelle

"Yung swan o yung isang boat na lahat tayo nakasakay na?" tanong ni Alex

"Yung malaking boat nalang para makatipid tayo" suggestion ni Bella

"Bella, nakalimutan mo atang mayayaman ang kasama mo" singit ni Henry tapos tinitigan si Bella

"S-suggestion lang naman eh" sagot ni Bella

"Well, your suggestion sucks" sabi pa ni Henry tapos nag-roll eyes

"Bakit ba inis na inis ka kay Bella?" tanong ko kay Henry pero ngumisi lang sya

Nilapitan ko sya tapos hinawakan ng mahigpit yung collar nya. Bigla naman kaming inawat ni Bella.

"Henry, Dexter. Ano ba? Dapat masaya tayo oh" sabi nya tapos binitawan ko na yung collar nya.

"Magbati na nga kayo. Baka kung san pa mapunta yang awayan nyo" sabi ni Rizelle

"Sorry" mahinang sabi ni Henry

"Ano?" sabi ko

"Sorry" nilakasan nya ang sagot nya

"Sorry din" sincere na sinabi ko

"Good. Tara na" sabi ni Rizelle tapos naglakad na kami papunta sa pila para makasakay sa bangka.

~~

Pumila na kami at nang kami na, tinanong na ni Rizelle kung magkano yung bangka na pwede ang anim na tao.

"300 po. 50 per person" sagot ng bangkero tapos kumuha na ng pera si Rizelle sa wallet nya tapos nagbayad na.

"Dito po" sabi ni bangkero tapos pinapunta kami sa sakayan ng bangka.

Naunang sumakay si Alex tapos inalalayan nya si Rizelle. Sumunod naman si Henry tapos inalalayan nya si Katey. Ako naman ang sumunod tapos inalalayan ko sa pag-sakay si Bella.

Nang maka-upo na si Bella, may binulong ako sakanya.

"Babe, suotin mo nga yang denim jacket mo" bulong ko

"Bakit? Hindi pa naman ako nilalamig eh"

"Pag sinuot mo na, sasabihin ko sayo kung bakit" sabi ko kaya agad na sinuot yun ni Bella

"Oh bakit?"

"Yung bangkero kasi nakatingin sa likod pati dibdib mo" sagot ko tapos tumawa sya

"Bat ka tumatawa? Gusto mo ba na ibigay nalang kita sakanya?" sabi ko tapos niyakap nya yung isa kong braso

"Luh. Ikaw lang gusto ko noh" sagot niya tapos nginitian ako kaya nginitian ko nalang sya.

THE FORGOTTEN LOVEWhere stories live. Discover now