CHAPTER 4: She Left

335 21 6
                                    

Chapter 4: She Left

Simula noong araw na nawala yung necklace ko, hindi ko na ulit ito nakita. Hindi ako sanay na wala 'yon sa akin. Ilang taon nang nasa akin 'yon, ngayon ko pa naiwala.

So careless naman kasi!

Ngayong araw na kami lilipat sa bahay, tapos na itong i-renovate. Tapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Inuna na ding dalhin sa bahay yung mga gamit namin para kami nalang yung pupunta doon mamaya.

I'm scrolling through my IG feed. Meron kaya IG account si Justin?

I tried searching his name. May isa namang nag-pop, and yep, this is his account. Should I follow him?

Tinignan ko nalang muna ang mga posts niya. Napaka dami niyang post na kasama si Ethena.

Fine, I'll follow him.

After a few minutes he followed me back, wow active sa IG. I even received a DM from him.

Jah
Wow! 5M followers, famous!

jem_aguillon
Hahaha, di naman. Ikaw din kaya maraming followers. Sana all.


Jah
YouTuber ka? Kaya pala marami kang followers. Galing.

jem_aguillon
Yes, I am. Hahaha, thank you.

Jah
Nakita ko na din YT channel mo, ang dami mong subscribers. Congrats! Naka subscribe na din ako!


jem_aguillon
Thank you. :)


Jah
You're welcome!

Yun na 'yon? Hindi mo man lang ba tatanungin kung kamusta ako? Kung anong ginagawa ko? Kung kumain ka ba ako?

Sandali ko pang tinitigan ang convo namin. Eto na ba talaga 'yon?

Maya maya pa ay tinawag na ako ni Alex, pupunta na daw kami sa bahay. Medyo nabuhayan naman ako dahil mapapalapit nanaman ako kay Justin.

...

Pagkadating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nandito na din ang mga maleta ko. Kailangan ko nalang gawin ay ayusin ang mga gamit ko.

Since wala naman akong gagawin at tapos na akong mag-record ng videos kanina, napag-pasyahan kong ayusin nalang ang mga gamit ko. Medyo marami rami akong aayusin.

Malaki din ang bahay naman dito pero mas malaki yung nasa France. Pero atleast, malaki parin. Kulang nga lang yung pool.

Nag-patugtog nalang ako ng random songs habang nag-aayos ng gamit para hindi ako tamarin. Buti nalang walang nang-istorbo sakin.

After 2 hours, kalahati palang ng mga gamit ko ang naiaayos ko. I guess mamaya ko nalang 'to itutuloy, o baka bukas na pag tinamad ako.

Medyo nabobored na ako dito sa kwarto kaya lumabas muna ako. Napaka tahimik. Tunog lang ng pagtapak ko sa sahig ang tangi kong naririnig.

Nakarating ako sa sala, walang tao. Napaka lawak ng bahay, pero walang katao tao sa paligid.

Sana meron din akong mga pinsan o pamangkin man lang na bumisita dito.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nag-lalakad lakad sa bakuran. Mukang malilibot ko ang buong bahay dahil wala akong magawa.

Nang mapagod na ako sa pag-lalakad ay bumalik na ulit ako sa kwarto. Saan ko na nga ba nailagay yung camera ko?

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon