CHAPTER 25: Surprise? Surprised

468 20 31
                                    

Chapter 25: Surprise? Surprised

Two weeks has passed, we're living in our normal life again. Regular na ang trabaho ko sa company same as Alex.

Medyo naging busy din si Justin sa mga artworks niya for the past few days kaya hindi kami masyadong nag-kikita ngayon. Text and call lang.

"Delivery!"

Agad akong lumingon sa taong pumasok sa office ko.

"Two boxes of six pieces Krispy Kreme Doughnuts."

Napangiti nalang ako. "Thanks Aki."

Naupo siya sa silya sa tapat ng table ko tsaka binuksan ang isang box.

"Sigurado kang mauubos mo 'to?" tanong niya.

"Oo naman." sagot ko.

Bumalik na ulit ako sa pag-tatype sa laptop ko. May report kasi akong kailangang tapusin bago mag-lunch.

"Kukuha na akong isa ha?" paalam ni Aki.

"Sige lang." sagot ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

Nanatili nalang siyang tahimik habang kumakain. Patuloy naman ako sa pag-tatype. I need to finish this ASAP.

"Mukang busy ka ah. Aayain sana kitang lumabas. Pero sige, salamat sa Doughnut. Alis na ako ah, hinihintay ako ni Ken eh." paalam ni Aki.

Kinawayan ko nalang siya.

"Sige, salamat din dito. Sa susunod nalang yung bayad ah?" pahabol ko pa.

Umiling siya. "You don't have to pay me. Basta ba uubusin mo 'yan lahat, okay na sakin yun."

Yun ang huli niyang sinabi bago siya tuluyang lumabas sa office ko. Kalahati palang ang natatapos ko, I need to work fast. Gusto ko nang mag-pahinga.

"Good morning Ma'am."

Agad naman skong lumingon sa taong pamilyar ang boses.

"Jah?"

"Opo, ako nga po mahal na reyna."

Ipinag-patuloy ko nalang ulit ang ginagawa ko. Nakita ko naman siyang umupo sa silyang inupuan kanina ni Aki.

"Ay, di ako pinapansin." sabi pa niya.

"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang artwork na gagawin, tatapusin o ide-deliver?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.

"Wala, natapos ko na lahat. Grabe, nakakapagod nga eh." sabi niya tsaka siya nag-inat.

Sandaling natahimik ang paligid at tanging tunog nalang ng pag-tatype ko ang naririnig.

"Punta ako sa inyo mamaya." pag-basag niya sa katahimikan. Kakaiba yung ngiti nito ah.

"Ge." maiksi kong sagot.

"Uhmm, matagal na din tayong hindi nag-kikita kaya, pwede--"

"Jah, anong oras ka natutulog araw araw?"

Sandali pa siyang natahimik sa tanong ko. Nilingon ko siya at para siyang gulat na nag-tataka.

"10 o'clock?" sagot niya.

"Ganong oras na din ako natutulog ngayon." I said.

Kadalasan kasi, napupuyat ako kaka-gamit ng phone kaya lagi akong inaantok sa trabaho. Pero inayos ko na yung routine ko, maaga na akong natutulog.

"Eh?" tunog disappointed siya.

"Anong eh? Ehtlog." sarkastiko kong sabi. Aba, reklamo ka pa.

"Jewel--"

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon