CHAPTER 12: Limang Paraan Para Makalimutan

372 17 5
                                    

Chapter 12: Limang Paraan Para Makalimutan

Ayoko sanang makipag kita kay Jacob asungot ngayon, kaya lang nakokonsensya naman ako. Ginagawa niya lahat para lang mapasaya ako, tapos hindi ko siya sisiputin? Mali naman ata 'yon.

Kaya heto ako ngayon. Nag-aayos ng sarili ko sa harap ng salamin.

"Sigurado ka ba talaga Jewel? Ayaw mo bang ihatid kita?"

Kanina pa ako kinukulit ni Jah na sasamahan daw niya ako. Ayoko namang parang gawin na siyang alalay dahil lagi nalang niya akong sinasamahan at tinutulungan.

"Hindi na Jah, mag-papasundo nalang ako kay Jacob."

Sumandal siya sa gilid ng pinto tsaka bumulong pero hindi naintindihan yung sinabi niya.

Maya maya pa ay narinig kong tumunog ang phone ko, tumatawag na si Jacob.

[Nandito na ako sa labas ng bahay na sinasabi mo.]

"Sige, sandali lang. Lalabas na ako."

Kinuha ko na ang wallet ko tsaka ko ito binulsa.

"Sige Jah, alis na ako. Paki-sabi nalang kay Tita." nginitian ko nalang siya tsaka nilagpasan.

"Jewel!"

Palabas na sana ako sa pinto nang tawagin niya ang pangalan ko, nilingon ko naman agad siya.

"Ingat."

Nginitian ko nalang siya bago tuluyang umalis. Now he's even reminding me to take care.

Paasa ka, Jah.

"Buti naman pumayag ka. Akala ko mag-dadahilan ka nanaman eh." bungad sa akin ni Jacob nang maka-sakay na ako sa kotse niya.

"Tss, paandarin mo na yung kotse at baka mag-bago pa ang isip ko." sabi ko tsaka siya inirapan.

Sumilip pa ulit ako sa bintana. Nakita ko si Jah na naka-tayo sa gilid ng pinto habang naka-tingin sa akin. Ibinaba ko ang bintana tsaka kumaway sa kanya. Kinawayan naman niya ako pabalik.

Dahan dahan nang umandar ang kotse kaya umayos na ulit ako ng upo, itinaas ko na ulit ang bintana.

"Bakit pala nandyan ka? Bakit ala ka sa bahay niyo?" tanong ni Jacob.

"Nagka problema lang." sagot ko.

"Would you mind telling me?"

Hindi ko masyadong nakakasama si Jacob pero alam kong mapag-kakatiwalaan siya.

Huminga ako ng malalim. "Nag-away kami ni Alex."

"What? Anong ginawa sa'yo nung gunggong na 'yon? Sabihin mo lang, ako bahala."

Napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Ako yung may kasalanan."

Parehas kaming natahimik. Totoo naman, ako yung may kasalanan. Ako yung hindi sumunod. Ako yung hindi nakikinig. Alam kong concern lang naman sakin si Alex bilang Kuya ko.

"Okay, that's kinda private. Hindi na ako makikialam sa away niyong mag-kapatid. Pero dapat lang na ayusin niyo 'yan bago pa lumala."

Napaisip ako. Tama si Jacob. Kailangan kong makipag usap kay Alex at mag-sorry sa kanya dahil sa inasal ko.

Kahit halos mag-sawa na ako sa mall dahil kagagaling lang namin ni Jah dito kahapon ay hindi nalang ako umangal kay Jacob. Pag-bibigyan ko siya this time para sa 'date' daw namin.

"Anong gusto mo? Kain muna tayo or mag-ikot ikot? O baka may gusto kang bilhin?" tanong niya.

"Kakagaling ko lang dito kahapon para mamili ng mga gamit ko. Kaya wala na akong kailangang bilhin." sabi ko.

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon