CHAPTER 35 :

28 4 0
                                    

RIZELLE P.O.V

Pumunta ako sa cafe at umorder ng iced coffee at isang slice ng mousse cake. Umupo ako sa isang vacant seat at kumain don. Nilabas ko rin ang laptop ko at nag-practice mag ayos ng documents dahil sabi ni mommy na malapit na daw akong magtrabaho sa company namin.

~~

Maya-maya ay napadaan ako sa isang article kaya binasa ko ito.

"The daughter of the NK Company, Autumn Smith, will be married to the son of the famous company in the Philippines, Henry Alvarez. The wedding will take place in the Philippines. It will also be on live since, the only one who can attend are their relatives, friends, and coworkers." ang nabasa ko sa headline.

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang pangalan ni Henry don.

Nag-ligpit agad ako at nag-drive pauwi. 

Gabi na ako nakarating dahil traffic bandang 5:30pm.

"San ka galing?" tanong sakin ni Alex

"Cafe. Tawagin mo si Katey kasi may pag-uusapan tayo" sabi ko tapos agad na tinawag ni Alex si Katey.

Pumunta kaming tatlo sa dining room at umupo don.

"Bakit? May problema ba?" tanong ni Alex

"Napaka-laki ng problema" sabi ko

"Ano yon?" tanong ni Katey

"Andito ba si Henry?" tanong ko

"Wala. Umalis kanina" sabi ni Alex

"Ahh ok" sabi ko

"So? Ano nga?" tanong ni Katey tapos binuksan ko ang laptop ko at hinanap ang article na nabasa ko.

"Ito oh, basahin nyo" sabi ko tapos pinakita ko sakanila ang article na yun.

"Oh my god!" sabi ni Katey habang nanlaki lang ang mata ni Alex

"Alam ba ni Bella?" tanong ni Alex

"Hindi ko alam" sagot ko

"Pano natin sasabihin sakan----" hindi na natapos ni Katey ang tatanungin nya kasi bilang pumasok si Bella kaya nagmadaling sinara ni Alex ang laptop ko.

"Hi Bella! Andyan ka na pala" sabi ni Alex

"Oo....?" sabi ni Bella "Anong pinag-uusapan nyo?" tanong ko

"Uhm..Ano..." sabi ni Katey

"Anong oorderin na dinner kasi hindi ako nakapagluto" agad kong saot

"Ahh!! Oo! Oo, anong oorderin namin" agad naman na naki go-with-the-flow si Katey

"Sige. Magshoshower muna ako tapos bababa narin ako mamaya" sabi nya tapos tumango ako.

Hindi ba nya alam o nagpapanggap lang sya na hindi nya alam?

"Katey! Ang obvious mo dun!" sabi ko sakanya

"Sorry na, kinakabahan talaga ako ehh" sabi pa nya.

"Ikaw naman Alex! Grabe yung pag-sara mo sa laptop ko! Mamaya nasira screen nyan eh" sabi ko pa tapos tumawa lang sya

"Edi pag nasira, bibilhan kita ng bago" sabi pa nya tapos sinungitan ko lang sya

"Akin na nga yan, maghanap na tayo ng oorderin" sabi ko tapos binigay ni Alex ang ang laptop ko.

~~

HENRY P.O.V

Nakarating na ako sa bahay namin at pumasok na ako sa loob.

THE FORGOTTEN LOVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora